Ihip ng Hangin

Dito sa Pilipinas, mainam magpalipad ng saranggola kapag Pebrero.
Here in the Philippines, it is great to fly kites during February.
Dito sa taas na Shell Flower Terraces sa La Mesa Eco Park, napakalamig ng hangin.
Here on top of the Shell Flower Terraces at the Le Mesa Eco Park, the air is so cool. Read here about my picnic with other mommy bloggers.
You can find other Litratong Pinoy entries here.
greenbucks | Environment, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101, social consciousness, thoughts


Mukhang napakatahimik sa lugar na yan, di ko pa nabisita yan, sana paguwi namin mapuntahan ko! Gandang huwebes!
Tagal na rin akong di nakakakita ng nagpapalipad ng saranggola sa amin ah.
nakakita ako ng saranggola kanina at sinubukan kong kunan subalit napaka taas at napakalayo kaya hindi ko na tinuloy.
masarap daw maglaro ng saranggola lalo na kung nagpapaligsahan kayo kung sino ang unang ipabababa.
happy hwebes!
ang ganda! di pa ako nakakapunta jan sa la mesa eco park. di ko kasi alam puntahan eh hihi:-p
magandang araw ng huwebes po sayo!
Wow, never ko pa napuntahan ang La mesa eco…maganda pala diyan
happy LP Julie..
Hi T. Julie!! Naku naalala ko ang libro (at film ) na The Kite Runner by Khaled Hosseini , nabasa mo na ba ito? Maganda ang story
Ang laking saranggola nyan ha, kitang kita sa taas nya!
ngayon ko lang nakita ang iyong email, pasensha ka na..naku …kasi grabe ang busy ko (new job) subsob…nde halos makapag blog…sasagutin ko pag nagka oras ako, pangako..salamat sa email T J!
hapi tersdei, muah!
Parang ang sarap magpunta sa La Mesa ha lalo na ngayong tag-init.
Mantakin mo, di pa ako nakakapagpalipad ng saranggola ever - masubukan nga…
Happy Huwebes, Julie!
ganda sa eco park noh, gustong gusto ko.
ang galing ng kuha
gusto ko makarating sa la mesa eco park!!! saan ba ito?!
maligayang huwebes!
nais ko rin marating ang Eco Park dahil maganda nga raw…salamat sa litratong ito. masarap ding makapagpalipad ng saranggola sa maaliwalas ng lugar…walang mga kable ng koryenteng nakaharang.
magandang araw ng Huwebes sa iyo.
ang ganda ng shot ng kite, ang tingkad naman ng pagka-red niya.
happy lp, julie! 
maganda pla sa eco park. malapit lang yan sa amin pero hindi ko pa napupuntahan. salamat sa pag share na kombinsi mo ako na dalawin yan.
Happy LP
Shell Flower Terrace pala ang tawag dyan!! Ni hindi ko man lang napansin..hehehe
Uy, frustrated kite flyer ako…never ko nagawa yan..di ako marunong
tunay ngang may kakaibang ligaya sa pagpapalipad ng saranggola ano? may katagalan na kasi mula noong huling pagkakataon sa Pilipinas pa kaya’t ang sarap ng pakiramdam nung ito ay nagawa kong muli at kasama pa ang mga mahal sa buhay…
G_Mirage, tahimik nga sa La Mesa, kapag weekdays. Puno ng tao kapag weekends, Sana nga makapasyal kayo dito pag nakauwi kayo at puwede kayo mag-adopt a tree
Salamat sa dalaw!
Masaya ang mga bata kapag nagpapalipad ng saranggola, yun lang, madalas,nasasabit sa mga kawad ng kuryente
Dyes,yung saking larawan,malayo ako sa anak ko nung kunan ko siya. Ang paligsahan sa pagbababa ng saranggola, nandun yun sa pelikulang The Kite Runner,ang ganda ng scene na yun
Salamat sa dalaw.
Yette, lampas pa ng Sandiganbayan at COA sa Commonwealth Avenue ang La Mesa. Ganda dun, promise. Weekday ka lang pumunta
Nona, oo, maganda dun. Wala masyadong crowd sa weekday, puno kapag weekend
Thess, hindi ko nabili ang Kite Runner na libro, kasi Twilight ang kinuha ko nun
Pero me DVD ako, nakakaiyak.
Re email, ok lang, ako man ay medyo busy, lagi gabi na nakakauwi. Kakapagod, alam mo naman ang traffic dito sa atin.
Salamat sa dalaw.
Pinky, masarapmagpalipad ng saranggola. Di namin ginawa yan, binili sa mall yan
Oo, maganda sa La Mesa.
Salamat sa dalaw.
Kasama ko si Wenchie nung pumunta kami diyan, Girlie.
