Maalaala Mo Kaya?
“Maalaala mo kaya…? so goes a soulful song, asking the listener to look back and reflect on the promises of love that were made.
“Maalaala mo kaya, ang sumpa mo sa akin, na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw…” Ayan, awit mula sa puso, para sa isang puso, tila ba naninisi, nagpapaalala kaya dapat hindi sumusumpa ng pangako eh
My photo for this week’s theme would not be about love nor about family matters because not only are these personal topics but about the nation’s history.
Ang aking larawan ay hindi tungkol sa aking pag-ibig o pamilya dahil mga personal itong usapin. Ang aking entry ay tungkol sa kasaysayan ng ating lahi.
It is funny to see people answering questions about the country’s history with wrong information. Sure, as time passes by and we become busy and preoccupied with so many things, we forget about history facts and trivia.
Nakakatawa kung minsan panoodin sa TV ang mga tinatanong tungkol sa kasaysayan natin kasi mali-mali ang sagot nila. (nangyayari ito kapag me mga selebrasyon o holiday ang ating bansa) Hindi natin sila masisisi dahil sa pagdaan ng panahon, sa dami ng dapat asikasuhin at gawin, nakakalimutan na ang tungkol sa kasaysayan ng bansa.
But for us to grow not just individually but grow as a nation, we should at least have a clear understanding of how our nation was before and what it has to go through to be what it is today. Never mind if we do not particularly like what is happening.
Pero para sa ating paglago hindi lamang bilang mamamayan kundi bilang isang bansa, dapat me alamtayo sa pinagdaanan ng atng bansa, sa kasaysayan nito na siya namang naging daan kung ano ito ngayon.Kahit pa nga ba hindi tayo sang-ayon sa naging kinalabasan nito sa panahong kasalukuyan.
One place to visit to see is Fort Santiago because it showcases how it was a century ago when the country was under oppresion. At least, the place is a living proof of how it was before.
Isang lugar na mainam pasyalan upang muling sariwain ang alaala ng nakaraanay ang Fort Santiago dahil ito ay nagpapakita kung paano ang ating bansa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ito ay isang buhay na alaala ng ating nakaraan.
I hope we can teach the children to appreciate our past and learn from it.
Sabi nga ni JFK:
46 comments greenbucks | Litratong Pinoy, Memetag, Philippines, Photos, Urban Living, blogging101, social consciousness, travel
46 Responses to “Maalaala Mo Kaya?”


Ayon sa kasabihan, ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa pupuntahan.
ang sabi ko naman, kung lagi ka naman lilingon sa pinanggalingan at di ka titingin sa yong dinadaanan, baka naman ikaw ay masagasaan.Tiyak meron ka kalalagyan. ha ha ha
Salamat sa isa na namang mapanuring akda.
Happy Huwebes sa iyo, T Julie!
A problem close to my heart yet the solution always eludes me.
Malayo pa ang umaga para sa atin.
Malungkot pero yan ang totoo.
sang-ayon ako sa unang sinabi ni myepinoy. at talagang dapat matuto tayo sa mga napagdaanan natin sa nakaraan, dahil ang kasaysayan ay naganap upang bigyang saysay ang ating hinaharap. wow, lalim yata nun…:P
ayos yung first pic ah…. nice… happy huwebes…
nakakainspire yung post mo:)
nagbibigay leksyon:)
good shots rin:)
maligayang LP:)
monkeymonitor.blogspot.com
sumasang-ayon ako =] ang bansang walang nakaraan na tinatanaw, mahihirapang tunguhin ang nakaambang hinaharap… maligayang huwebes sa iyo =]
Ay ako, gustong gusto ko marinig ang mga kwento tungkol sa buhay noon at mga kasaysayan ng mga lahi at lugar na napupuntahan ko. Ang mga bata ngayon parang bisi na masyadong pakinggan o basahin pa ang mga ito. Nakakalungkot
Julie, what you say is so true. We have to know and learn from the past to make our future better.
Gusto ko yung picture ng anak mo tracing Rizal’s steps in Fort Santiago. I hope to be able to teach my children more about where they came from even if we live so far away.
“~ A nation reveals itself not only by the men it produces but also by the men it honors, the men it remembers ~ ”
As our nation ages, I find that we are beginning to honor men and women who are not of high ranks or high positions. We’re finding honor in the everyday Juans and Marias — our suki, the teacher who made the most impact on us, the security guard who ensures no strangers come into the compound, the taho man who regularly sells his yummy snacks every afternoon… these are the men and women we are honoring more and more. They matter more to me than those elected into office, really. It’s in their hard work and passion for their job and servicing others that our nation thrives.
T Julie, naalala ko yung kwento mo na may kid ka na hindi pa nakakakita ng pig (correct me if I’m wrong) …
dahil sa agos ng pagbabago ng buhay, tila ba wala ng halaga talaga ang pinanggalingan natin..tama ka, kailangan ipaalam ito sa bagong henerasyon at sa mga susunod pa.
lahat ng patutunguhan ay may pinagmulan…
Tama ka.Salamat sa pagpapa-alala.
Nandito po ang akin.
Magandang Huwebes!
