Ayaw Ko!
Maricel Soriano couldn’t have said it better when she said in her movie, “I don’t like dirt (or is it mud?)! I don’t like cramped places! I don’t like people belittling me!”
(Sorry ha, pangit ang translation ko, mas maganda talaga ito sa ating wikang Pambansa)
Sabi nga ni Maricel Soriano dati sa pelikula nya, “Ayaw ko ng putik! Ayaw ko ng masikip! Ayaw ko ng tinatapakan ako!” sa anong pelikula na nga ba yun?
For me, I don’t like people who abuse the environment. I don’t like noisy neighbors. I don’t like people with one-track minds (not, not Abby Lee). I don’t like people who are too dependent on others. I don’t like bullies. I don’t like people who are too opinionated (wait, is that what I am turning to be?) Come to think of it, all these people combined would pretty much sum up a lot of people, including me
Ako, ayoko ng mga taong umaabuso sa kalikasan. Ayaw ko din ng mga maiingay na kapitbahay. Ayaw ko din ng mga taong makitid ang isip. Ayaw ko din ng mga taong tamad at dumedepende sa ibang tao. Ayaw ko din ng mga maton. Ayaw ko din ng mga nagpapakalandakan ng kanilang mga opininyon (teka, parang ganito ang dating ng post ko ah). Kung tutuusin, aba, eh napakaraming tao na nitong ayaw ko, at kasama na din ako diyan
Ok then, one thing I am not really fond of: heavy rains. Why? Because it brings about so much destruction: floods, landslides and diseases.
Sige na nga, isang bagay na talagang ayaw ko ay ang malakas na ulan. Bakit nga ba? Kasi marami itong pinsalang dala: baha, pagguho ng lupa at mga sakit.
30 comments greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, blogging101
30 Responses to “Ayaw Ko!”

mauuna na akong mag-comment…ako din ayoko nang mahabang pag-ulan, kasi malungkot
happy LP!
hahaha! ayos ah, natawa naman ako sa pambungad mo…pero i agree with you…and nice shot!
tama lahat yang sinasabi mo, ako din ayaw na ayaw ko rin mga taong tamad yong umaasa lang sa iba..
sang-ayon ako sa lahat ng ayaw mo. magugustuhan ko ang mga nagbibigay ng opinyon o mga kritiko kung magbibigay din sila ng alternatibong solusyon
happy LP!
Grabe, di ka pwede dito sa amin, dahil maiingay kami, hehehe. Pero oo nga, minsan yung mnga ayaw natin sa iba e ganun din tayo haha.
Pam pelikula ang dating!!!!
love the photo, dramatic ang dating. happy thursday
ay movie trivia!! alam ko yata yan…”kaya kong abutin ang langit” hehehe madami din akong ayaw pero minsan kelangan pagtiisan alang alang sa minamahal awwwwww!! gandang araw
tama po kau jan
magandang huwebes, eto po ang sa akin:
http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html
ayaw ko din nga mga ayaw mo julie.
napakagandang mensahe
eto naman ang ayaw ko:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy-ayaw-ko-reject.html
ang ganda! happy lp.
I also don’t like nosy neighbors. They easily get into my deserves. I always believe in minding your own business.
I used to love the rain when I was younger but now heavy rains make me worry about floods, prolonged brownouts and diseases (esp. dengue).
depressing talaga ang ulan, lalo na kung tuloy tuloy.
awww, on the contrary, i like raining… when i’m safe at home.
pero on the other hand, it is quite destructive.
gusto ko ng ulan pag yung hindi delubyo…para magamit ko yung mga favorite kong payong. hehe.
ako ayoko rin ng maingay… pasensya na at nahuli, TGIF na…
ayoko rin ng mga maingay na kapitbahay lalo na kung galing sila sa Korea!! hahaha
“kaya kong abutin ang langit” napanood ko yan!!
maricel ikaw ba yan…hahahaha…
ay yung mga ayaw mo ayaw ko rin, lalo na ang maingay na kapitbahay, hahhaa
happy LP
ang gusto ko lang sa malakas na ulan… hindi mainit!!!
yoko sa ulan kasi ayaw ko nababasa ang aking mga paa, kelangan ko bumili ng rainboots! hehe
ayoko ayoko ayoko!
hello there kapatid!
http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/
ayaw ko rin ang mga kinaaayawan mo…pati na rin yung kinakaayawan ni maricel soriano. hee hee.
masarap ang bahagyang ulan.. presko sa pakiramdam, sarap matulog.
Totoo yan
Thanks
Dapat talaga, Norm
Marami sito sa atin,puro opinyon pero walang solusyon, lalo sa Kongreso.
DI ba sabi nga, ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw..Me connect ba yun?
Hehehe..madrama ba?
Thanks Nell