Umaapoy na Damdamin ng Isang Ina
Napakahaba ng titulo ko di ba? Ibig sabihin, umaapoy talaga, nagpupuyos, nagagalit.
Ang asawa ko ay may meeting sa SBMA kahapon. Ako ay hindi pumasok sa trabaho at sumama sa kanya upang pumunta sa tahanan ng aking mga magulang. Naiwan ang anak kong si Julian doon sa bahay ng aking mga magulang, upang makasama ang dalawang kapatid niyang sina Trixie at Tania. Babalikan sila bago ang pasukan sa Hunyo.
Gabi na ng kami ng aking asawa ay makabalik. Kami ay gutom na gutom at pagod. Dumaan kami sa isang kainan upang maghapunan. Doon sa kainan, merong mga bata, me dalang banduria, byolin at gitara. Sila ay tumutugtog. May isang bata namimigay ng maliit na envelope upang manghingi ng donasyon.
Ako ay nabagabag at hindi komportable, hindi dahil sila ay nanghihingi ng pera kungdi dahil gabi na at dapat sila ay nagpapahinga na ngunit sila ay patuloy pa din sa kanilang ginagawa. Ito ay isang palaisipan sa akin. Hindi ba ito ay isang pang-aabuso? Hindi ba ito ay isang pagmamalabis? Umaapoy ang aking damdamin kaya kinuha ko ang aking kamera upang kunan sila ng larawan. Kelangan ko itong maisulat, upang maipahayag ko ang aking pagkamuhi sa ganitong sistema. Bakit kailangang gawin ito sa kanila? Sila ay mula sa isang foundation. Pero bakit ganun?
Sintunado na ang kanta.
Hindi na sabay-sabay ang pagtugtog.
Wala nang saya ang pag-awit.
Pagod na ang mga bata. Pagod na.
My title is long, isn’t it? This means it is fiery and angered even.
My husband had a meeting at SBMA yesterday. I decided to not go to work and go with him so that I can visit my parents and my two daughters currently vacationing there. Julian was left there to be with his sisters and to have some break too. We will be getting them before classes start in June.
It was already late when we started for home. My hubby and I were hungry and tired. We decided to go to a fast food in one of the many gasoline stations lining up the NLEX for some dinner. In the restaurant,there were some children. They had musical instruments with them: violin, guitar and banduria. They were playing these musical instruments. There was even a small child going to the diners giving them envelope for donations.
I was uncomfortable, I was not happy, not because they were asking for money but because its late. Its past 9pm! Shouldn’t they be resting? Why do they still continue what they were doing? This puzzled me. Isn’t this a form of child abuse? Isn’t this child exploitation? My feeling were hurt for them, I was “on fire” so I had to get the camera and to take their photos. I wanted to write about this, to vent off my steam about this kind of treatment, about this kind of system. And to think they are staying with a foundation. Why do they have to do this to them?




Thursday 15 May 2008 12:34 pm
kasing pula ng suot nilang mga damit
sahil sa salapi mga paslit
ginagamit…
tunay ngang mag-liiliyab at mag-umaapoy ang ganitong pangitain…
Pilipinas kailan ka ba aasenso?
Thursday 15 May 2008 12:46 pm
[…] have written a post here about something that I saw last […]
Thursday 15 May 2008 2:01 pm
sa hirap ng buhay lahat ng paraan para kumita ay gagamitin. nakakalungkot.
Thursday 15 May 2008 2:22 pm
Sadyang kay saklap isipin na ang mga bata ay nagiging kasangkapan sa ganyang gawain. Sana gawin ng mga magulang nila ang tamang paraan sa paglutas ng kanilang suliraning pananalapi.
Thursday 15 May 2008 3:32 pm
totoo yan. exploitation na yan. ang tanong, bakit pumayag ang mga magulang nilang ginaganito ang mga anak nila? sa hirap ng buhay ngayon, kahit sa patalim talaga kakapit ang sinuman.
Thursday 15 May 2008 4:52 pm
nakakainit nga ng ulo ang ganyan…tsk tsk tsk
Thursday 15 May 2008 4:58 pm
damang dama ko ang umaapoy mong damdaming, teacher :-s
Thursday 15 May 2008 5:09 pm
Ang babata pa nila, dapat ay sila itong inaalagaan ng mga magulang pero baligtad nga na sila ang pawang ‘naghahanapbuhay’ upang ang mga nakakatanda ay….?
nasaan sila?
