Dalampasigan

litratongpinoy5.gif

The theme for this week’s Litratong Pinoy is seashore. We all know that the Philippines is surrounded by water. We also know that this is the primary selling point of the tourism industry in luring tourists to visit the country. How do we take care of our seas and seashore?

Do we have to have legislation just to guide us how to take care of our seas? Or do we voluntarily do these taking care ourselves.

Ang tema para sa Litratong Pinoy ay dalampasigan. Alam nating lahat na napapaligiran ng tubig ang Pilipinas. Alam din nating lahat na ito ang pambenta ng ating pamahalaan para pumunta dito ang maraming turista. Pero paano ba pangalagaan ang dalampasigan?

Kelangan ba na may batas para pangalagaan ito o dapat tayo na mismo ang gumawa ng paraan para ito ay mabigyan ng proteksiyon?

img_0933b.jpg

Diaper at the beach. Diaper nasa dalampasigan.

img_0938b.jpg

Machineries that pollute the waters. Mga makinang nagdudulot ng pulosyon sa tubig.

My only wish is to see clear, clean blue waters which can give us joy as well as nourishment. Ang tanging hiling ko ay makakita ng malinaw, malinis at bughaw na tubig na siya ding nakapagbibigay sa atin kasiyahan pati na din ng mga pagkaing-dagat.

img_2975c.jpg

21 Responses to “Dalampasigan”

  1. Nona on 31 Jul 2008 at 8:04 am

    Nakakalungkot at nakakapanlumo. Sana kung lahat ng tao ay may pagpahalaga sa ating mga karagatan. Paano na ngayon? hindi lang diaper ang palutang lutang kundi mga tao na na nagmula sa lumubog na barko. ewww…tsk tsk!
    Maganda ang paglarawan mo teacher Julie. Hanggang sa susunod :)

  2. Linnor on 31 Jul 2008 at 8:07 am

    tama ang iyong punto…magmula sa atin, isaisip na dapat pangalagaan ang ating mga natural resources.

  3. lidie on 31 Jul 2008 at 8:42 am

    nakakalungkot nga talaga…
    ang ganda ng pang-huling shot!
    magandang huwebes sa’yo!

  4. Reflexes on 31 Jul 2008 at 9:56 am

    T. Julie, kay ganda ng iyong isinaad. Tamang dapat alagaan upang atin din mapakinabangan para sa kaunlaran.

    Merong nga pong mga balita na mayrong sharks na aaligid-aligid at kung minsan naman ay may nakakagat nga…ngunit sa aking pagpasyal sa mga beach nila dito, wala pa naman akong nakita o narinig sa iba habang kami’y naroroon.

  5. spiCes on 31 Jul 2008 at 10:14 am

    maganda ang mensahe ng iyong lahok…mainam ata nakuhanan mo ng larawan ang diaper:) about my entyr naman, hindi pa rin ako nakapunta ng Nantucket beach kaya ito na munang Nantasket ang pinuntahan namin:) ayos na rin…

  6. lino on 31 Jul 2008 at 11:35 am

    yun nga lang minsan, di tayo marunong mag alaga ng ating kapaligiran…happy huwebes… :)

  7. Girlie on 31 Jul 2008 at 1:11 pm

    sana yung mga natitirang beaches na hindi polluted manatiling ganun. Dapat alagaan natin, ang kaso minsan tayo pa nagkakalat, haaayyy nga naman.

  8. Dyes on 31 Jul 2008 at 1:48 pm

    grabe. buti hindi ibang lulutang-lutang ang nakita mo :)

  9. arlene on 31 Jul 2008 at 3:23 pm

    i totally agree with you about the last picture, sis. sana nothing pollutes our beaches here in this country or even the whole world’s beaches.

    mine is now up, too!

  10. Marites on 31 Jul 2008 at 3:39 pm

    Tama nga ang iyong sinabi. Lagi nga tayong pabaya lalo na sa ating kalikasan. heto naman ang aking lahok..
    http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy11-dalampasigan-beach.html

  11. Sreisaat on 31 Jul 2008 at 3:51 pm

    Iyan ang mga tanong na dapat ay pinagbubuhusan ng panahon ng DENR at DoT. Meron nang mga modelo sa iilang bansa na nagpapatunay na ang turismo at ang pangangalaga ng ating mga yamang pisikal ay pwedeng pagsamahin. Paano kasi ay may kanya-kanyang interes ang bawat politiko.

  12. kathycot on 31 Jul 2008 at 3:55 pm

    sna nga maalagaan pa ang ating kalikasan..super ganda ng yaman natin eh

    eto naman ang akin:
    http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
    http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
    http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
    http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html

  13. Pinay MegaMom on 31 Jul 2008 at 9:11 pm

    Very thought provoking Julie. We should take care of our environment, not just for ourselves but posterity. I hope our children’s children will still have clean beaches to go to when it’s their turn to live in this world!

  14. Meeya on 31 Jul 2008 at 9:44 pm

    may legislation naman… wala lang ngipin. :(

    at sana huwag lang nilang pagtuunan ng pansin yung mga major beaches, kundi lahat ng beaches sa lahat ng isla ng pinas. kapag napabayaan ito, mas lalo tayong mawawalan ng kabuhayan.

    LP Dalampasigan sa MyMemes
    LP Dalampasigan sa MyFinds

  15. Munchkin Mommy on 31 Jul 2008 at 11:50 pm

    diaper at the beach?! eeeew! :) tsk tsk. sana naman nga’y mapangalagaang mabuti ang mga beaches sa pilipinas. hindi alam ng iba sa ating bansa kung gaano tayo ka-suwerte at nabiyayaan tayo ng magagandang beaches. :(

    Munchkin Mommy: Caylabne Bay Resort
    Mapped Memories: Guimaras

  16. iRonnie on 01 Aug 2008 at 1:29 am

    hindi ko alam if ikakatuwa ko ba ang pag promote ng ating natural na yaman sa mga dayuhan. with the way government fails to maintain our resources, parang gusto ko na lang ipagmaramot ang ating mga beaches.

    anyways, happy weekend!

  17. alpha on 01 Aug 2008 at 3:55 pm

    oh my, diaper sa beach?

    at least diaper lang at di kung ano hehehe joke!

    salamat sa dalaw. walang tao kasi early in the morning kami nagkodakan sa beach..

  18. prinsesamusang on 02 Aug 2008 at 12:54 pm

    we own a beach resort here in the province and it really sucks big time when i see the shore trashed. i can’t see how people can be so selfish and unappreciative of the beauty they see around them.

  19. jeanny on 03 Aug 2008 at 10:03 pm

    Hay kakalungkot nga…disiplina lang talga ang kailangan.

  20. christine on 04 Aug 2008 at 1:56 pm

    di ko rin maintindihan ang mentalidad ng mga taong mahilig magkalat o yung mga hindi masinop. di bale sana kung sa sariling bahay na lang sila nagkakalat kaso pati sa labas ganon pa rin ang asal nila. :(

  21. Buge on 06 Aug 2008 at 1:25 pm

    Nakakalungkot talaga na ipinagmamalaki natin ang ating mga beaches pero kulang naman ang effort para pangalagaan ito. Naalala ko nung pumunta ako sa La Union, andami ding kalat sa dalampasigan. At least may nakita ako don na isang mama na ninlilinis niya yung tapat nila tuwing umaga. Sana lahat ganon