Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko

(Mali, mali ang title ko, marahil sa pagod at puyat ito dahil ngayon lang ako gumawa. Umpisa na kasi ng summer program sa aking trabaho at ako’y hilo sa pagod at sa kakaisip. Hindi, hindi ko na babaguhin)
Ito ang mga makukulay na bintanang parisukat sa Science Centrum kung saan namasyal ang aking dalawang mas batang anak para sa kanilang field trip. Narito ang isinulat ng anak kong si Julian para sa newsletter kada-buwan para sa kanilang mga magulang. Science Centrum Field Trip.
These are the colorful windows of the Science Centrum where my two younger children went to for a field trip. Here is what my six and a half year old son Julian wrote for the newsletter that we parents receive monthly. Science Centrum Field Trip.
Click here to visit Litratong Pinoy “Apat ang Kanto Ko” entries.
43 comments greenbucks | Litratong Pinoy
43 Responses to “Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko”

haha natawa ako dun sa ayaw mo nang baguhin, pero tama din naman ah, apat ang sulok. naku ang gulo ko =)
Haha, ako rin sa sa entry ko gamit ko ay “apat na sulok” pero dahil naman sa tingin ko ay mas angkop sa litrato ko (o sa pagkakasulat ko).
Maari ko bang malaman kung saan ang Science Centrum?
Yan din ang una kong title, teacher Julie. Napansin ko lang nang balikan ko ang LP hehe…
Gandang araw ng Huwebes!
Di bale, kanto=sulok naman hindi ba? Pareho na rin yon!
ang ganda ng mga kulay, teacher julie!
iba rin ang disenyo ng mga bintana na yan…. may glass palang makukulay…
hehe, yan din ang itile ko nung una, buti na lang chineck ko muna sa LP yung title… magandang araw ng huwebes…
ang kulay din ng iyong parisukat! ang ganda!
magandang huwebes sa’yo!
lovely shot!
Maganda ang iyong lahok! Magandang Huwebes!
hmmm, i though the silhouettes are people taking showers. having you said they were colored windows in the science “centrum”, i thought the multi-vatimins (centrum?) took their logo from this windows. pareho ng kulay di ba? pareho pang centrum. galing, ako di talaga marunong kumuha ng mga architecture shots.
ang ganda naman ng bintana niyo sa paaralan! parang malalaking mosaic. at least, hindi ka nahirapang maghanap.
ps: napacheck ako bigla sa title ng mga entries ko. akala ko sulok ang nagamit ko. hehehe.
happy thursday, julie!
Munchkin Mommy
Mapped Memories
Gandang Huwebes. Napaka-unique naman na mga bintana yan… Tuyak na mas attractive yan sa mga bata…:-)
Nakakatuwa ang iyong mga parisukat… gusto ko ang kanilang mga kulay. Sandali… ano ba ang kaibahan ng sulok at kanto?
rainbow-colored squares! maganda!!
Makulay ang iyong mga parisukat! Mabuhay ka kaibigan!
Ambo
naku, gusto ko ring dalhin ang mga tsikiting ko dyan, nasa Pilipinas ba ang Science Centrum? salamat
magandang araw!
totoong makulay at maganda ang mga parisukat na yan. manifestation films malamang pero tunay na maganda
ang ganda ng kulay ng bintana. happy huwebes!
uy makulay nga sya… at tama ang tema.. parisukat nga
salamt sa dalaw
ha ha, si miss LP nga yan din title nuong una, ni edit lang nya ..pero intindi ko tama naman din …
ma’am Julie, ang gagandang kulay naman ng bintana na yan!
maganda ang mga kulay! naalala ko tuloy ang centrum na bitamina! hahaha! sa palagay ko ay tama rin ang apat na kanto, hindi ba?
ang ganda ng mga makukulay na disenyo ng bintana.
oks na oks!
Huwaw, nagfieldtrip din kami diyan nung hayskul, hehehe:) Hmmm, mas magand yung itsura nung pinakita sa TV, pero ayus, daming interesting things na makikita. Mahilig pa naman ako sa physics dati, hehehe:D
makukulay na maraming ‘apat na sulok/kanto’!
kanto at parisukat – para sa akin pareho lang din yan
mahirap maghanap ng tamang salita minsan ano?
hi julie, lumutang yung colors ng windows! nice shot!
MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat
ang ganda ng pamagat mo hehehe..
makulay ang larawan, ang ganda
Maganda ang makukulay na bintana
maganda yang kuha mo, lalo siguro kung naenlarge yung photo. ok din kung panoramic view, diba?
ayos!!! ang mga parisukat ang nagbigay ng kulay sa litrato…
parang black and white ang dating pero dahil sa mga makukulay na bintana yun ang naging accent sa picture… nice talaga…
magandang araw…:)
ang ganda, habang pinagmamasdan ko para siyang may misteryo.
Ang ganda naman nyan Julie! Parang United Colors of Benetton window ah!
Ang galing naman ng anak mo na si Julian! Sabihin mo ay humanga ako sa talino nya! God Bless!!! Hanggang sa susunod na Huwebes!
maganda ang iyong larawan. makulay na araw sayo.
ay..magpahinga naman po minsan
maganda ang larawan na kuha mo…kita ulit tayo sa neks week
naalala ko ang kulay ng rubik’s cube sa kuha mo… magaling!!!!
Hi Julie! Ang ganda naman ng larawan ng apat na kanto mo. Buhay na buhay ang mga kulay! Magandang araw sa yo!
Girlie, hindi ko alam kung pano nangyari na mali ang nabasa kong title/theme para sa LP na iyan
Cathy, hindi ko matandaan kung nasagot na kita (uyy, tayo na?).Ang Science Centrum ay nasa Marikina Riverbanks, katabi ng Kalayaan College.
She, salamat sa dalaw. Ngayon lang nakakareply. Busy lagi. Me paid posts ka na pala sa utopia, kita ko kanina umaga when I was doing rounds
Thanks Pinky
Thanks, Tin
kakaiba nga, Linnor, makulay