Litratong Pinoy : Malungkot

Malungkot. Ngayon ay Mayo Uno, Araw ng Paggawa. Sad. Bleak. Depressing. Today is May One,Labor Day.
Sa loob ng mga magagara at maliliwanag na mga gusaling iyan, naririyan ang mga mangagawa. May mga sumasahod ng mas mataas sa minimum. May magagarang damit, celfone at sapatos. Mangilan-ngilan ay may kotse. Masayahin. Ngunit tunay kayang sila ay masaya? May ngiti pa bang mamumutawi sa kanilang mga labi sa taas ng presyo ng mga bilihin, bayarin sa kuryente, tubig, gasolina at pamasahe at ang trapikong araw-araw ay kanilang kinakaharap? May ngiti pa bang makikita sa mga mata ng mga taong ginagawang araw ang gabi at gabi ang araw, upang sumagot sa mga reklamo ng mga tao sa telepono? Oo, karamihan sa mga diyan sa mga gusaling iyan, nandiyan sa gabi para magtrabaho, nabubuhay sa kape at nikotina. Yan ang dahilan kung bakit marami pang ilaw sa mga gusaling iyan.
Inside those grand and brightly lit buildings are employees. Most of them probably earn a little above the minimum wage. They have nice clothes, nice cellphones and nice shoes. Some even have cars. They are happy. Or are they really happy? Would a smile still play on their lips especially now that the prices of food, electricity bill, water bill, gasoline, public transport fares are so steep? Not to mention the monstrous traffic they have to endure, going to work and coming home when they workday is done. Can they still smile, these people who make the nights their days and the days their nights, just so they can answer complaints and queries on the telephone from irate customers? Yes, most of those who work in those buildings work at night until the wee hours, energized by caffeine and nicotine. Why do you think the buildings are still so bright even if its obviously late?
Malungkot ang kalagayan hindi lang ng mga manggagawang Pilipino, kundi pati ang kalahatang kundisyon ng bansa.
It is a sad plight not just for the Filipino worker, but for the overall condition of the country.
But still…
Anuman ang gawain, mataas man ang tungkulin o tila isang abang manggagawa, dapat ito ay ginagawa ng tama at may karangalan.
Whatever kind of work, whether in a top rank or in a lowly position, work should be done correctly, rightly, and with dignity.
Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!
P.S. Sige na nga, masaya na tayo kasi walang pasok. Pero ako me turo pa rin, ok lang yun sa akin, huling hirit ko. Iiwan ako ng 4 na studyante, pupuntang New York ang isang pares nang magkapatid at magba-Bahama cruise naman ang isa pang pares na magkapatid. Ako ang malungkot. Konti lang ang kita ko ngayong Mayo



Thursday 1 May 2008 4:24 am
LP na nga pala! Wednesday pa lang kasi dito. Hahaha!
tulad ng dati, pinili mong muli ang mas matalinhangang pagbibigay kahulugan sa tema ng LP. maganda yun pangbalanse sa mga mas magaan (light) na mga interpretasyon…tulad ng mga sa akin. hahaha! maligayang huwebes, julie! 
Thursday 1 May 2008 8:16 am
[…] have written some thoughts about Labor Day here, in my entry to the Litratong Pinoy Photo […]
Thursday 1 May 2008 9:05 am
gabi na, ngunit may ilaw pa sa ga gusaling yan. nangangahulugan na merong mga nagta-trabaho pa. para sa kanila at sa iba pang mga manggagawa ang araw ng mayo uno.
Thursday 1 May 2008 9:35 am
ok lang ayn, magsay tayo kahit malungkot ang tema…magandang araw ng huwebes…
Thursday 1 May 2008 10:00 am
sadyang malungkot ang kinabukasan ng mangagawang pinoy sampu ng kanyang pamilya. kahit na anong tiis magtrabaho ang suweldong tinatanggap ay di sapat pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan.
Thursday 1 May 2008 10:36 am
Haaaay kelan kaya uunlad at sasaya ang ating bansa? nice shot!
Thursday 1 May 2008 12:57 pm
oo nga naalala ko nung ako’y nasa isa ding gusaling ganyan, malungkot nga na tambak sa trabaho pero madalas walang bayad ang OT
maligayang araw sa iyo!