Sa sitwasyon ko, sariling wika ang itinituro ko sa mga bata, dito man sila lumaki, Filipino ko sila sinanay…isang sentimento na hindi naiintindihan ng ibang pinoy dito…
Sabi nga ni Rizal ‘ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda’ (o sa ibang version bilasa!) =D
sang-ayon ako sa inyong lahat at napakaganda ng iyong lahok. Para sa akin, ang pagsusulong ng isang bansa ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno. Ito ay responsibilidad ng sambayanan at dpat mag-umpisa sa sarili natin. Magandang pasimula iyong mahalin natin ang sarili nating produkto, turuan ang mga bata ng TAgalog, ipasyal sila sa Pilipinas, at ipakitang proud tayo maging Pinoy. maligayang LP sa inyong lahat.
ang ganda ng napiling mong kataga mula kay JFK. paborito kong puntahin pag may field trip ang fort santiago. mahilig rin kasi talaga ako sa mga museo.
nerd alert! hahaha!
sang ayon ako sa kanilang puna, talaga namang mahusay ang iyong panulat
at maganda’t madrama ang iyong unang picture.
Sangayon ako dyan! Mahalaga ang pagbibigay saysay sa kasaysayan.
Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.
I agree 100%, but I need to learn mo.
Teahcer Julie, tama ka. Salamt sa mga ganitong paalaala.
Happy Lp (bagamat late) at happy weekend!
Dapat siguro balanse, yung matutunan at i-interpret ng tama ang mga pangyayaring naganap noon, at gawing gabay para mas maayos ang kasalukuyang estado ng buhay.
Ayan, parang lesson ng verb tenses ang dating ng unang sinabi ko
Salamat po sa dalaw.
Salamat sa dalaw, Pinky
Oo, malalim nga, pero yan naman dapat talaga, ang matutunan natin kung ano ba tayo noon dahil ang mga ito ay kasama sa ating kamalayan bilang isang Pilipino, bilang isang indibidwal.
Salamat Lino
Salamat, Tanchi. Ang LP kasi ay aking lingguhang “editoryal” kaya dito ko isinusulat ang aking mga kaisipang sa aking palagay ay makapang-gising sa kamalayan ng mga makakabasa nito.
Naks naman
Oo, Ian, kasi parte ng kung sino tayo ngayon ang ating pinagdaanan. Kaya dapat meron tayong matutunan dito para maging maayos ang ating mga hakbang sa mga darating mga pagsubok.
Salamat.
PurpleSea, busy nga sila, sana kung sa pag-aaralpero sa ibang bagay na hindi naman gaanong importante (ito naman ay sa aking opinyon)
Kaya nasa mga magulang kung paano iba-balanse ang pagtuturo ng sa tingin nila ay dapat matutunan ng mga bata.
Keith, nasa magulang naman kung paano nila ituro sa kanilang mga anak ang kamalayang ito, kung ano ang pinagdaanan nating bilang isang bansa at bilang mga Pilipino. I’m sure kaya nyo yan
Our everyday heroes. Yes, Toni, they are part and parcel of our pride as a nation. Hindi man sila mabaril sa Bagumbayan, pero ang kanilang mga ginagawa ang nagsisilbing inspirasyon sa atin upang ngumiti at magpatuloy sa ating pagharap sa mga hamon ng buhay
oo, Thess, anak ko nga yun, ang alam nila ay ang mga baboy na nakikita sa mga trak na dadalhin sa katayan, pathetic di ba?
Kaya nga hanggat kaya namin, dinadala namin sil sa mga lugar na kakikitaan ng mga wala sa siyudad. Hanggat me bakanteng araw, sila ay nagbabakasyon sa bahay namin sa probinsiya.
Parte ito ng paghubog sa kanilang isip at pagkatuto ng mga bagay-bagay na makakatulong sa kanilang kamalayan bilang mga Pilipino.
Salamat.
Salamat Peachkins
Tama, G, maging iba man ang kalalakihang kultura nila, ang pagka-Pilipino ay maaaring nasa wika at puso pa rin
Marites, napakaganda ng iyong isinulat, tama ka, sa sarili nag-uumpisa ang pagsulong natin bilang isang bansa.
Nerd Alert
Ok lang yun,mas gusto namin ganun kesa sa mall
Salamat Pining
Shuttercow, salamat
Ako din, I need to brush up on details. Kung minsan nga, ako pa ang natututo sa mga estudyante ko, lalo na yung mga malalaki na
Salamat, Jeanny
naalala ko huli kong visit sa fort santiago right after my wedding hehe
you’ve a meaningful take on the theme. thanks for sharing
correction:
you’ve a ==> you’ve got a
hindi history ang paborito kong subject dahil maraming minemorize. pero tama ka nakakahiya yong mga taong mali-mali ang sinasabi sa TV tungkol sa ating kasaysayan
[...] Going out of the gates after a tour inside Fort Santiago. I have posted some photos in my other posts here and here. [...]
In the footsteps of Rizal… and yes… we should learn from our history !
Thanks too
Nina, napagtanto ko, iba ang pamamaraan ng pagturo ng history noon, kelangan imemorize ang dates, names at places pero wala namang katuturan ang mga to kung hindi naintindihan ang timeline. Ngayon, parang kwento na ang pagtuturo ng history
Thanks for the visit. I definitely agree, history teaches us not just about the past but about how our decisions mold the future.
Mabuti naman kung iba na ang style ng pagtuturo ng history ngayon. Noong college ako kwento ang style ng prof ko saka puro essay ang exam. Tapos yong tanong sa exam kadalasan tungkol sya sa mga sarili naming opinyon tungkol sa mga nangyari sa ating history. At medyo ibang level sya kasi mas may depth.
Isa pang nakaka-bore dati, walang magagandang larawan ng mga lugar-lugar na pinag-aaralan sa history. Mas exciting ngayon kasi may internet na at mas madali ng makita yong mga iba’t ibang lugar/bagay na binabanggit sa kasaysayan.