Jingle Bells
“Jingle bells, jingle bells, jingle all the way…”
“Pasko na naman, o kay tulin ng araw…” (hindi po ito translation ng Jingle bells, lol)
These are what we usually hear the carolers sing. Happy songs, they almost invite the listeners to join in the fun, making us remember that Christmas is near.
Masaya, kaiga-igaya and nagpapa-alala sa atin na malapit na ang Pasko.
Last weekend when we went to The Fort, we saw several wonderfully dressed and happy people singing carols and greeting people “Merry Christmas” It sure felt great to see them.
Nung isang linggong napadpad kami sa The Fort nakakita kami ng mga taong me magagarang damit. Sila ay masasaya at nagbigay ng ngiti sa mga labi ng mga taong kanilang binabati ng kanilang American accent na “Merry Chirstmas!”
Ayan, medyo nahiya pa ang aking unico hijo, napilitan yatang ngumiti
There are my two younger children with Julian a bit apprehensive.
But do you know that there is another face to this happy caroling?
Alam nyo ba na may ibang mukha ang pagkakaroling na ito?
Is this the face of poverty or exploitation? I don’t think the children would want to risk their life and limbs (on a rainy day!) to be able to earn a few pesos, if they were not directed to do so.
Ito ba ay mukha ng kahirapan o ng eksploytasyon? Gusto nga kaya ng mga batang gawin ito para kumita ng konting salapi kung hindi sila sinabihan na gawin ito?
Should we give in and give them money not knowing if the amount will benefit this child and her family or the syndicate running the operation?
Magbibigay ba tayo ng konting halaga na hindi natin alam kung mapupunta ba ito sa bata at sa kanyang pamilya o sa sindikatong humahawak sa kanila?
Merry nga ba kaya ang Christmas nila sa kanilang kalagayan?
8 comments greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, family, social consciousness, thoughts, travel
8 Responses to “Jingle Bells”


alam mo, gusto ko mang magbigay sa mga batang nangangaroling sa daan hindi ko magawa kasi, lalo silang malululong diyan kesa mag-aral o maghanap ng trabahong hindi delikado sa knila. Nakukunsensiya ako minsan pero ayoko din namang dumami sila lalo pa’t masyadong delikado ang ginagawa nila.
So true Miss J…
that’s why sa amin we usually give them candies pero I’m sure naman na hindi sila fino-force sa parents nila cuz usually the kids that go caroling sa house namin are neighbors kids lang…
pero pag nasa downtown na or sa mga parks…kawawa ang kids especially at night when they won’t go home until they have money to bring back…
T. Julie, alam mo kung ako hindi ko alam ang gagawin ko minsan kapag nakakakita ako ng ganitong bata sa lansangan, tipong do or die talaga sila. Kapag may bitbit akong pagkain, ito ibinibigay ko imbes na pera.
Gaya ni Marites, mixed feelings din ako eh.
Di ako nagbibigay sa mga nanglilimos kasi parang tinuturo sa kanila na pwede palang walang trabago at hingi na lang. Di ba ang sabi nga turuan natin silang mangisda?
extremes at kitang kita talaga ang pagkakaiba nila. hayyy. kinurot ang puso ko dun sa pangalawang litraro mo
ang aking lahok
http://homeworked.blogspot.com/2008/12/street-carolers.html
Feeling ko imbes na ang tradisyonal nang pangangaroling ang ginagawa ng mga bata ay ito nang nakagawaiang pangangaroling sa kalsada ang ginagawa. Kahit naman hindi mga streetchildren may pumupunta rin sa kalsada para makakuha ng barya ngayong pasko.
masaya at malungkot ito lahok mo…sa tingin ko rin hindi nila gugustuhin ang ganito kung walang nagtutulak sa kanila…
wish ko lang di nya gas-gasan yung car
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita