Kalayaan - Freedom
Ang tema para sa linggong ito ay KALAYAAN. Meron na akong isinulat na ganito sa aking TeacherJulie.com blag, isang maikling pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng ating bansa. Kung maaari po lamang ay paki-click na lang ang link, maraming salamat po.
The theme for this week is KALAYAAN or FREEDOM. I have already written about this theme here in my TeacherJulie.com blog, a short hindsight about the history of our country. Please click this link that has a lot of photos and short snippets of history, thank you very much.
Para sa akin, ang kalayaan ay isang kaisipan. Isang sitwasyon na ang tao mismo ang siyang magde-desisyon mismo sa sarili niya kung siya ba ay tunay na malaya.
For me, freedom is a mindset. It is a situation where the person himself will decide if he is truly free.

Napakaraming klase ng tanikala na humahadlang sa ating mga Pilipino upang makamit ang kalayaan: katiwalian, kahirapan, krimen, droga, at mga iba pang kamaliang nakapagpapababa ng tingin natin sa ating sarili, sa ating pagka-Filipino, sa ating bansa. Me dignidad pa ba tayo bilang isang bansa?
There are so many chains that deter us from achieving the freedom that we would like to attain: corruption, poverty, crime, drug abuse and other misdeeds that make us feel weak and inferior within ourselves, with being Filipinos, and inferior as a nation. Do we still have our dignity as a nation?

Pati nga ang Araw ng Kalayaan, hindi na iginalang ng ating pamahalaan, ano pa ang aasahan nilang paggalang mula sa mga mamamayan? Ngayon po, Hunyo 12, ang ARAW NG KALAYAAN, hindi noong isang araw. Pati mga bata, nalilito tuloy.
The Independence Day commemoration was not respected by this government, so how would this country expect its citizens to respect this important day in out history? Today, June 12 is our INDEPENDENCE DAY, not the other day. Even the children are confused.
Pilipinas, saan tayo patutungo?
greenbucks | Current Events, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101, social consciousness, thoughts