Salamat
Toni, ang La Mesa Park ay nasa QC, lampas ng Sandiganbayan at COA sa Commonwealth Avenue, medyto malayo pero worth it naman puntahan. Weekday dapat pumunta kasi wala masyadong crowd
Roselle, maganda nga sa La Mesa, lalo na medyo umuulan kasi green na green. Yun lang, wag ka lang abutan ng ulan dun
Weekday dapat ang punta,matao kapag weekend.
Masarap nga magpalipad ng saranggola, yun lang, sa dami ng mga kable sa kalye, hindi nae-enjoy ng mga bata ang gawaing ito.
Salamat
Plastic at makulay ang ginamit sa kite, Meeya, binili namin sa mall
Jeanny, weekday ang punta at matao daw kapag weekend
Me nakalagay na sign, Cookie, sponsored ng Shell. Actually, nakalimutan ko na ang pangalan kahit alamko nakita ko ang sign. Naalala ko langyung post ni Chats
Try nyo palipad ng masarap, binili ko yan sa toy store, ok naman ang lipad. Sa The Fort, baka puwede pa magpalipad dun,sa mga natitirang bakanteng lote.
Oo, Ces, masayang magpalipad ng saranggola. Mahirap, dapat alam kung paano ito igalaw, parang sa buhay din natin, kung ikukumpara
Salamat sa dalaw.
Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan magpalipad ng saranggola
Ang ganda pala ng La Mesa Ecopark 
Tungkol pala sa komento mo:
May singing dunes din dito sa Qatar. Nagpunta nga kami noong February at may post ako tungkol dun.
nice… happy LP…
wow! ang ganda ng mga larawan.
nalala ko ang aking dyaryong saranggola na kanin ang pandikit at ang tingitng bilang struktura nito.
tama ang ginawa ng bata, sa open space nga dapat magpalipad ng saranggola para safe.
ililista ko ang la mesa eco park sa mga lugar na gusto kong puntahan pag nagawi kami sa manila (from cebu)
tgif!
kala ko ufo !
yung anak ko he tried everything how to learn magpalipad ng kite,awa ng sarangola,hindi rin sya natuto
Ang taas naman ng saranggolang iyan…yung bata ba yung nagpapalipad noon?
Ang ganda naman ng La Mesa Eco Park.
jul, alam mo di pa ako nakarating sa la mesa eco park.
kawawa naman ano? pero nakuwento nga sa akin ng kapatid ko na maganda doon.
happy weekend!
Di pa ako nakarating dyan sa La Mesa Eco Park. May bayad ba dyan, T.Julie? Makapunta nga.
Salamat sa pagdalaw sa entry ko
Happy weekend!
hindi ko pa rin napupuntahan yan e.
happy weekend, julie!
2 na ang nagrerecommend sa kin na puntahan ang la mesa eco park. kelangan talagang maisingit ko na ang isang weekend para dito.
ang ganda ng mga kuha mo!!!
happy weekend!
natutuwa ako pag nakakaita ako ng sarangola. hilig ko din yan dati. ngayon madalang na ang nagpapalipad ng sarangola dito sa amin
nakaka-miss ang magpalipad ng saranggola. naalala ko ng nakaraang taon nung kami ay nasa beijing pa at paborito yang gawin ng aking anak gamit ang makukulay na saranggolang tinitinda ng mga tsino sa mga park…
di ko pa rin napupuntahan ang la mesa ecopark… sana’y mapuntahan ko rin yan sa hinaharap! nakaka-miss din ang pagpapalipad nang saranggola… haaay!
paumanhin at ngayon lamang nagkapanahon na ika’y bisitahin.
maligayang huwebes!
Nina, try mo magpalipad ng saranggola, masaya ito
Thanks, Lino.
Mousey, ngayon ang saranggola, nabibili sa department store, made in china
Pero para sakin mas maganda ang ginawa, sariling gawa.
Linnor, sa Clark yan nung kami ay nanood ng Hot Air Balloon Fiesta. Tamang-tama ang hangin kapag Pebrero.
Willa, dapat talaga, open space at mahangin
Yup, ang anak kong bunso, si Tania. Sa Clark yan nung Pebrero nung may Hot Air Balloon Fiesta. Basta malakas ang hangin, madali lang
Pasyal tayo dun kapag nakauwi kayo
Bahchi, nakuha mo ba ang email ko re entrance fee? PhP50 pag hindi o walang id ng QC.
Ok dun sa La Mesa, maraming activities
Dapat me mga ganyang dinedevelop na lugar at nang hindi puro mall ang puntahan ng mga tao.
MommyBa, don’t go to La Mesa on a weekend, punung-puno dun. Weekday yan kaya halos wala tao
BlueP, pano namang makapagpapalipad ng saranggola, wala nang lugar para dun, puiro kawad ng kuryente, lalo dito sa MM.
Iska, ang saranggola namin ay made in china
Binili sa department store.
OK lang yun, DL. Try nyo pasyalan ang La Mesa, pero weekday kasi di ka din mag-eenjoy kapag weekend, dami tao.