Litratong Pinoy: Ako ay Bilog

litratongpinoy.gif

 

 

img_1264b.jpg

 

Marahil ay hindi na ito nakikita madalas ng mga Pilipino. Oo, ito ay isang gulong ng karitong gamit ng mga magsasaka na kadalasan ay ginagamit sa pagpunta sa bukid, hila ng isang kalabaw. Tila palamuti na lamang ang mga ito sa ilang kadahilanan:

(1) paggamit ng makabagong makinarya sa pagsasaka,

(2) kawalan ng lupang pagsasakahan o kaya naman

(3) kawalan ng lupang pagsasakahan dahil ito ay naging panirahan na (subdibisyon) o kaya naman ay naging gasolinahan o pamilihan.

 

Magtataka pa ba tayo kung bakit wala na tayong bigas?

______________________________________________________________

Filipinos rarely see these things anymore. Yes, this is a cart wheel, part of the cart pulled by carabaos used by farmers when they go to the fields. But this wheel seems to be just for aesthetic purposes these days for several reasons:

  1. the use of modern machineries in the farm,
  2. lack of farmlands to till or even
  3. farmlands converted to housing development, gasoline stations, malls or other concrete structure.

Now, do we still have to wonder why we lack rice which is the primary food staple in this country?

34 Responses to “Litratong Pinoy: Ako ay Bilog”

  1. Kotsengkuba on 03 Apr 2008 at 7:25 am

    kahit yung mga kalesa na ganyan din ang gulong wala na ko makita ;-) yung bang kalesa na puno ng panindang native na gamit e ganyan din ang ulong?

  2. mousey on 03 Apr 2008 at 7:32 am

    pang dekorasyon na lang nga ang mga yan. bagay na bagay sa tema ang kuha mo. magandang umaga sa iyo teacher julie!

  3. nona on 03 Apr 2008 at 8:56 am

    Sumasang ayon ako sa sinabi mo Julie, sayang ano? malaking pakinabang iyan kesa sa mamahaling makinarya. Angkop ang gulong na iyan sa temang bilog.
    Magandang araw :)

  4. Girlie on 03 Apr 2008 at 9:29 am

    antigo ang dating ng bilog na yan…buti nalang nakakita ako ng ganyan nung maliit pako, yikes meaning antigo na din ako ^_^

  5. iRonnie on 03 Apr 2008 at 11:11 am

    naisip ko din yang mga dahilan na yan kaya wala tayong bigas. nakakalungkot na naungusan na tayo ng mga ibang bansa sa asia na dito nag-aral sa pilipinas ng agrikultura.

    ay naging dressing naman comment ko. hehe. mabuhay ang litratong pinoy!

  6. Lizeth on 03 Apr 2008 at 3:13 pm

    hi julie :) interesado akong malaman saan ito kuha… :) salamat!!

  7. Thesserie on 03 Apr 2008 at 3:19 pm

    Magandang umaga, teacher Julie.

    Naantig ang puso ko sa iyong akda para sa LP na ito. Totoo lahat ng sinabi mo. Ang mga kabataan natin ay hindi na makikita pa o malalasap man lang ang tunay na paghihirap at sakripisyo na ginawa ng mga ninuno natin. History kumbaga, hindi nila matunghayan pa.

    Napaisip tuloy ako, ilang taon ako tumira sa bansang Thailand, at last year lang nanduon ulit ako..may mangilan-ngilan pa rin na magsasaka na gumagamit ng kalabaw sa fields nila. Hindi man bigas ang tanim ay ganito pa rin ang paraan ng pagbubungkal nila. Sana makakita pa rin ako nito sa Pilipinas.

    ang haba….maayong LP!

  8. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:48 pm

    KK, tila wala na nga yata ang mga kalesangiyon. Meron dito sa siyudad, pakonti-konti. Minsan, me nakita ako, pero hindi na hila ng bakang malaki, nakamotor na may sidecar na. Nakabili nga kami ng walis na pang-agiw eh :D

  9. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:50 pm

    Mousey, pati mismo ang kariton, pang-dekorasyon na din lang. Kakalungkot, hindi man lang makita ng mga bata ang mga ganitong mga gamit ng ating mga ninuno.

  10. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:51 pm

    Nona, ako naman, positibo pa din. Kahit wala na ang mga ganyan, sinisigurado namin na naituturo pa din sa mga bata ang mga makalumang pamamaraan dahil ito ay parte ng kanilang pagkatao bilang mga Pilipino. Salamat.