ay pareho tayo namay tanikala, isip ako ng isip sa tagalog hehe salamat ngayon naalala ko na…salamat! oo nga, ako rin nalito kung bakit nga ba long weekend noong nakaraang weekend…
Agree ako - freedom is indeed a mindset. Nawa’y makamtan na talaga natin ang tunay na kalayaan - maging sa ating mga sarili at bilang isang bayan.
Kaya nga ang tanong ng aking mga anak, bakit kelangan palitan ni GMA ang date? parati ang sagot ko, ang holiday lang pero ang celebration June 12 pa din
[...] click here for another Araw ng Kalayaan post that has photos. Here too for another post with [...]
Totoo ang sinabi mo…
Hi T. Julie!
kapag nakakakita ako ng chain, naaalala ko ang college life ko, Mendiola ba naman.
Si gma, ano ba solusyon para dyan?
Sangayon ako sa iyo… tunay nga na malaking factor ang pag-iisip ng tao. Kahit na mahirap ang buhay o tayo ay maraming problema, maaari pa rin tayong maging malaya kung gugustihin natin ito sa ating isipan.
Gusto ko ang iyong pangalawang litrato. Iba ang dating.
Tanikala…nagbibigkis para matibay pero nagtatali din para di makagalaw, ganun nga ang pananaw ng tao maaring paiba-iba…
sa UP yang second pic mo di ba? happy LP….
hmm… hindi ko rin maipaliwanag e… maraming nakakaisip ng mga solusyon, paraan… pero kung ano yung mas makabubuti, sino nga ba ang makakapag-sabi?
magandang huwebes sa’yo…
saan patutungo?…nawa ay masagot di lamang ng mga nasa otoridad kundi ng lahat ng mamamayang Pilipino. nawa ay umunlad kahit paunti-unti lang…mahirap pero kakayanin…basta may pagkakaisa, matutulungan at pagdadamayan.
tama ang mga sinabi mo…
bakit ba kasi binago pa ang holiday…
mas gusto ko yung picture na una…maganda iyong kuha…galing…:)
happy huwebes…:)
gaya ng sabi mo, nasa isipan din ang kalayaan… habang may buhay may pag-asa
Mga hinaing nating mga mamamayang pilipino na hanggang ngayon ay hindi nabibigyan ng solusyon…hay, makapagbuntunghininga na nga lang…
Napakaganda ng lahok mo teacher Julie.
oo nga no, iniisip ko din kung tama bang naguusog nalang lagi ng date ang mga mahahalagang araw ng pilipinas. hindi ko nga na-feel ang independence day ngayong taon.
parang balewala na ang araw na ito sa karamihan… tuloy sa kanya kanyang gawain… wala na halos pagpapahalaga…
eto ngapala ang aking lahok : http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-kalayaan.html
ganda nang mga kuha at syempre pa, pati ang mga akda.
isang mapagpalayang araw sa iyo, teacher julie!
Sa tingin ko natatakot lang ang gobyerno dahil baka magkaroon ng malakihang rally kaya inusod nila ang araw na walang pasok. haha! Ang ganda ng mga larawan mo!
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
maganda ang iyong konsepto… at madamdamin ang iyong akda, lumalabas ang iyong passion para sa bansa. ang galing, teacher julie!
happy lp!
oo nawawala na at na balewala ang halaga ng araw ng kalayaan dahil di naman ginugunita sa tamang araw nito
pag nakakakita ako ng tanikala, kawalan ng kalayaan nga ang pumapasok sa isip ko…
halos pareho tayo “tanikala” at agree ako sa mga sinulat mo.
naku agree ako dyan sa paglipat ng holiday.. pano naman yan maiintindihan lalo na ng mga bata.. hay..
maguguluhan talaga ang mga bata…dapat na lang na sila ay paliwanagan natin ng mabuti…upang sigurado na maalala nila.
Ces, matagal-tagal ko ding inisip ang term na yan na tanikala. Baka nga bibili na ako ng English-Fil dictionary
Sana nga, Pinky, sana
Teka, hindi ba tayo mag-e EB?
Sabi nga nila, kulang na lang pati Pasko, New Year at pagkamatay ni Rizal palitan eh
Salamat, Joy.
teka, nanggaling din ako dun ah, nung college ako
Oo, nasa atin kung paano natin tignan ang ating kalagayan at kung paano natin iyon ipamuhay, parang the power of posititve thinking yun
Galing, di ka yata naisip ang dalawang kahulugan nito
Oo, sa UP
Lidie, ang sa akin nga, nasa tao ang ika-uunlad ng kanyang buhay although siyempre, may papel pa din ang good governance.
Hay, sana nga ganun
Oo nga, kulang na lang pati pasko at New year ibahin ang date
totoo yan, mahirap ang mawalan ng pag-asa
Me post nga ako sa t.julie blog na “ran out of life” ang topic, kawalan ng pag-asa.
Salamat Nona. Totoo yan, para bang sa dami din kasi ng bilang nating mga Pilipino ay hindi na kaya ng resources natin, hindi dahil wala o kulang kundi dahil na-mismanage ito.
Tama ka, sabi nga baka pati Pasko at New Year eh isuog din ang date para lang makapag-long weekend
Oo nga, wala nang pagpapahalaga kasi mismong gobyerno, tila wala ding pagpapahalaga sa nakaraan na parte ng ating pagsasarilibilang isang bansa.
Salamat sa iyo DL
Malamang ganun nga Buge, kagaya nung Mayo 1 hindi ginawang long weekend para hindi makapag-ipon-ipon ang mga tao
Teys, oo, may passion pa akong natitira para sa ating bansa,lalo na sa mga kaawa-awang mga Pilipinong hindi nabubuhay ng maayos sa kabila ng pamosong pamumuhay ng karamihan sa mga politiko. Haaaay….
Totoo yan Mousey, tila ba wala nang halaga ang nakaraan na siyang naging daan kung ano tayo ngayon.
Tanikalang nagsisilbing bigkis sa kalayaan. Sa isang banda, puwede din itong maging bigkas ng pagkakaisa, hindi ba? Nga lang, masakit yata yun
Salamat, Marie
Totoo, Alpha. Kulang na lang pati Pasko at Bagong taon daw ay ibahin eh
Oo, Lizeth, kungdi papaalalahanan, baka iba-iba ang date na maisip nila para dun, depende sa kung anong araw ito para sa long weekend. Hay…