Yuck!
We love in live in places where cleanliness is observed and reinforced. Who wouldn’t want that?
Gusto natin tumira sa mga lugar na ang kalinisan ay nakikita at ginagawa. Sino ba ang may ayaw nito?
But sadly, many Filipinos are not particularly bent on keping their surroundings clean. Not only should cleanliness be practiced with our bodies and inside our homes, it should also be practiced outside of it.
Subalit sa kabila nitong kagustuhan na ito, maraming mga Pilipino ang hindi ginagawang malinis ang kanilang paligid. Hindi lang dapat na ang kalinisan ay naipapakita sa ating katawan at sa loob ng bahay, dapat pati sa labas ay malinis din.
Look closely at the photo and see how blurred the background is. The background is blurred not because there is something wrong with the camera. The background is blurred because of SMOG or air pollution.
Pakitingnan mabuti ang larawan at makikita namalabo sa bandang malayo. Hindi malabo dahil me problema sa pagkuha. Malabo ang background kasi dahil sa smog o maruming hangin.
Ok then, here is another photo:
Sige, eto pa ang isang larawan:
Maybe its because it is still early so the smog is visible.
Marahil dahil nga maaga pa kaya kitang-kita pa ang smog.
Pero teka, tignan ninyo itong larawan na ito at ito pang larawang ito.
Yuck, di ba? To think na yan ang hinihinga naming hangin dito. HIndi naman puwedeng hindi huminga
greenbucks | Environment, Litratong Pinoy, Philippines, Urban Living, blogging101, social consciousness


Grabe na nga ang air pollution sa ating mundo,, sna magawan natin ito ng paraan bago paman mahuli ang lahat.
Magandang Huwebes
http://edsnanquil.com/?p=1189
hay.. ganyan talaga kadumi na ang hangin.. masdan ang aking lahok dito..dito and dito
T Julie, naku totoo ito! Ipakita ko na lang din sa iyo :=(
http://www.flickr.com/photos/nederland/2762328900/
*sigh*
marami pa nga talaga tayong dapat linisin at panatilihing malinis- ang kapaligiran ay isa na rito, isama mo pa yung pulitika… may pag-asa pa naman
hinga-hinga lang!
dadating talaga ang panahon na hindi na tayo makakalabas sa kalye ng walang mask.
Nakakalungkot ngang isispin na polluted na masyado ang maynila … salamat sa pagsilip mo sa aing lugar…
Today bottled water, tomorrow bottled oxygen.
grabe ang division ng dull sky..
sayang ang knowledge nang tao, di naman ginagamit:|
maligayang LP
monkeymonitor.blogspot.com
oo nga, kitang-kita habang papalapit ang eroplano sa Manila ang smog..kakatakot kasi kung iisipin, hinihinga natin ito. paano naman kasi, meron nga tayong batas pero hindi naman sinusunod ng maayos. tayo rin ang babalikan nito.
Sayang talaga ang ganda ng bay kung madumi naman ang hangin…kitang kita ang pagkakaiba ng kulay, kahit maganda ang combination =D
tama ka. nakakalungkot talaga na ganito na ang makikita sa kapaligiran natin…
alam mo dito daw sa alemanya e iwas na sila sa polusyon kasi dati daw kapag foggy e halos parating may aksidente sa kalye kasi daw pati ilong e hindi na makita. pero ngayon? ang linaw na kapag foggy. ibig sabihin daw e ang linis na ng envt - sana ganyan din sa atin sa pinas ano?
Mahirap nga huminga dyan.
Ito po ang lahok ko.
isang bagay na nakaka-asar sa Manila, dumi ng hangin, bakit nga ba hindi magawan ng solusyon, kalusugan ng tao nasasakripisyo at pati kapaligiran, kaya minsan mas mainam pa ang tumira sa probinsiya - sariwa ang hangin…
isa nga yata tayo sa most polluted city di ba?
pasensya na at ako’y nahuli, pakisilip ang aking lahok…
very smoggy na nga ang ating ciudad. i hope this opens the eyes of our fellow men to start cleaning up our act…
Parang sarap tuloy bumalik sa mga sinaunang panahon noong ang hangin ay mas sariwa at mabuti sa kalusugan…haaay…
kaya nagkaroon ako ng hika nung dito na ako sa manila nanirahan para pumasok sa pamantasan. grabe kasi ang air pollution. sana magtulong tulongan tayong malinis ang ating mga ciudad.
tuwing umaga habang binabaybay namin and edsa patungo sa eskwelahan ng mga bata, yan ang lagi kong napapansin. yung mga ulap kulay brown sa kapal ng usok..nakakadiring isipin na pumapasok yan sa baga natin
Dito rin sa Los Angeles area, ganyan, makapal na smog ang makikita habang papalapit ng downtown LA.
Salamat sa pagdalaw sa LP ko ha! Much appreciated!
nakakatakot namang huminga kung ganiyan! tsk tsk.