Sa dami ng mga larawan kong may hugis ng pahaba, ito sa ibaba ang napili ko, ang karatula ng kalye. Ito ay pa(ri)haba na tamang-tama sa tema. Wala na kasi ako maisip. Naisip ko sana maglagay ng larawan ng aking mga estudyante na gamit ang mga bagay na may hugis pahaba kaya lang baka idemanda ako ng kanilang mga magulang. Sila na may tinatawag na otismo, mga batang tila ba nakakahon (parang parisukat/parihaba) ang kalahatan ng kilos, pati kanilang saloobin. Pero wag na sila pag-usapan dito kasi marami meron na akong mga naisulat dito sa TitserJulie.com blag ko.
With all the photos I have depicting something rectangular/long, the photo below was the one I chose to feature since the street sign’s shape is rectangular, perfect for this week’s theme. I can’t think of anything more to feature. I planned to show my students’ photos using things that are rectangular in shape but their parents might sue me (harhar!). Most of them are different, or rather special, several having the condition we call autism. They behave in a box-like (square? rectangular? one way?) way since almost all their responses and feelings are being taught to them. But I don’t want to talk about them since I have written posts about them in my TeacherJulie.com blog.
~o0o~
Dewey Avenue? Hindi, hindi yan sa America. Iyan ang pangalan ng kalye sa SBMA sa pahabang poste na may pa(ri)habang anyo, kung saan kami dumadaan papunta sa aming munting tahanan sa lalawigan.
Dewey Avenue? No, that is not in America. That is the name of the street in SBMA where the sign on a post, that we always pass by on our way to my parents’ house in the province.
Pero teka muna, sandali lamang po… Malabo kasi, hindi na kaya ng point and shoot na kamera ko, malabo pa ang mga mata ko. Tignan ko nga ulit sandali…
But wait…The photo is blurred, my point and shoot camera had difficulties, my eyes are also blurred. I would just like to take a look again…
Ay! Bakit ganun? Me sulat, sulat Intsik ba yan? Bakit? Nabili na ba nila ang Pilipinas, este ang Subic Bay area pala, at me subtitle na kakaibang sulat ang mga karatula dito. Baka pagdating ng araw eh tayong mga Pilipino na ang mga dayuhan sa lupang sinilangan natin. Huwag naman sana.
Oh my! Why is it like this? There are some strange writing, is it Korean, Chinese Taiwanese calligraphy? Why? Have they bought our country already, I mean the Subic Bay area, that’s why all the street signs as well as the tourist spots have these translations. Would it be possible that the day would come that we Filipinos will be considered as foreigners in this land of our birth? I hope not.
View more Litratong Pinoy participants here.
34 Responses to Litratong Pinoy: Pahaba