  11. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:53 pm

    Antigo nga na maituturing, Girlie, kaya kahit ganun, interesadopa din akong makunan kahit man lang ng larawan. Para din ito sa dagdag na kaalaman, lalo na sa mga bata. Hindi pa tayo antigo :D

  12. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:55 pm

    iRonnie, malamang, darating ang araw, wala na tayong makakain. Sana kung maaari nating kainin ang mga kongkretong istruktura kaya lang hindi. Totoo yan, hindi lang sa pagsasaka tayo naungusan ng ating mga kapitbahay sa Asya, pati sa ibang bagay din. Nakakalungkot isipin ano?

  13. greenbucks on 03 Apr 2008 at 4:56 pm

    Lizeth, sa Nayong Pilipino yan sa Clark. Napakaganda doon at napakaraming matututunan.

  14. greenbucks on 03 Apr 2008 at 5:05 pm

    Thess, totoo yan. Kaya nga sa tuwing umuuwi kami sa aming probinsiya, palagi naming ipinapakita at ipinapaliwanag ang mga bagay-bagay na nakikita nila, na parte ng kanilang pagiging Pilipino. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang klase ng pagbabagong nagaganap sa ating bansa, pero ibang usapan na yun.

    Minsan,nga tinanong ako ng anak ko kung ang baboy daw ba eh totoo dahil hindi pa siya nakakita ng buhay na baboy.

    At tsaka alam mo, madaming lupain nakatiwangwang, walang tanim, lalo na sa aming probinsiya. Sayang, marami sanang maitatanim doon na puwedeng kainin para maibsan ang gutom, kahit kaunti.

    Ay isa pa pala, sa Nepa Q Mart sa Cubao, pansin ko, sa me harap pag nadadaan kami,mga cellphone casing ang tinda, hindi na pagkain. Baka darating ang araw, wala nang makakain ang mga Pilipino kasi puro mga kongkretong istruktura na.

    Pasensiya ka na, ang haba din ng sagot ko. Salamat sa LP. Hanggang sa muli.

  15. Thesserie on 03 Apr 2008 at 8:25 pm

    ma’am, totoo, hindi pa sila nakakakita ng baboy? (send ko pictures ko sa iyo hi hi)
    palagay ko kasi ang ibang nakatiwangwang na lupain sa mga probinsya ay malamang iniwan ng mga may-ari at nakipasapalaran sa Maynila o kaya naman ay walang perang pangtustos upang ang mag ito ay matamnan…nakakalungkot di ba? kung ang pera ng bansa na ibinubulsa lamang ng mga nasa pamahalaan ay ibigay sa mga magsasaka, lalago at uunlad ang mga nangangailangan.

    naku casing ng cellphones ang tinda? aba hindi ko maigigisa yan tsk…

    hanggang sa muli teacher Julie….nasapol mo kasi puso ko sa entry mo eh ;)

  16. Meeya on 03 Apr 2008 at 9:40 pm

    agree ako sa mga sinabi nila. marami na talaga tayong mga bagay na nate-take for granted ngayon – isa na dun yung history at culture natin bilang pinoy. siguro kaya hindi tayo umusbong-usbong bilang mga pinoy kasi hindi natin nabibigyan ng pahalaga yung mga bagay importante. mas importante na ngayon yung mga materyal na structures na hindi naman nakakain. :P

    maligayang huwebes julie! :)

  17. weng on 04 Apr 2008 at 2:31 am

    mabuhay julie! napakaganda naman ng sinulat mo kasama ng larawan. nakakapagpaisip. hee hee! gusto ko rin ng mga gulong na ganyan na puwedeng dekorasyon! :D

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

  18. Grey on 04 Apr 2008 at 6:21 am

    Napakaganda ng litrato mo at nagustuhan ko ang saloobin mo kaugnay nito. Ang antigong gulong na ito ay isang bakas ng kasipagan ng mga Pilipino at magandang alaala na nung minsan ay namuhay tayo ng payak ngunit kontento at masaya. :)

  19. ris on 04 Apr 2008 at 11:39 am

    ano kaya ang feeling kung ganito ang gamit natin ngayon no? meron kayang traffic? :) ayos tong photo mo. sa tiendesitas nalang yata ako nakakita ng ganyang gulong eh. hehe.

  20. greenbucks on 04 Apr 2008 at 4:55 pm

    Thess, ay, nakakita na pala, naalala nila. Yun nga lang ang mga baboy ay nakasakay sa trak, papuntang katayan.

    Totoo yan, napakaraming palayang nakatiwangwang. Kung sana ay magsibalikan sa kani-kanilang probinsiya ang mga mahihirap na nagsisiksikan sa lungsod, marahilmagiging mas maayos ang buhay nila. Ang mga mapagsamantalang bumibili ng mga lupain naman nila, kadalasan, sila pa ay niloloko. Hay, bakit ba ganyan.

