Pagkatuto Hindi Lamang sa Pag-aaral
English translation is here.
Eto naman ang isang isinulat ukol sa paksang pag-aaral. Maganda po ang topic dyan, promise.
Para po sa mga hindi nakakaalam, ang aking buhay sa likod ng blag ay umiikot sa pagiging isang guro. Opo, ako ay isang guro ng mga batang may kakaibang pangangailangan upang matuto. Sa madaling salita, sped ako, ay este, sped teacher ako.
Ang masasabi ko dito ay ang pag-aaral ay ang aking gitnang pangalan.
Ako ay naniniwala na ang pagkatuto o pagiging edukado ay hindi lamang sa loob ng apat na dingding ng paaralan. Ito ay natututunan sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa mga tao, sa pag-iisip ng pagresolba sa mga problema, sa pagde-desisyon at sa tamang pag-iisip ng mga paraan upang makatulong hindi lamang sa sarili kundi sa ibang tao at sa kalikasan. World peace and environment, ika nga
Paano nga ba masasagot ang mga maaaring itanong sa akin bilang isang sped teacher? Narito po sa ibaba:
Para sa mga aklat na nagamit ko sa aking mga tinuturuan, paki-click -> mga aklat.
May kilala ka bang batang sobra ang likot at kulit? Paki-click ito -> ADHD
May kilala ka ba may otismo? Paki-click ito -> Autism
May kilala ka bang sobra ang talino? Paki-click ito -> Giftedness
May kilala ka bang nahirapang magsalita o makasabay sa pinag-uusapan? Paki-click ito -> Language Development
May kilala ka bang nahirapan talaga matuto sa paaralan at sa buhay din? Paki-click ito-> Learning Disabilities
May kilala ka bang hirap makagawa ng mga bagay-bagay sa lahat ng aspeto ng buhay? Paki-click ito -> Mental Retardation
Paano ba tuturuan ang mga batang ito? Paki-click ito -> Teaching Techniques
Ayaw ko na munang isipin ang mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralang pumapasok ng 6am-12pm o kaya 12pm-6pm.
Ayaw ko munang isipin ang mga mag-aaral na naglalakad ng ilang kilometro upang marating ang kanilang paaralan upang makapag-aral.
Ayaw ko munang isipin ang mga batang nag-aaral sa silong ng mga puno dahil sa kawalan ng mga pasilidad.
Ayaw ko munang isipin ang mga estudyanteng umaabot sa bilang na 50-70 sa isang mainit at masikip na silid-aralan.
Ayaw ko din munang isipin ang aking mga kapwa guro na hirap sa pagtuturo dahil sa kakulangan sa pasilidad at dami ng estudyante.
Mahaba na, sige na nga, eto na ang mga lawaran ko. Sa kabila ng aking pagiging guro, kami ay nagdesisyon na i-homeschool ang aming dalawang batang anak sa paaralan ni Bo Sanchez.
Ang aking panganay na si Trixie ay nasa elementarya ng isang unibersidad sa may di kalayuan sa amin. Siya ay may mga kaklaseng may special needs.
Eto si Julian, kasama ang kanyang ka-grupo sa aking lugar na trabaho. Siya ang nasa blue na polo shirt at magpi-pitong gulang na at nasa Grade 2.
Ang kanyang mga kasama, karaniwan ay mga batang lalaki na may iba’t -bang pangangailangan sa pagkatuto. Kasama nila sila Teacher Joy at Teacher Xeres na mga Occupational Therapists.
Eto naman ang aming bunso, si Tania:
Kasama niya si RV, isa sa mga tinuturuan ko. Sila ay magkasing-edad na 5 taon at nag-da-dyad ng learning dalawang beses isang linggo.
Sana po ay may natutunan kayo sa aking lahok.
Inuulit ko po, narito ang English translation.
greenbucks | Current Events, Environment, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Visualizations, blogging101, social consciousness



salamat po, nakakataba naman ng puso ang iyong lahok.
halos mag-sing edad pala ang bunso natin:) ilang taon na si trixie? napabasa ako sa parte ng giftedness, hindi ako:) pero parang nakikita ko lang sa bunso ko ang karamihan sa listahan mo:)
Saludo ako sa mga mabubuting guro na tulad mo! sinabi kong mabuti kasi marami din akong naging guro n hindi dapat naging guro….ito pa din ang pinakadakilang ‘role’ na mayroon, gandang LP!
nakakabilib talaga ang mga guro! kaya nga sana taasan na ang sweldo nyo para naman marami ang maengganyong magtruro na lang kesa mangibang bansa ^_^
hanga naman ako sa iyo Teacher Julie… SPED pa ang iyong linya, bukod pa sa pag-homeschool. Napakahaba siguro ng iyong pasensya at talagang may malalim na pagmamahal ka sa mga batang iyong tinuturuan.
apir tayo sa homeschooling! at sa pagiging SPED teacher mo, Mabuhay ka!
hanga ako sa mga guro…lalo’t-lalo na kung guro sila ng sped! kaunti lang ang mga taong may tiyaga para mag turo. sana dumi kayo!
Maligayang lp!
si iska po ito…
nabibigay galang sa isang guro
hinahangaan kita dahil isa kang sped teacher. marahil ay napakahaba ng iyong pasensya. maraming advantages din talaga ang homeschooling. sana nga lang ay maging hands-on sahm ako pagdating ng panahon
puno ng kaalaman ang iyong lahok julie. dati kong hinangad ang maging guro pero naisip kong magiging “unfair” ako sa mga bata dahil hindi ko nakikita ang dedikasyon na meron ang mga guro na katulad mo sa akin. tulad ng sabi ni dyes, kahanga-hanga ang propesyon mo
super kulit daw ako noong bata hindi nadiagnose na ADHD di pa uso noong 1970’s hehehe… ang mga pamangkin super kulit at gulo lahat kaya ang tawag ng sister ko sa kanila may mga sakit na ADHD… puro sana naman e makulit lang na healthy, thanks for sharing…
teacher julie…kahangahanga ka…ikinaulugod kong magkaroon ng isang katotong guro dito sa LP
Hala, kamusta naman ang buhay guro para sa mga espeyal na bata? Mas marami paniguradong challenges ang inyong kinakaharap, kung hinid naman ay sadang naiiba siyempre sa karaniwan. Pero alam kong may mga sarili din itong rewards:D Goodluck po!
Dakila ka, Teacher Julie! Sana ay marami pang tulad mo!
Sana ay maraming makapunta sa napakamatulungin na lahok na ito.
At uuuuy nagkita tayo kanina!
nakakatuwang guro po pala kayo. salamat sa mga ibinihagi ninyo.
maligayang paglilitrato!
hi jul! nahuhuli ako sa pagbisit sa mga LP entries. nagkaproblema kasi yung dalawa kong sites kahapon.
dati pa ako hanga sa ‘yo. nalaman ko pa lang na sped teacher ka, humanga na ako…lumalalo pa ang aking paghanga sa tuwing mababasa ko ang iyong mga akda tungkol sa mga karanasan mo bilang guro. iilan lamang kayong sped teachers. sana ay dumami pa kayo.
God bless, julie!
LP sa Mapped Memories
LP ni Munchkin Mommy
wow! muka pong napakabait nyong teacher sa mga tinuturuan nyo … swerte sila sayo
Saludo ako sa iyo at iyong kasamahan sa pagtuturo, T. Julie!
napansin ko, ang ganda ng handwriting ng bunso mo, wow! daig na daig ako, as in.
pasensha na sa late dalaw ha…..have a great week ahead!
Maraming salamat sa dalaw
Ces, si Trixie ay 12, nasa grade 7. Pumasa ng HS pero sabi ko mag-grade7 na lang muna.
Naku, iba na talaga ang mga bata, magagaling. I-polish mo ang talento at kakayanan ng iyong anak without pushing too hard para kahit paano, enjoy pa din siya sa pagiging bata.
Salamat, G
Nakakataba naman ng puso ang iyong isinulat.
Naku, Yette, nun ko pa din plano yan
Seriously, ok naman din sana ang kita ko kasi nasa private sector ako at per hour ang rate kaya lang, hindi din talaga sapat, sa hirap ng buhay ngayon. Kahit anong pagtitipid, wala talaga.
Naku, Teys,nauubusan din ako ng pasensiya. Nakikita sa aking bolpen na me kagat sa dulo
Seriously, sa mga anak ko kung minsan ako hindi mapagpasensiya, siguro kasi iba ang expectations ko sa kanila.
Kakapagod din kung minsan. Salamat sa dalaw.
Salamat
Dumadami na kami kaya sa ibang kadahilanan yata. Malaki kasi ang kita ng sped sa abroad kaya ganun.
Salamat Iska
Salamat, Dyes. Nauubos din ang pasensiya ko, kita iyon sa dulo ng bolpen kong me kagat-kagat
Salamat Tin
Pete, lahat ng bata eh makulit talaga, kapag hindi makulit, me problema yata. Kapag sobra naman at hindi mapaupo, me problema din.
Makulit ka pa din ba hanggang ngayon?
Salamat, Jeanny
Mahirap pero tama ang sinabi mo, meron itong rewards na labis na nakakataba ng puso.
Salamat.
Salamat Pinky
Salamat, Toni
Sana magkaroon tayo ng pagkakataon ng makapagkwentuhan, kasama ng ilang mga bloggers na bumibisita din sa iyo na naging kaibigan ko na
Salamat Ner
naku, Weng baka kapag nakita mo ang bolpen kung me kagat-kagat sa dulo, mawalan ka ng respeto
Salamat ha, sana makapunta din ako sa TX para magturo
Salamat Jennifer, mga challenges ang mga bata sa umpisa, sa di kalaunan, nagiging parang mga anak ang turing ko sa kanila
Thess, salamat.
Si bunso, magaling talaga ang kamay. Pati MS Paint, kinakareer niya
despite yung mga kakulangan sa sistema ng pampublikong edukasyon sa pilipinas, masaya naman ako at may pagkakataon nang mag-aral ang mga bata na may special needs sa mga special schools. hindi katulad noon na itinuturing silang walang silbi sa komunindad. dito lalo sa amerika ko nakita ang produkto ng masusing suporta para sa mga batang may special needs. paglaki nila, marunong silang alagaan ang sarili nila at nakaka-contribute sila sa society.
kudos, teacher julie.
Mee, hindi lahat nakaka-avail ng therapy (speech/language o occupational) kasi mahal. Ang going rate per session 500-800, gastos pa to and from the center. Mahal at hindi kaya ng karamihan.
Hindi din naman maaasahan ang gobyerno dahil kung sa ordinaryong edukasyon, hindi din kayang tustusan, kulang sa budget o kaya naibulsa na.