May Liwanag Nga Ba?
Its Thursday once again. Time for Litratong Pinoy which serves as my “weekly editorial” for this blog.
The theme for this week is LIWANAG meaning light or the absence of darkness.
I thought that this post’s title “May Liwanag Nga Ba” reflects best the global financial crunch that we are experiencing.
People are losing their jobs, their homes, and their bright futures are suddenly dimmed. The financial woes are not stopping.
People are altering their lifestyles to be able to survive with lesser resources and if possible, save some for the rainy days.
People are panicking, withdrawing their investments and bank deposits and putting these in what they think are “safe” places, away from the banks whose integrity they now doubt.
The worst is not in sight and if what the financial analysts say that this is just the beginning of a financial Armageddon, how would we know the answer to “Where do we go from here?”
I hope you have not felt that you have over-extended yourself during these times.
Huwebes na naman, araw ng Litratong Pinoy, ang aking “lingguhang editoryal” sa aking blag.
Ang tema para sa linggong ito ay Liwanag o kawalan ng kadiliman.
Naisipan kong gawin ang titulo ng aking lahok na “May Liwanag Nga Ba?” upang magnilay-nilay sa pandaigdigang krisis sa usapin ng pananalapi at pamamalakad ng kalakal.
Maraming tao ang nawawalan ng trabaho, tirahan at ang kanilang kinabukasan ay tila ba isang madilim na pangitain. Ang problemang pang-pinansiyal ay tila ba wala nang katapusan.
Ang mga tao ay nag-iba ng pamumuhay gamit ang mas kakaunting ari-arian na kung maaari sana ay makapag-ipon para sa kinabukasan.
Naguguluhan ang mga tao. Marami sa kanilang may naitatabing salapi sa bangko ay kinukuha na iyon at inilalagay sa lugar na sa kanilang paniniwala ay ligtas sa mga bangkong ito, ano’t anuman ang mangyari.
Hindi pa yata natin natatanaw ang pinakamatinding dagok. Wika nga ng mga eksperto sa pananalapi, ito ay simula pa lamang ng Armageddon ng Pananalapi. Paano natin sasagutin ang tanong na “Saan tayo patutungo?”
greenbucks | Current Events, Litratong Pinoy, Money Watch, Philippines, Photos, World Watch, blogging101, thoughts, travel

ganito din sana ang litrato ko kaso wala akong ganito kaya yung nsa EB nalang..
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista

Salamat sa pagbisita
Umaasa pong magkaroon ng liwanag sa ating ekonomiya.
T. Julie, sana nga ay may liwanag tayong makamtan sa dulot ng dilim na nangyayari sa buong mundo ngayon.
Magandang Huwebes sa iyo
sana nga ay matunton nating lahat ang liwanag sa dulo ng kuweba.
i like your term ha, “armageddon ng pananalapi.” puwede rin, “apocalypse ng bulsa.” hehe.
kaya ka pala inabot ng madaling araw! pinag-igihan mo tlaga ang lahok mo!:) naku, nakakatakot tulad ng kwebang iyan…sana malapit na ang dulo na may liwanag…para sa ating lahat:)
Nawa’y lumiwanag na ng tuluyan ang kalagayan ng lahat ng apektado sa pandaigdigang krisis.
Sana nga…magdilang-anghel ang karamihan na matatapos din ang pandaigdigang krisis na ito..Subalit tuloy lang ang buhay….
Ito ang sa akin: Mumunting Liwanag
Happy LP!
cool pic!
…sana nga may makita taung magandang liwanag sa ating buhay…
…ang galing nang iyong lahok..^_^
happy lp…
eto akin
light at the end of the tunnel… happy huwebes…
nakakalungkot isipin na iyan na nga ang nangyayari ngayon.
Sana nga magliwanag na ang dilim na bumabalot ngayon sa ekonomiya.dahil ang aming bnak account ay unti unti na ding dumudilim.:(
kung pati ang pag-asa ng liwanag sa ating buhay ay mawawala, parang lahat wala na.
Happy thursaday!
T Julie, tama nga ang iyong sinabi… sana nga ay maayos na ang lahat ng kaguluhan na nagyayari ngayon.
Ang galing naman ng iyong litrato… ilaw ba to sa loob ng kweba o ibang bagay? Paaano at saan mo ito kinunan?
oo naman, naniniwala ako na may liwanag pa din despite it all…think positive tayo Teach
maligayang paglitrato.
Eto ang aking lahok. Salamat.
nakakatakot talaga ang mga nangyayari ngayon. dapat lang talaga na maging handa tayo sa mas malaking dagok dahil marami pa raw mangyayari. sana nga talagang may matanaw tayong liwanag sa dulo ng lahat ng ito
[...] But what is really scary is the uncertain future. Not just the Americans but people all over the world being affected by the financial and economic meltdown. I have written a post about it here. [...]
I love the “light at the end of the tunnel” too! I’ve got to beleive that it’s there for all of us.
t. julie, sa ganitong panahon sana’y di mawalan ng pagasa ang mga tao. sabi nila dapat lalo tayong lumapit at kumapit sa Diyos…ngunit makabitiw man tayo siguradong nariyan Sya at aagapay sa lahat ng oras. sana’y nasa mabubuting kalalagayan ang lahat nating mga ka LP
Salamat sa pagbisita Jay
Sana nga, sana
Hay, sana nga Thess,sana. Lalong nagiging kawawa kami dito sa Pilipinas dahil apektado ng mga ganitong usaping pananalapi, lalo na at wala namang salapi
Yung term ko na Armagedon ng Pananalapi, na-coin ko lang yan sa BBC, hindi ko lang nailagay yung link
Eto yun:
http://news.bbc.co.uk/2/hi/business/7631281.stm
Ces, oo, I read a lot of references para tama lahat ng sasabihin ko
Sana nga, Pinky, sana nga
Oo, tuloy ang buhay sa kabila ng kahirapang nararansasan
Salamat
Sana nga, Lyn
Salamat, Lino
Oo, kaya kelangan gumawa din tayo ng paraan para hindi tayo ma-”corner” sa ganitong mga sitwasyon at kompromiso.
Ako walang bank account na magdidilim
Kaya kayod na lang ng kayod hanggat kaya.
Totoo yan, kaya dapat, lalo tayong magnig masipag para maitaguyod ang ating mga sarili at ating pamilya.
Maaayos naman kaya lang, kelangan sa ating mga sarrili dapat mag-umpisa ang pagbabago (kahit cliche at gasgas na ang linyang ito).
Sa man-made tunnel ito sa papunta sa Angono Petroglyphs. Here is a link:
http://greenbucks.info/2008/09/23/angono-petroglyphs/
Tama ka Grlie, think positive at tsaka magsumikap. Mahirap kasi sa iba, laging umaasa lang sa ibang tao at tamad kumayod.
Salamat sa pagdalaw, Jo
ANg gasgas na linyang, “sa atin nagsisimula ang pagbabago”ay talagang akmang-akma para sa panahon na ito. Haaay,kelangan kumayod din ng maigi.
Yes, I would like to believe that too Annie.But for that to happen, we should start making changes that will alter not just our lifestyle but also our mindset.
Thanks for dropping by
Totoo yan, sa Diyos tayo makakakuha ng lakas at kasama nun,dapat tayo din ay magsikap para sa ating sarili, para sa ating pamilya.