Kinagisnan

Kinagisnan.

Most Filipinos are traditional, even if we are already living in the so-called modern world. We still believe what our ancestors have believed in centuries ago.

Karamihan sa mga Pinoy ay tradisyonal, kahit na ba nasa modernong siglo na tayo ngayon. Marami pa din tayong pinaniniwalaang mga paniniwala at kaugalian namana natin sa ating mga ninuno.

Anu-ano ba ang mga ito?

  • Pag”laway” sa paa o paglagay ng nilawayang sinulid sa sanggol na iyak ng iyak dahil ito ay “nausog”.
  • Ang pagtitika at pagbisita iglesia tuwing Mahal na Araw.
  • Ang Misa de Gallo tuwing buwan ng Disyembre at siyempre pa ang pagkain ng bibingka at puto bumbong.
  • Paglagay ng ____ sa tiyan ng baby para hindi ito umiyak dahil sa colic.
  • Pagsigarilyo ng mga matatandang babae ng sigarilyong kulay brown. Ano ngayon ang kakaiba dito? Yung dulong bahagi ng sigarilyo na me apoy ang nasa loob ng bibig.
  • Hindi pagwalis ng bahay sa gabi.
  • Hindi pagligo kapag me patay sa pamilya. Kasama na diyan kapag Biyernes Santo. Oo, me ganito.
  • Pagmamano sa matatanda at pagsabi ng “po” at “opo”.
  • Ang pagsabit ng kwintas ng sampagita sa altar.
  • Pag-ulam sa hot dog.

May maidadagdag ka pa ba?

Ay! Teka, nakalimutan ko ang aking larawan.

Ito ang isang kinagisnan nating masarap at hinahanap-hanap kapag ang umaga ay malamig:

Champorado.

Masarap kapag mainit, nilalagyan ng gatas at asukal. Kinakain kasama ang tuyo (pero hindi ko pa to nasubukan).

Korteng puso sana yung tulo ng gatas pero sabi ni bunso parang CHICKEN daw :D

11 Responses to “Kinagisnan”

  1. ibyang on 13 Nov 2008 at 10:38 am

    nakakatawa naman ang comment ng bunso mo :)

    pinalaki rin ako ng nanay ko sa champorado at tuyo tuwing sabado ng umaga na maulan.

    maligayang huwebes!

    ibyang
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-kinagisnan.html

  2. tanchi on 13 Nov 2008 at 11:20 am

    wow..miss ko na to:)
    maligayang LP

    MONKEYMONITOR.BLOGSPOT.COM

  3. jennyL on 13 Nov 2008 at 12:32 pm

    awww champorado…nakagisnan ko na ring kainin yan lalo nung bata pa kami tuwing umag sarap din yan lalo pag umuulan

    Happy LP! Eto po akin:
    http://jennytalks.com/2008/11/lp-kinagisnan.html

  4. thess on 13 Nov 2008 at 2:04 pm

    Juice meh T Julie!! Mukhang mapapagawa ako ng champorado ngayon ha! saan naman ako kukuha ng tuyo hu hu :P

    alam ko pa ang mag nabanggit mong nakagisnan…naku ako ay naiinis sa nanay ko na panay *laway* sa tyan ng mga apo pati na rin mga kapatid ko (naniniwala eh) sa bales. nanay ko daw nakakabales, sus.

  5. Sreisaat on 13 Nov 2008 at 4:45 pm

    Samahan mo pa ng daing o tuyo, nakupo! Heaven na heaven :) Meron na akong mai-snack sa weekend, salamat sa idea.

  6. toni on 13 Nov 2008 at 5:49 pm

    Mmmmmmmmmmmmm makakain nga ng champorado ulit!! Paborito kong merienda yan nung bata pa ako.

  7. Cookie on 13 Nov 2008 at 7:49 pm

    ay tamang tama ang iyong lahok sa mga panahong ito..palamig na at yan ang masarap kainin :)

    speaking of yosi…uy ginagawa yan ng lola ko dati..yung apoy ng yosi nya pinapasok nya sa bibig nya :)

  8. RoseLLe on 14 Nov 2008 at 9:16 pm

    gatas din ang kinagisnan kong panghalo sa champorado…subalit nakatikim na din ako ng gata ng niyog pamalit sa gatas…sarap din.

    sana po’y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

  9. pining on 15 Nov 2008 at 1:52 am

    miss ko na rin ito, with matching tuyo ang sarap :-)
    have a great weekend!

  10. Munchkin Mommy on 26 Nov 2008 at 2:53 pm

    paborito ko ang champorado! gusto ko yung maraming gatas. :) nakakatawa kung minsan ang mga minana nating kaugalian…pero sinusunod pa rin. :D

  11. lea on 19 Jan 2009 at 5:11 pm

    hehehe…
    nice presentation…
    kakatwa man pkinggan taung mga pinoy..
    we are still unique s lhat!!dba??
    hehehe…hve a nice day!!