Pula = Katapangan
The theme for this week’s Litratong Pinoy is RED.
Ang tema ngayong linggo para sa Litratong Pinoy ay PULA.
There are so many interpretations for the color red: love, hatred, blood, bravery and prosperity. It may also symbolize energy, communism, heat and arrogance. Some even say that red is the color of the devil.
Maraming interpretasyon ang kulay pula: pag-ibig, galit, dugo, katapangan at simbolo ng yaman. Maaari din itong maging simbolo ng lakas, Komunismo, init at kahambugan. Sabi pa nga ng ilan, ang pula ay kulay ng demonyo.
For me, red for bravery is what we need right now. We need this not because we have to battle foreign oppressors like our ancestors but to battle the many hardships we are currently experiencing: financial crisis, lack of political trust and just about any daily struggles that should have been easy but tend to be otherwise.
Para sa akin, ang pula para sa katapangan ang ating kailangan ngayon. Kailangan natin ito hindi para makipaglaban sa mga banyagang umaabuso sa atin kagaya ng sa ating mga ninuno kundi ito ay para sa pakikipaglaban sa mga hirap ng buhay na ating hinaharap: problemang pananalapi, kawalan ng kumpiyansa sa pamahalaan at pati mga pang-araw-araw na gawaing sana ay madali ngunit isa pang nakadaragdag sa hirap.
Gaya nga ba ng ano?
Isa na diyan ang trapiko laban sa droga. Me madaragdag ka pa ba?
29 comments greenbucks | Current Events, Interesting Topics, Litratong Pinoy, Memetag, Philippines, Photos, Visualizations, social consciousness, thoughts
29 Responses to “Pula = Katapangan”

True talaga…I think we need that right now…grabe ang drama sa government natin…kaya nga hindi ako palaging nanood ng news…i know that’s bad pero…it’s always the same thing over and over again: the rich ones are getting richer every day while the poor ones get poorer….
nakupo… ang hirap na mag-comment tungkol sa gobyerno at bansang Pilipinas. kailangan talaga ng katapangan sa pakikibaka sa araw-araw na pamumuhay.
patriotic ha!
Sana manatili ang pula sa ilalim at ang asul sa ibabaw. Magandang Hwebes!
hay naku, sa pang araw araw na buhay, eh kung wala kang tapang, wala kang mapapala! galing ng take mo ah at salamat sa pagbisita kay kendrick at Spiderman.
tama ka dyan!
Salamat sa pagbisita.Magandang huwebes..
korek…. happy huwebes…
ako, red is love:D hehehe. na isa pang bagay na kailangan din ng katapangan!
Pula! Dapat may pagmamahal sa katapangan para hindi galit ang umuusbong kapag lumalabas ang tapang.
You know.
Hahahaha!
korek, julie…kailangan natin ang tapang sa mga panahon na ‘to.
Tama ka. Kailangan din natin ng tapang hindi lang para sa mga banyaga na umaabuso sa tin kungdi para sa mga Pinoy mismo.
Magandang Huwebes!
Very interesting entry. Para sa akin pula ay simbulo ng katapangan.
Hay ang Pilipinas kong Mahal! Sana dagdagan pa natin ang pag-ibig sa bayan. (hello, mga politiko po dyan, hello!)
isama mo na ang laban sa katiwalian. wag na nating sabihin ang mga pangalan pero alam naman natin na yan ang isang malaking problema ng bayan natin. from the top going down, di ba
Sa Instik ay swerte… Happy new year!
sa totoo lang, malakas ang pakiramdam kong magiging maganda ang dating ng 2009 para sa pinas – pero tama ka, kailangan ng katapangan para maging mabuti ang takbo!
ang ganda ng mensahe mo julie.
eto naman ang pulang inumin na nakakahiligan ko ngayon:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2009/01/litratong-pinoy-pula.html
Sugod Gabriela!
ay mali…ibig ko lang sabihin, kailangan natin talaga ng tapang lalo na sa oras ng kahirapan
gusto kong idagdag ang pula bilang tanda ng HINTO sa ilaw trapiko. parang matagal nang nakahimpil ang mga Pinoy, marami sa atin ayaw nang kumilos, ayaw nang bumoto, ayaw nang mangarap. Nakahinto, nakahimpil, nananatiling sadlak kung saan huling lumanding dahil sa pakiwari ng marami ay wala rin namang mangyayari. Bakit pa nga naman kikilos.
Pero ang solo at sama-samang pagkilos ang magpapaunlad sa atin. Pagkilos na may pagmamalasakit hindi lamang sa kapakanang pansarili kundi pambayan.
Sa gitna ng mga hamon ng panahon, gawin na nating luntian ang ilaw.
Kilos na tayo, bagaman ang daang tatahakin ay mahaba at parang hindi pa maaninag ang dulo. Kilos na tayo =]
korek ka jan
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
ang pula seryoso din yan na kulay! heto po ang aking lahok: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html
ako naman, sa suwerte ko naaassociate ang kulay pula.
hehe.:D
I agree. Isang maganda mensahe
Happy LP Ma’am Julie
naunahan ako ni tita thess sa gabriela…basta paborito ko ang pula, nakakaattract….sana nga ang mga mithi natin sa ikakaayos ng gobyerno e magkatotoo kaso parang pula din ’stop’ n lang yata ang meaning pagdating sa gobyerno
Ang ganda ng lahok mo! Nais lang naman natin ay ang isang mapayapang mundo.
Ito po ang aking lahok. Sana makadaan po kayo.
Happy LP!
– Biang
ang ganda ng kuha mo. at sana nga maipaglaban natin ang tama!
magandang araw kaLP!
hi teacher julie! have a great weekend!
I love the colour red. It’s for fire and passion!
It evokes the best out of humanity. Hrm, your blog will be really helpful for me to learn tagalog ^_^ Found you via bloghopping. Happy weekend!
Wag sana dumating ang panahon na mabaligtad ang watawat at pula ang mapunta sa itaas. Tama na sa akin ang paminsan-minsang nagkakamali ng drowing ang mga bata kong estudyante.