    Basta, meron na akong para sa susunod na LP. Ginanahan akong gumawa nung naisip ko ang magandang topic para dun. Naiyak nga ako nung ginawa ko yun eh. Sana Huwebes na uli :D

  21. greenbucks on 04 Apr 2008 at 4:59 pm

    Meeya, merong mga nagsasabi na kapag pagtutuunan ng pansin ang nakaraan, tila ba nabubuhay ang tao sa nakaraan ang malabong makita ang hinaharap. Ang sabi naman ng iba, mabuting alam ang nakaraan at matutunan ang mga pagkakamali noon upang mas handa sa hinaharap. Doon ako sa pangalawa.

    At oo, hindi talaga makakain ang konkretong istruktura. maraming salamat.

  22. greenbucks on 04 Apr 2008 at 5:01 pm

    Weng, salamat. Mahirap kasi ang buhay dito sa atin kaya ko naisip yan. OO, umaasenso pero hindi ko yata nagugustuhan ang klase ng pag-asenso na ito na parang panandalian lamang at hindi naiisip ang magiging resulta sa pagdaan pa ngmaraming taon. Salamat.

  23. greenbucks on 04 Apr 2008 at 5:04 pm

    Grey, tama ka, ito ay bakas ng kasipagan at simbolo ng payak ngunit kontentong pamumuhay.

    Hindi ko alam kung paano nagbago ang mga pinahahalagahan ng mga tao. Oo, may pera pag naibenta ang mga lupain, pero kapag naubos na ang perang iyon ay ano na?

    Salamat sa napakagandang interpretasyon.

  24. greenbucks on 04 Apr 2008 at 5:06 pm

    Ris, matrafic kapag yan kasi mabagal :)

    Meron nga sa tiendesitas, pang photo opp na lang. Pero sana maipaliwanag din, lalo na sa mgakabataan ang simbolo nito, hindi lang sa bagong panahon kundi sa mga naging aral noong nakaraan. Maraming salamat.

  25. Kaje on 04 Apr 2008 at 11:03 pm

    antigong bilog para sa makabaong isyu ng lipunan, magaling! :)

  26. sardonic nell on 05 Apr 2008 at 3:01 am

    ang naalala ko dyan eh yong upuan namin sa garden, kasi may dalawang gulong na tulad nyan yong sa amin. ay naku, nagrereminisce na naman ako ng aking kabataan. heheheh, lovely photo ;)

  27. bluep on 06 Apr 2008 at 6:18 pm

    Kapatid, unang beses ko dito sa bahay mo.

    Magaling ang iyong pagkakuha, kadalasan ang gulong na yan ay ginagawa na lamang na palamuti. Ngunit sa aming baranggay dos, madami pa nagamit nyan. Isa yan sa tunay na tatak ng Pilipino!

  28. greenbucks on 07 Apr 2008 at 5:44 pm

    Kaje, tama, ito ay isang makabagong usapan na ang pinagmulan ay ating nakaraan at hinuhubog nito ang ating hinaharap.

    Salamat sa iyong pagdalaw :)

  29. greenbucks on 07 Apr 2008 at 5:46 pm

    Sardonic Nell, ito nga ay ginagawang pamaluti na lamang. Ngunit kahit na ganoon nga, dapat ay malaman pa din ang kabuluhan nito sa ating kasaysayan.

    Salamat sa iyong pagdalaw :)

  30. greenbucks on 07 Apr 2008 at 5:52 pm

    BlueP, isang malugod na “Mabuhay” ang ipinaaabot ng manunulat sa blag na ito sa iyong pagdalaw.

    Mabuti naman at ito pa rin ay nagagamit pa sa inyong barangay. Sa aking mga kamag-anak na magbubukid, tila hindi na. Wala na ang mga kalabaw noong huli kong dalaw sa kanila, marahil nasa bukid na lang, o kaya wala na. Tila nawalan na din yata ng gana ang aking mga tiyo na magsaka. O baka nagkakamali din ako dahil hindi ako madalas napupunta doon sa bukid.

    Salamat.


  31. [...] Litratong Pinoy: Ako ay Bilog [...]


  32. [...] for home. My hubby and I were hungry and tired. We decided to go to a fast food in one of the many gasoline stations lining up the NLEX for some dinner. In the restaurant,there were some children. They had musical instruments with [...]

  33. Lito Layco on 01 Sep 2008 at 1:49 pm

    saan pwedeng makabili ng gulong na ito na ginagamit sa bukid? Magandang decor ito sa isang simpleng bahay na pangarap ko… thank you.


  34. [...] features a church, a priest, people as family members going to church, a horse-drawn carriage, a carabao-drawn cart with fruits, and a marching [...]