Paano Na?
The theme for this week’s Litratong Pinoy is golden.
Ang tema para sa linggong ito sa Litratong Pinoy ay ginintuan.
I thought about doing something different with this entry and related this to age. Yes, the golden age which we probably do not want to celebrate yet.
Naisip kong ibahin ang aking lahok at ang edad ang aking naging ideya. Oo, ang gintong taong kapanganakan, o ang ikalimampung taon na malamang hindi pa natin gustong maranasan.
My idea was to post photos of people well into their 50’s who still work hard to support their families. Nothing bad here but to those who are older? How many times have we heard about a grandpa or a grandma with their frail bodies and brittle bones working not just to support their able-bodied children but also their grandchildren? We sympathize with them, sometimes we seethe with anger why they allow this to happen.
Ang aking ideya ay maglagay ng larawan ng mga matatandang lampas na sa kanilang ika-limampung taon ngunit nagtra-trabaho pa para suportahan ang kanilang pamilya. Wala namang masama dun pero kung mas matanda pa dun? Ilang beses na ba tayo nakarining ng ganitong kwento tungkol sa isang lolo o lola na bukod sa mahina na eh nagtatrabaho pa para suportahan hindi lamang ang kanilang mga anak na ayaw magbanat ng buto kungdi pati anak ng mga ito? Naaawa tayo sa kanila, kung minsan nang-gagalaiti tayo sa galit bakit ganito ang kanilang sitwasyon.
Si Lolo, nangunguha ng mga kahoy mula sa pinaputol naming mga sanga ng puno. Gagamitin niya ito na pang-gatong.
Eto naman si Lolo na nagpapahinga mula sa pagtitinda ng lobo sa isang parke. Ano kaya ang kanyang iniisip?
Si Manang Salve, mahigit 60 anyos na, pumupunta sa amin mga 2-3 beses sa isang buwan para maglinis. Siya ang bumubuhay sa kanyang mga apo at ilan pang anak. Haaay…
Ayaw ko munang isipin ang tungkol sa pagsapit ko sa gintong edad. Marahil ay nagta-trabaho pa din ako para suportahan ang aking pamilya dahil mga bata pa ang aking mga anak sa ngayon. Pero sana sa pagtanda ko at ng aking esposo, maging maayos at matiwasay ang aming pamumuhay. Sana kayo rin.
Happy Thursday po sa inyong lahat! ![]()
greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Urban Living, blogging101, social consciousness, thoughts



time to be a bit introspective.. ako minsan ayaw kong iniisip na tatanda ako kasi parang matatali ako ng katawan ko. naaawa din ako sa mga matatanda na pinapabayaan ng mga anak nila. labo diba?
sana hindi yun mangyari satin. anyway mgandang huwebes pa rin sayo julie!
great idea! marami nga tayong mga golden boys and girls na hindi pa rin nakakapagpahinga sa trabaho. pero mabuti rin naman na kahit matanda na ay self-sufficient pa rin.
Maraming ganyan dito sa atin. Old age do not seem to deter them from helping and earning a living.
Nice interpretation. Happy LP!
ako rin:) ganda ng mga anggulo:)
Kalungkot naman ng lahok mo pero totoo…
Kung kailan dapat e nagpapakasaya na sila sa buhay e kumakayod pa rin - kawawa naman talaga.
Ako man ayw ko sanang sapitin ang ganitong kapalaran.
galing ng interpretasyon mo sa tema….isang tribute sa mga mahuhusay at magigiting nating mga lolo’t lola.
Natuwa ako dun sa pekeng ilong ng pangalawang lolo. Golden nga sya pero young at heart naman!
Magandang Hwebes!
Haaaay, sana kami rin ni hubby maayos at masaya pagtanda namin.
Si manang dito sa house - 53 na, pero siya pa rin ang bumubuhay sa asawa, at sa bunsong anak na pamilyado na. Grrrr. Minsan nakakaawa kasi tatawagan siya dito sa house nung anak nya, hihingi ng pera. Si manang pa ang uuwi sa lagro para dalhin yung money. GRRRR!
nice concept!
magandang huwebes sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-ginintuan.html
dapat sa kanilang edad nagpapahinga na sila at ine-enjoy ang buhay… hay….
ang ganda ng iyong interpretasyon para sa tema ngayong linggo. happy LP sa yo!
eto naman ang aking lahok — http://cez.wifespeaks.com/2008/09/lp-ginintuan.html
Golden Years of life!!! Mabuhay ang mga nakatatanda dahil sa kanilang pag susumikap!!!!
Eto naman ang sa akin http://aussietalks.com/2008/09/litratong-pinoy-ginintuan-gold.html
at kaya nga nila tinawag na golden years kasi it’s time to shine. bakit nga kaya hindi masyadong applicable sa karamihan nating mga kababayan?
isa na namang lahok na nangangalabit sa puso’t isipan. nakakalungkot nga na ang mga matatanda’y naghahanap buhay pa rin imbis na nagpapahinga o nageenjoy na lang.