Thursday 15 May 2008 5:17 pm
Oo nga, Julie, totoo ang iyong sinabi - nakapagpapaapoy talaga ng damdamin ang pang-aabusong ginagawa nila sa mga bata. Imbes na sila ang kumayod e hinahayaang ang mga bata ang kumita!
Thursday 15 May 2008 9:50 pm
Hindi ko rin naiintindihan kung bakit nagkaganito.. may rason ang mga magulang, ang mga bata sa kanilang murang edad.. nararamdaman na ang hirap kaya yung iba.. ok lang talaga na maging ganito ang buhay nila makatulong lang sa bahay….. nakakalungkot.. dahil TWISTED na minsan ang kaisipan ng mga magulang, na dapat lang sa mga bata na magtrabaho ng ganito para may kakainin ang pamilya.. pero? mali diba? dahil sa ganitong edad, magulang ang dapat na nag-aaruga habang ang mga bata ay nasa labas, natututo kung paano mabuhay (imbis na nasa “kahon” na ang gagalawan lang nila ay “kumita ng barya”, kumain ng onti at matulog ng saglit). Paano pag tumanda sila? Totoo bang handa sila sa buhay? Hindi, kaya marami sa kanila ang naliligaw ng landas.. tapos magiging cycle na naman kapag sila na ang naging magulang.
Mas nakakapanggalit siguro yung mga taong GINAGAMIT ang kahirapan at ang kawalang muang ng mga pamilya… para sa mga “proyektong” ganito. Kung talagang may mabuting layunin ang isang foundation, alam nilang higit sa donasyon na makukuha, mas mahalaga ang kalusugan ng mga bata… napakalinaw na pinagkakakitaan lang sila.
Thursday 15 May 2008 9:54 pm
totoo nga…nakakalungkot ang ganitong mga sitwasyon…yan ang lagi kong pangaral sa mga anak ko na dapat ay magpasalamat sila sa kung ano man ang sila ay swerteng mayroon dahil sa maraming mg bata ang hindi pinalad at kinakailangan kumayod para lang makakain man lang…
Thursday 15 May 2008 11:28 pm
di ba may mga batas tayong nangangalaga sa mga batang menor de edad na naghahanap buhay? baka dapat silang paalalahanan tungkol dito para maproteksyunan ang mga batang walang muwang?
Thursday 15 May 2008 11:31 pm
I totally agree with you Teacher Julie, children shouldn’t be out to do that during that time of the night. I’m really saddened by that but to think there are in a much better situation than the street children sniffing rugby.
Friday 16 May 2008 1:07 am
how i wish there’s more our govt can do for these kids. if only there parents are able, i don’t think they’ll have to work a day in there childhood. sigh…
Friday 16 May 2008 1:16 am
as usual nabagbag na naman ang damdamin ko sa entry mo. alam ko wala naman akong direktang magagawa para sa mga bata na ito kaya hangga’t maari, hangga’t kaya ng katawan at utak at kaluluwa ko, gagawin ko ang lahat para hindi maranasan ng anak ko ang paghihirap ng mga batang ito.
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
Friday 16 May 2008 2:15 am
grabe, these things break my heart. kawawa naman talaga sila. maraming salamat sa dalaw, julie!
Friday 16 May 2008 3:58 am
Nakaklungkot naman ang sitwasyon ng mga batang iyan Sobrang bata pa ng nandoon sa pinaka kaliwa. Hay, sana naman ay matigil na ang ganitong mga pangaabuso sa mga bata.
Friday 16 May 2008 6:42 am
magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe…
Friday 16 May 2008 5:02 pm
hindi ko mapigilan mahabag sa mg ganyang sitwasyon ng mga bata. minsan may galit na umaapoy sa puso kasi para bang napakahina ko at wala akong magawa man lang para matulungan sila. dala din ng galit sa puso ko ang pagtatanong na nasaan ba ang mga magulang ng mga batang ito at bakit sila hinahayaang maghirap?
Saturday 17 May 2008 10:20 am
ang ibang pilipino talaga, masyadong oportunista. kaya hindi umuunlad bansa natin eh. mga bata palang sinasanay na sa maling raket. kakaawa naman yang mga yan.
Saturday 17 May 2008 10:11 pm
Nakaklungkot na sa kanilang kabataan ay ganito na ang pinagkakaabalahan nila. Dapat sa mga ganung oras ay nagpapahinga na sila o kaya’y dapat nasa piling na ng kanilang ga magulang.
