21 Days to go Before Christmas
Today is December 4. And if my counting is right, it is just 21 days before Christmas. Are you excited already?
Ika-4 ng Disyembre ngayon, at kung tama ang bilang ko, 21 na araw ng lang, Pasko na. Eksayted ka na ba?
Last year, we didn’t put up a Christmas tree. We just decorated the front door with the usual garland decoration that we have been using for years. I wanted to see if my family can feel the Christmas spirit with our home devoid of decorations. Other than that, I was too busy and too stressed out to put up a tree.
Noong isang taon, hindi kami naglagay ng Krismas Tree. Isinabit lang namin ang aming garland sa harapang pinto ng bahay. Ito ay ilang taon na din naming ginagamit. Gusto kong maramdaman ng aking pamilya ang diwa ng Pasko kahit wala kaming mga dekorasyon sa bahay. Tsaka isa pa, ako noon ay napaka-abala at pagod upang makapag-dekorasyon pa.
The children did not mind not having a tree. In fact they didn’t ask why. The Christmas spirit? It was felt because we know that loving each other is enough to make Christmas a truly memorable experience for them.
Hindi naman nagtanong ang mga bata bakit wala kaming puno. Ang diwa ng Pasko? Naramdaman naman namin dahil alam namin na ang pagmamahal sa isa’t isa ay sapat na para maging mas makabuluhan ang Pasko.
This year the tree is up but as of today I have no energy to put up the decorations yet. Our beloved dog of almost three years died today (I am writing/editing this today, Wednesday but the post was time-stamped since November).
Ngayong taon, dekorasyon na lang ang kulang sa punong nakatayo na. Medyo nawalan ako ng gana ng konti dahil hindi na namin makakapiling ang aming mahal na asong halos tatlong taon din namin nakasama.
Di bale, sisiguraduhin ko, tatapusin ko yan sa lalong madaling panahon.
greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, blogging101, family, thoughts

I’m so sorry for your loss.
Ang mga anak ko, excited na sa pasko!
Ako tapos na magbalot gifts at decorated na ang bahay, di ako masyadong excited no? Hahaha! Nung nasa Bahrain nga ako basta pagtuntong ng BER as in September eh may Christmas tree na ako haha!
awww, that’s nice to know:) ako nga rin parang d ko talaga feel mag-decorate..pero ang mga bata syempre excited sa bigger tree coming from an small apt. in NY:( we’ll see…:)
napaalala mo tuloy… dapat ko na din ipalabas yung christmas tree. wala pang decor sa kabahayan
hi julie!
sad to hear of your loss. i know how that feels. this year, nawalan din kami ng isang kapamilyang aso sa phils.
anyway, sabi nga ng isang kanta “tuloy na tuloy pa rin ang pasko” so i’m sure habang papalapit ang dec 25, lalo kayong mae-excite sa pagdating ng celebration ng pasko.
maligayang huwebes din sayo!
ibyang
aba oo nga ilang araw nalng pala at pasko na! exciting talga!
‘Di rin kami halos nagdedekorasyon ‘pag pasko, konting christmas lights lang sa labas:) ‘Di na kasi makabili ng bagong christmas tree, sobrang laspag at wala nang dahon yung dati, hehe.
oo nga…bastat nandun lang ang family spirit:)
real meaning of christmas
ganda rin ang kuha.
bisita ka rin sa entry ko:)
monkeymonitor.blogspot.com
Kami naman, walang tree para sa taong ito. Hindi ko masabi kung excited ba ako o hindi, may mga pagkakataong excited ako, may mga pagkakataong hindi.
Ang aking LP entry ay naka-post dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
sad.. attached din ako sa pets ko nung bata ako.. pero ngayon hindi na.. kse di na ako ang nag aalga.. nakakulong lang sya dun sa taas, papa ko lng ang nakakakita sa dog nmen.. kse tamad ako umakyat ng roof top.. silip ko nman sken Eksayted sa pasko
sa isang banda, nadarama ko yung kawalan mo. mahirap nga mag-Pasko kapag may minamahal na namayapa. tatlong taon nang walang decor ang bahay namin maski Pasko dahil tatlong taon na rin nang namayapa ang isang mahal namin sa buhay…
pero may dekorasyon man o wala, ang mahalaga ay ang Panginoon sa puso nating lahat, araw-araw =]
nawa’y maibsan sa takdang panahon ang iyong pagdadalamhati…
condolence. kahit sino pa man ang mawala pag malapit na ang pasko ay talagang nakakawala ng eksaytment. sige ilabas na ang christmas tree at baka bumalik…
Kahit wala naman ang mga Christmas decors na iyan, basta ang importante, ay mangingibabaw pa rin ang diwa ng Pasko. Sorry pala at di niyo na makakasama ang inyong mahal na aso.
Syanga pala, di ako nakaabot dun sa tag mo. Next week na lang ako sasali — pagsasamahin ko ang entries for week #1 and #2.
i’m so sorry to read about your dog. that is sad. sana pag nakarinig ka na ng nagka-caroling maibsan ng konti ang lungkot mo.
I’m so sorry again about your dog, nalungkot ako kahapon sa Plurk when I read your thread *sigh*
on being excited about Christmas, ewan ko pa T Julie, d ko pa ma feel, at la pa masyado din decor bahay namin…Pero iba siguro talaga pag may bata sa bahay ano? Sila, nakakahawa ang excitement!
iba talaga ang feeling kapag nawalan ano? hayss
anyway, hindi ko alam kung anong excitement ang nararamdaman ko para sa darating na pasko esp since wala na si oma tapos bday pa nya ngayong dec 21 — sempre, alalay na naman kami dapat para kay opa!
naku, nag emote na ako! am sure magiging maligaya ang pasko para sa ating lahat!
Good luck sa pag-decorate sa puno… kalungkot nga lang at wala na si Bantay…
am sorry about your doggie…
pasensya na po at ako’y nahuli, pakisilip po ang aking lahok…
uh oh, nakakalungkot talaga mawalan ng kasama sa bahay, lalo na’t damang dama mo ang loyalty.
pero nalagyan mo na ng ornaments ang tree mo di ba? nakita ko na picture sa plurk ^_^
[...] The children were enthusiastic because last year, we didn’t put up a tree. [...]
naku, i’m sorry to hear about your dog.
para sa amin, mas feel namin ang pasko pag may krismas tree at mga dekorasyon. saka kinulit din ako ni abby at siya ang naiinip noong hindi ko pa natayo ang tree. 