Mga Ginintuang Puso
Ang Oras ay Ginto
nalungkot naman ako sa realidad na iyong tinuro sa amin. okay naman sa mga matatanda magtrabaho…kung nais nila at hindi dahil sila ay napipilitan dahil kailangan nilang mag supporta sa ibang mga tao.
Yung iba naman sa kanila ginugusto pa ring magtrabaho kasi kapag wala daw silang ginagawa, parang mas napapagod sila.
ang ganda ng interpretation mo. naawa ako pag nakakakita ako ng mga matatandang nagbebenta sa lansangan…
dapat sila na ang inaalagaan at nagpapahinga at di na dapat nagsisikap para sa pamilya nila.
eto pala lahok ko: http://haze-unplugged.blogspot.com/2008/09/lp-25-ginintuan.html
Nakakalungkot nga na sa ating bansa, madaming golden aged na naghahanapbuhay pa rin…sadyang mahirap kasi ang buhay…
sa kabilang banda, agree din ako sa sinabi ni Jenn, mya mga iba naman na mas gustong laging may ginagawa at busy, otherwise para silang nanghihina…which I think also helps the brain, laging alert kumbaga…iwas Alzheimer
Lagpas na rin sa golden age ang mga magulang ko, lagi ngang napapasambit yung nanay ko na ang tanda na ng mukha niya, hehehe. Napapangitan sa sarili, ‘tas gagatungan ko naman:P hehehe.
kinukurot ang puso ko kapag nakakakita ng mga may edad na pero nagbabanat pa rin ng buto para lang may maipang tustos sa pamilya… haaaay T_T
ang sipag nila ano, kung sana ganun din kasipag ang mga kabataan…haaayyy
ako naman, lagi kong iniisip to live life to the fullest, para kahit mahirap man ang abutang buhay pagsapit ng golden years, at least pwede mag-lookback to say na marami akong magagandang memories at wala akong regrets.
i love this post, julie!
Ang lalim ng iyong lahok. Nakakatuwang naisip mo ang idea na ito.
Nakakalungkot lang isipin na dapat sa edad nila ay inienjoy na lang nila ang buhay di ba?
ahh, Golden age. di ko nagets agad
sana nga maka abot tayo sa golden age
gandang LP sa lahat
eto AKIN
Jules mahina ako pagdating sa ganyang matatanda. Nadudurog puso ko. Ilang beses na ako nakipagbugbugan noon, ilang beses na rin ako nakaranas ng masaklap sa buhay ko, pero madalang ako umiyak. Ngunit pag ganyan sa matatanda nadudurog puso ko.
[...] I had photos (several taken with permission to publish) but I decided to put these in a commentary/post I have written about people beyond the golden years who still work hard for their families. Not [...]
Mahirap isipin kung anong mangyayari pero mabuting nakapaghahanda habang maaga pa
Oo, ok din ang ganun pero kung kaya sila nagtatrabaho pa din ay para lang sa kanilang mga anak, parang hindi na yata tama yun
I agree Doc Emer
Thanks, Ces
Pinky, iniisip ko nga sana hindi ganito pagtanda ko (kala mo naman bata pa ako, hehehe..)
Salamat po
Oo nga, agree ako sa iyong obserbasyon
What? Siya pa ang nagdadala? But that’s better than if the son goes there to your house
thanks, Lidie
Tama ka, Lino
Salamat
Totoo yan, dapat kasama sila sa mg atinatawag na “modern day heroes” natin.
Ang sagot diyan marahil ay ito: dahil sa kahirapan
Sadyang ganyan yata talaga Weng, sa hirap ng buhay
Pero sa edad nila, hindi ba dapat sila naman ang suportahan? Sana nga ganun pero, hay, nakakalungkot talaga.
Ok lang yun Jenn, pero wag naman yung dahil pati apo, sila ang sumusuporta
Tama ka Haze. Salamat
Ok lang naman maging active kahit matanda na, wag lang yung pati apo sa tuhod eh ikaw pa ang susuporta, aba, abuso na yun, ikanga.
Mahirap kasi ang buhay eh
Nagpaparinig lang siya para sabihin mong, “Ma, hindi ka pa matanda. Para sa akin ikaw ang da best!” Matutuwa siya ng labis, wag mo na gatungan
Kalungkot ano? Ganyan na yata ngayon sa hirap ng buhay, o sa pagtake advantage ng kanilang mga ka-anak.
Naku, sinabi mo
Sana nga, pero parnag nagiging hindi 
Tama ka Meeya, at least naging masaya
hay, Litzie, dapat sana ganun pero kung me mga PAL… sa paligid, malabo yata yun.
Sana maka-abot tayo dun na hindi ganito ang sitwasyon
BlueP, ikaw talaga, patawa
[...] inspected the “garden” to see how my seedlings are doing, after being planted by Manang Salve in a plant trough for these to grow. She said she will replant these when these are big enough to [...]
[...] matter how little the number of candies we got, we were still able to share some of these with Manang Salve for her grandchildren when she came yesterday to replant the baby plants we [...]