Sorry ha late na ko pero magandang LP pa rin sa iyo
Sunday 18 May 2008 8:18 am
tsk tsk tsk. ano ba ang nangyayari? kawawa naman ang mga bata.
sana nama’y tigilan na ang ganitong paggamit sa kanila.
gayon pa man, maligayang araw ng linggo sa iyo!
Apoy sa Langit
Apoy sa Keyk
Monday 19 May 2008 9:59 pm
Mas naging maapoy ang iyong damdamin sa pilipino translation na ito. Dito ko ba ito nabasa o dun sa teacher julie blog?
Where do you suggest I visit you? Here? There? Both? I think both.
I thought this one was the problogging site. Hindi ba?
Thursday 5 June 2008 12:40 am
AM, supposed to be for problogging but I am still trying to get some PR
It is turning out to be a socially-relevant blog, based on the posts I am writing. I am enjoying doing this, since I can’t unleash these feelings in the TJ blog, wholesome kasi dun
Friday 6 June 2008 5:41 pm
Pete, kung pati mga bata ay gagamitin sa ganitong paraan, meron pa bang asensong natatanaw?
Friday 6 June 2008 5:42 pm
Nakakalungkot talaga, iRonnie. Pati ba naman mga bata, tsk,tsk.
Friday 6 June 2008 5:46 pm
Ginagawang negosyo ang mga batang walang magawa. Hay…bakit ba kelangang ganito ang pamamaraan nila.
Friday 6 June 2008 5:48 pm
Cookie, mga taga-foundation ito, ke me magulang o wala, dapat talaga hindi ito gagawin sa kanila. Dis-oras na ng gabi eh nasa labas at kumakanta pa sila. Grrr…
Friday 6 June 2008 5:50 pm
Sinabi mo pa, Kaje. Kaasar no? Ay hindi, nakakapang-galaiti.
Friday 6 June 2008 5:52 pm
Naku, Yette, sinabi mo
Friday 6 June 2008 5:54 pm
Thess, these kids belong to a foundation pero anong klase naman ito. Ibang klase ano?
Friday 6 June 2008 5:59 pm
Hay, Pinky, noon una, parang hindi ko pansin sila. Aba, nang marealize ko, gabi na kanta at tugtog pa sila, sintunado na nga sa pagod eh. Hay naku…
Friday 6 June 2008 6:01 pm
cathy, tama lahat ng tinuran mo. Dapat ang mga bata sa oras na iyon ay nagpapahinga na pero sa kasamaang-palad, ginawang instrumento na pinagkakakitaan.
Friday 6 June 2008 6:07 pm
Totoo Ces. Ganyan din ang mga anak ko, kahit paano ay ayos naman sila at ipinapaalala namin na magpasalamat na Diyos sa mga biyayang tinatanggap namin.
Friday 6 June 2008 6:10 pm
Hay naku, teys, marahil nabulagan sila sa kita ng mga bata kasi baka malaki ang naiuuwi nito dahil pawang me mga pribadong sasakyan ang pumupunta sa gasolinahan na ito sa expressway. Pero kahit na, dapat hindi ganito.
Friday 6 June 2008 6:13 pm
True Tina, they are in a much more secured and safe environment than those who are out in the streets. Pero its all a matter of location, pareho pa din silang mga exploited like those small kids peddling rags and sampaguita garlands.
by the way, hope you can join LP.
Friday 6 June 2008 6:14 pm
SN, as it is, they are made to work, to earn for the foundation that is supposed to be caring for them. Ironic.
Friday 6 June 2008 6:17 pm
Totoo yan Meeya. Sometimes I feel its unfair to compare what these children are going through as against my own children, pero I have to let them know that these things happen. Realidad kasi ito.
Friday 6 June 2008 6:18 pm
They sure are, kaawa-awa talaga.
Friday 6 June 2008 6:20 pm
CA, yung pinakabata sa grupo, siya ang umiikot at nagbibigay ng envelope sa mga kumakain dun. Hay…
Friday 6 June 2008 6:23 pm
Grey, totoo yan, Ang tanging magagawa ko lang ay isulat ito at mailabas ang aking opinyon. Siguro yun na lang muna, malay mo, me makakita nitong sinulat ko at me magawa sila.
Friday 6 June 2008 6:25 pm
Vera, totoo, ginawang palabigasan ang mga bata, Ito ay hindi makatwiran, kahit saang anggulo tignan.
Friday 6 June 2008 6:26 pm
Precisely my point, Jeanny, disoras na ng gabi, alas 9 na nga ito eh. Kakaawa sila talaga.
Friday 6 June 2008 6:28 pm
Ibang klase ano, Weng? To think they belong to a foundation. tsk, tsk.