Litratong Pinoy: Balingkinitan

Ang tema sa Litratong Pinoy ay BALINGKINITAN. Sa madaling salita, ang ibig sabihin nito ay mala-bote ng Coca Colang katawan, hindi yung 1.5 or 2 liters ha dahil kahit may pagkabalingkinitan iyon, medyo may kalakihan (natatawa…)
The theme for Litratong Pinoy is Sexy, Slim, Curvaceous, Voluptuous or any word that means “sexy”. In other words, it means a body that looks like a Coca Cola bottle, not the big one that comes in 1.5 or 2 liters though.
Ito ay isang usaping ayaw ko pag-usapan dahil ako ay hindi na ganito ngayon. Oo, alam ko, isa yan sa batayan ng mga karamihan sa pagiging presentable ng isang babae pero hindi naman yun ang tanging batayan dahil ang puso daw naman talaga ang importante. Pero siyempre, puso at kalinisang loob ba ang gagamitin kung kelangang magsukat ng bagong damit at walang kumasya dahil puro sa mga mapapayat lamang ang kasya na mga tinda? Hehehe…
This is one topic I would rather not talk about because I do not look that well unlike before. Yes, I know, that being that is one of the characteristics that people find in women as desirable although it is not as important as having a good heart. Of course, on the other hand, it is not the good heart and kind disposition that will be measured when buying new clothes especially when nothing will fit since most of the clothes are just for those who are slim. Hehehe…
Hay naku. Eto ang aking interprestastyon sa balingkinitan, lalagyan ng mga ilalagay sa pizza. (Dito, makikita ang ibang larawang kasama niyan, isang Bloggers Food Trip sa Trinoma.) Gusto ko ang mga lalagyan kasi me kagandahan naman ang disenyo. Pero siyempre, gusto ko din kung saan ilalagay ang mga nasa loob
(kaya nga hindi na balingkinitan eh)
Sigh. Below is my interpretation of the word, containers for pizza flavors. (You can see some more photos here which I took during a Bloggers Food Trip at Trinoma) I like the design of the containers, But of course, I also like where it will be put
28 comments greenbucks | Blog event, Dining, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101
28 Responses to “Litratong Pinoy: Balingkinitan”

Panalo sa pagkabalingkinitan. Ako man ay nahilig sa pagkokolekta niyan dati.
Magandang araw teacher Julie. ako ay nakasali uli
nice!
magandang huwebes sa’yo!
marami palang interpretasyon ang salitang ito, hindi ko alam…hehe
ganda ng mga bottles!
maligayang araw ng huwebes…
Hehe nice! Natutuwa ako sa mga pagkakataon na ganyan yung pagtikim sa pagkain kasi wala ditong ganoon (boring!) At tunay ngang balingkinitan ang lalagyan pero kapag naluto ang mga nanjan, ibang usapan na! Happy Huwebes Teacher Julie!
Off-limits ba na topic? Hehehe, ayoko rin ng ganyan:) Ok po yung pananaw niyo sa barbie doll:D Nabasa ko dun sa comment sa LP. Ayus, pag ako nagkaanak, isasuggest ko rin yan sa magiging asawa ko:D
Ayan na naman ako, mali na naman ang URL. Lipat bahay kasi, hehehe. Masayang huwebes!
hay naku, idol kita talaga pagdating sa interpretasyon, T Julie!
oo nga eh, hindi ‘madaan’ sa pagiging mabait kapag nasa fitting room at walang kumasya sa mga isinusukat na damit hu hu hu….ha ha ha! (biglang natawa pa eh, ano?)
hapi tersdei!
naku! kung hindi na balingkinitan ang tawag sa mga ibang nadagdagan ng ‘konti’ ang laman…eh anong itatawag dun? sexy?? hahahah!
nice post T. Julie. gusto ko din yung mga containers
mapalad ako at may coca-cola museum dito sa atlanta at ang aking kaibigan ay nakabili ng classic coke bottles (yung sexy ha) kaya yun ang aking inilagay na LP entry for this week.
equated na equated talaga sa coke bottle ang pagiging sexy no? kahit na lubhang nakakataba naman ang laman nito.
like ko yung design ng mga bote sis! at like ko rin na ilagay siya sa pizza haha!
LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds
ang gaganda nga ng mga bote! lalo na yung owainj
hahaha relate na relate ako lalo na sa 2nd paragraph.
di bale kahit wala tayo niyan dumaan naman tayo sa pagiging balingkinitan.
happy biyernes!
buti pa yan balingkinitan!:)
lalong nagiging decorative ang mga balingkinitan na lalagyan pag may laman.
ang gaganda naman ng mga balingkinitang deco mo
uy, pizza, isa pang peborit ko yan! kaya ako rin ex-balingkinitan din lalo na nung bumagal metabolism ko huhuhu. hehehe.
salamat sa pagdaan at maligayang paglilitrato!
gusto ko din ang mga glass containers na yan. sexy na cute pa!
ang sexy nga ng containers!
sana makasali na ako sa susunod na LP
ang ganda, teacher julie! ako din gusto ko yung kung saan sya ilalagay
happy lp!
Ganda nga ng lalagyan colorful pa.
Happy LP
ganda ng litrato mo!
naaliw din akong tignan ang mga ganyang containers pag nasa restaurant ako.
salamat sa pagdalaw sa aking LP entry!
hi sis u gave me an idea for that LP theme. i havent’ posted mine yet kasi i only thought of the slim me long time ago but pwede pa pala ang anything slim. LOL! will try to post mine bukas.
[...] and tired? Yes, I know, it is not the physical appearance that really matters but as I said here in a post I have written, it is not the kind heart and wonderful disposition that matters in a [...]
ang gagandang lalagyan.
have a great week ahead!
[...] Balingkinitan (slim) [...]
hi jul! ngayon lang ako nakakapagbloghop. pasensya na at sobrang huli! kung maari lang akong mangolekta ng mga bote at vase na iba’t ibang korte at kulay, ginawa ko na. sana pag nagkaroon kami ng sariling bahay.