Litratong Pinoy: Balingkinitan

litratongpinoy1.gif

Ang tema sa Litratong Pinoy ay BALINGKINITAN. Sa madaling salita, ang ibig sabihin nito ay mala-bote ng Coca Colang katawan, hindi yung 1.5 or 2 liters ha dahil kahit may pagkabalingkinitan iyon, medyo may kalakihan (natatawa…)

The theme for Litratong Pinoy is Sexy, Slim, Curvaceous, Voluptuous or any word that means “sexy”. In other words, it means a body that looks like a Coca Cola bottle, not the big one that comes in 1.5 or 2 liters though.

Ito ay isang usaping ayaw ko pag-usapan dahil ako ay hindi na ganito ngayon. Oo, alam ko, isa yan sa batayan ng mga karamihan sa pagiging presentable ng isang babae pero hindi naman yun ang tanging batayan dahil ang puso daw naman talaga ang importante. Pero siyempre, puso at kalinisang loob ba ang gagamitin kung kelangang magsukat ng bagong damit at walang kumasya dahil puro sa mga mapapayat lamang ang kasya na mga tinda? Hehehe…

This is one topic I would rather not talk about because I do not look that well unlike before. Yes, I know, that being that is one of the characteristics that people find in women as desirable although it is not as important as having a good heart. Of course, on the other hand, it is not the good heart and kind disposition that will be measured when buying new clothes especially when nothing will fit since most of the clothes are just for those who are slim. Hehehe…

Hay naku. Eto ang aking interprestastyon sa balingkinitan, lalagyan ng mga ilalagay sa pizza. (Dito, makikita ang ibang larawang kasama niyan, isang Bloggers Food Trip sa Trinoma.) Gusto ko ang mga lalagyan kasi me kagandahan naman ang disenyo. Pero siyempre, gusto ko din kung saan ilalagay ang mga nasa loob 😀 (kaya nga hindi na balingkinitan eh)

Sigh. Below is my interpretation of the word, containers for pizza flavors. (You can see some more photos here which I took during a Bloggers Food Trip at Trinoma) I like the design of the containers, But of course, I also like where it will be put 😀

img_0557b.jpg

28 Responses to Litratong Pinoy: Balingkinitan

  1. Pingback: teacherjulie.com » Litratong Pinoy

  2. Pingback: teacherjulie.com » A Year Older

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *