Piko o Hopscotch
Asul ang tema sa Litratong Pinoy. Paboritong kulay ko ito, karamihan sa aking mga kamiseta ay ganito ang kulay.
The color blue is the theme for Litratong Pinoy. This is my favorite color and most of shirts are blue.
Heto ang larawan ng aking mga anak (yung dalawang naka-asul na pantalon at maliit na nakapulang kamiseta) naglalaro ng piko kasama ang kanilang mga pinsan.
Here is a photo of my children, (both in blue denim pants and the small one in red shirt) playing hopscotch with their cousins.
Ano ang konek nito sa asul? Wala yata, gusto ko lang ipakita na meron pang mga batang masayang naglalaro ng mga larong hindi kelangan ng remote o kaya buttons na pinipindot.
What’s with the blue you ask? Nothing I guess, I just wanted to show that there are still children who enjoy outdoors games and not glued to things that have remote controls and buttons to push.
Yun lang, mga batang naka-asul na naglalaro ng piko. Hehehe, inistretch talaga ang tema di ba?Para di naman seryoso lagi ang entry ko ![]()
SIge na nga, heto, iba pang entries ko na ASUL ang tema: Dagat sa Zambales, isa pang larawan ng dagat at Rainy Day blues.
22 comments greenbucks | Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, family
22 Responses to “Piko o Hopscotch”

Maganda talaga sa ‘pinas, kasi mas abala ang bata sa paglalaro sa labas kesa sa manood ng tv, kaya naman hindi problema sa ating bansa ang obesity, kahit yung anak ko noon, kulang ang maghapon nya sa paglalaro sa labas ng bahay, kaya pagdating ng gabi,kahit manood ng tv eh pagod na sya at nakakatulog na ng maaga.
masaya pa rin ang mga simpleng laro gaya nito, pisikal kaya nakakapag-ehersisyo ang katawan at nagagamitan pa ng imahinasyon at talino.
oo nga…sana mahiligan muli ng mga bata ang ganitong klase ng laro. kahit amoy araw sila pagkatapos, ayos lang.:D
Nakakamiss ang mga larong pambata na nasa labas ng bahay… tumbang preso, habulan upo, at ito rin, piko! Nakakatuwa naman at may mga bata pa palang marunong maglaro nito. Sana’y dumami pa sila!
natutuwa nga ako dahil dito sa lugar ko ay uso pa din ang piko. ang mga bata ay sinasanay ng mga schools na maging aktibo sa mga sports o mga larong panlabas. nakakatuwa din isipin
T. Julie, nakakatuwang makita ang mga bata na naglalaro sa labas ng bahay ano? Minsan nga nawi-wish ko sana mawala ang mga computers at game consoles para maging active sila ulit, hindi yung daliri lang ang nae-exercise lagi!
yan ang di naranasan ng mga anak ko…ang magkaroon ng kapitbahay na makakalaro sa kalye. mas masaya pa din ang kinalakihan natin.
gandang LP Huwebes mula po sa:
Reflexes
Living In Australia
na sana’y inyo ring madalaw.
dahil na rin sa popularidad ng computer, marami na ring mga bata sa Pinas na tamad maglaro sa labas. Kaya, natutuwa akong makakita ng mga batang naglalaro, nagtatakbo at pinagpapawisan
hehe. Ok nman nakita ko agad ang asul! totoo nga yan hindi na nakakalaro sa labas…meron sa harap ng building naman na ganyan iba nga lang sa nakagawian natin.
Pero ok din ang wii ngayon para sakin dahil feeling ko mas safe sa loob ng bahay eh dun n lang sila laro tennis. Takot lang siguro ko kasi dayo lang dito …
burot ata ang mga kalaro ni ate
)
eto aken lahok
at eto pang isa
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
oonga, ang mga bata rin yan ang gusto maglaro sa labas na lagi ko naman tinatanggihan:(
namiss kong maglaro nito:)
sarap balikan ang pagkabata…eh di pa naman ako matanda tlga..haha
MALIGAYANG LP
bisita ka rin sa post ko:
http://asouthernshutter.com
tama ka. actually marami pang mga laro na sa pilipinas lang yata ginagawa: tumba lata, patintero, piko etc.
honga no, buhay pa pala ang piko….
hay naku, pag kinikwento ko sa mga anak ko ang mga laro nung araw di sila maka-relate. Sa loob loob ko pa, ang dami nyong na-miss na katuwaan. Tama ka, ang mga bata ngayon puros di pindot na ang nilalaro, buti ang mga anak ko marunong pa maglaro ng mga ganyan
tama ka dyan. minsan i pity today’s kids kasi di na yata sila pinapawisan sa paglalaro.
yan ang namimiss ng mga anak ko nung nagpunta kami sa Pilipinas last year, ang makipaglaro sa kanilang mga pinsan sa labas ng bahay; lalo na ngayon,they’re stuck inside because of the very cold weather. Nakaka miss talaga.
Anyway, have a great weekend
kakatuwa naman. Naku hindi na ko nakakakita ng ganyan ah…buti na lang you shared this to us.
Happy LP ma’am julie
paborito kong laro noong bata ako ang piko at step-no.
[...] another post I wrote, I featured my children and their cousins playing a game of hopscotch outdoors, on the street. There were so many positive feedbacks with the post and I am happy that I wrote [...]
[...] love to play electronic games. Gone are days when they enjoy playing outdoor games outside their homes, interacting with other children with a few petty fights in between. I guess [...]
[...] love to play electronic games. Gone are days when they enjoy playing outdoor games outside their homes, interacting with other children with a few petty fights in between. I guess [...]