Thursday 1 May 2008 1:46 pm
ang mga mangagawang Pilipino ay sadyang masipag hindi ba. Mga workaholic talaga..kaya umaasa ao sa pag unlad ng bansa para sa ating mga future leaders
Thursday 1 May 2008 3:13 pm
this is a good one, especially for Labor Day
well i can’t speak for my fellow professionals, but at least for me i try to be happy and be content with what I have because after all, it’s because of my family that’s why i work
happy thursday!
Thursday 1 May 2008 3:44 pm
your entry reminded me of what my lolo used to say — there are no menial jobs, only menial attitudes
Thursday 1 May 2008 4:31 pm
aruu at nasanggi na naman ang aking puso sa iyong akda, ma’am Julie. dahil naalala ko ang aking boss sa pinas na ayaw magbayad ng OT, grrrr! at hindi lang iyun, tuwing kinsenas ay may awas sa aking ‘SSS’ at ng aking i check ay hindi pala ito binabayaran ng nasabing boss, hmpft!!
Maligayang Huwebes sa iyo!
Thursday 1 May 2008 6:33 pm
malalim ulit ang interpretasyon mo sa ating tema. pero totoo lahat yan. bagay na Diyos lang nakakaalam kung paano mababago.
My LP Entry
Thursday 1 May 2008 6:44 pm
Hi Julie! Sobrang lungkot naman ng lahok mo - naalala ko bigla ang aking “past life”
Idagdag mo pa sa patayang trabaho ang nakakairitang trapik at tunay na kalunos-lunos na talaga ang kalagayan… Pero ang maganda sa ating mga Pinoy ay may “resilience” tayo, kahit gaano kahirap ang kalagayan, kahit paano ay nakakalaban, tumatayo at nakakaraos din!
Magandang Huwebes sa iyo!
Thursday 1 May 2008 7:03 pm
akmang akma! oo nakakalungkot isipin pero wala naman tayo halos magawa. Kung minsan ang kahirapan ay dahil narin sa kagagawan nating lahat, di ba?
Thursday 1 May 2008 10:23 pm
Julie, totoo ang iyong sinabi… mahirap ang buhay ng mga Pilipinong mangagawa… madalas, malit ang mga sweldo kumpara sa mga trabahong ginagawa. Ngunit, alam mo ba na may nabasa ako ilang buwan ang makalipas na ang mga Pilipino ay isa sa top 10 na mga tao na masaya sa kanilang trabaho sa buong mundo? Nakakagulat dahil lahat ng mga bansa doon sa listahan ay puro maunlad (first world) tayo lang ang hindi. Iba talaga ang mga Pinoy… kahit mahirap ang buhay eh laging masaya!
Friday 2 May 2008 12:01 am
tama ka! have a nice day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
Friday 2 May 2008 1:35 am
hi julie, parang kahit anong kayod mo wala naman itong kinakahinatnan dahil sa hirap ng buhay. di bale, at least may trabaho kesa wala.
mabuhay ang mga manggagawa!
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
Friday 2 May 2008 6:31 pm
tunay na nakakalungkot ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. bukod sa sobrag pagbabanat ng buto, idagdag mo pa ang kakaunting sweldo na tamang tama lang na pantawid gutom. ang masakit pa ay nagbabayad na nga ng tamang buwis pero maraming mapansamantala na mga makapangyarihan.. haaaay…
Friday 2 May 2008 8:02 pm
yan ang malungkot kayod tayo ng kayod wala naman tayong nahahawakan sa kita natin. dahil sa mga bayarin napupunta sa mga mataas na bilihin at mahal na gasolina.
Friday 2 May 2008 10:36 pm
malungkot ang katotohanang kahit 24 oras tayo magtrabaho, hirap pa rin tayo. sana lang talaga darating ang araw na di na natin papangarapin pa ang lumabas ng bansa para sa isang maganda at komportableng buhay.
galing ng pagkakakuha mo ah!
Monday 5 May 2008 10:35 am
hello, i got a tag for you:
http://strawberrygurl.com/2008/05/04/your-babys-favorite-toy/