Suman at Manggang Hinog

Kahel ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito. Siyempre naloka ako dahil gusto kong  maglagay ng larawan ng kahel na prutas para angkop di ba? (sabay kamot ulo) Pero di yata ayos yun. Tsaka sa mga nakakikilala sa akin, alam nila hindi ko “type” ang orange at fuschia pink na kulay kaya wala ako halos gamit na ganitong kulay.

Orange, the color, is the theme for this week’s Litratong Pinoy. Of course, I wanted to put a photo of an orange fruit so that is fits the theme right? I guess not. For those who know me well, they know I dislike the color orange and fuschia pink so I do not have things belonging to me with that color.

Ayan manggang hinog na kulay kahel (o kulay mangga, hehe), nakalagay sa toothpick kasama ng hiniwang suman. Almusal namin minsang malamig na umaga nung mahabang bakasyon nung panahon ng Kapaskuhan. May kasama itong inuming mainit na tsokolate mula sa nilutong tablea.

Isang Pilipinong almusal na marahil konti na lamang ang nakaka-alam. Mainam na ito ay maibalik sa mga mesa hindi lamang upang buhayin ang kulturang Pilipino sa hapag-kainan  ngunit upang makatulong sa mga negosyanteng gumagawa ng suman at nagtitinda ng mangga.

There you go, ripe mangoes whose color is orange, on toothpick with sticky rice. We had this for breakfast one chilly morning during the long Christmas vacation. With it were cups of hot chocolate made with tablea.

This is a Filipino breakfast that only a few know about, I guess.


57 Responses to “Suman at Manggang Hinog”

  1. cheh on 22 Jan 2009 at 7:29 am

    Ay sarap!!Naglalaway tuloy ako:)

  2. Leah on 22 Jan 2009 at 7:34 am

    wow.. nagutom tuloy ako. miss ko na yan!

    salamat sa iyong dalaw. :)

  3. luna miranda on 22 Jan 2009 at 11:04 am

    ang galing ng presentation mo ng mangga at suman! sosy! masarap na merienda ‘to.

  4. Sidney on 22 Jan 2009 at 11:39 am

    Hmmm…mangoes with hot chocolate…? ;-)
    Love mangoes and hot chocolate but maybe not together.

  5. RoseLLe on 22 Jan 2009 at 12:23 pm

    ang sarap naman…kayo ang gumawa ng suman? paturo..hehe! ayos ang kuha terno pa sa sunflower placemat na ginamit mo :) gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia

  6. Eds on 22 Jan 2009 at 12:26 pm

    WOw sarap naman nito… I love mangoes! happy huwebes!

  7. iska on 22 Jan 2009 at 1:01 pm

    yan ang nakakamiss na manggang masarap na mula sa atin… YUM!

  8. Dyes on 22 Jan 2009 at 2:53 pm

    mmmm…. yum yum! nagutom tuloy ako :)

    happy LP

  9. ShutterHappyJenn on 22 Jan 2009 at 3:50 pm

    Ang ganda ng presentation.. kain na lang ng kain, di na kelangan mag balat ng suman.

    Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

  10. pining on 22 Jan 2009 at 5:45 pm

    mukhang masarap yan ah :-)
    I don’t mind the color orange, and like you I’m not fond of pink (of all shades).
    have a lovely day!

  11. raqgold on 22 Jan 2009 at 7:15 pm

    nung una ayaw kumain ng mangga natin ang pamilya ko. aba nung huling bisita namin dyan at mangga na ang prutas na available e ayun, unang tikim hanggang ngayon hindi nila malimutan, hehehe

  12. fortuitous faery on 22 Jan 2009 at 8:43 pm

    perfect combination! bite-size pa… :)

  13. Jay on 22 Jan 2009 at 9:41 pm

    nice idea…ganito rin nga ang agwin ko sa suman’t mangga para naman appetizing sa akin. di kasi ako mahili sa ganito kaso sa litrato mo bigla akong natakam :D

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  14. jeanny on 22 Jan 2009 at 10:02 pm

    ayos to ah….mangga with suman….lagyan na lang ng crabmeat pede ng maki…pinoy style :)

    ma try nga yan!!!

  15. Cookie on 22 Jan 2009 at 11:52 pm

    maniwala’t ka’t hindi, wala akong hilig sa mangga. suman gusto ko pero mangga…never mind :) ako lang siguro ang pinoy na ayaw sa mangga. yun suman, anytime :)

  16. Tina of MyGoodFinds on 23 Jan 2009 at 12:54 am

    Aaaaaaahhhh! Naglalaway na ako dito. Walang mangga ngayon.
    Cute naman.

  17. Thess on 23 Jan 2009 at 4:03 am

    Sosing sosi ang presentation, T. Julie!

    imbes na chocolate drink..coconut sauce ang ipapartner ko dyan tapos tubig ang panulak :)

  18. JO on 23 Jan 2009 at 10:34 am

    mangoes are my favorite!!! sayang lang at di kasing tamis ang mangga namin dito sa mangga sa pinas.

  19. Gmirage on 23 Jan 2009 at 3:19 pm

    HUwwaaww! Kakaiba naman idea nito for breakfast pero type ko, nakikita ko nga ito bilang panghimagas…galing mo talaga Teach, (nagutom na naman ako umaga dito lol)

  20. Linnor on 23 Jan 2009 at 5:06 pm

    perfect ang combination ng suman, mangga at tablea. very native. minsang nag-crave kami, sa cafe laguna (cebu) pa kami napa-order. mas mabilis kasi kesa i-assemble personally. hehehe. tamad ano?

  21. jeniffer on 23 Jan 2009 at 10:39 pm

    ang sarap naman nyan ate..kakatuwa.. :)

  22. Meeya on 24 Jan 2009 at 12:10 am

    sabi ko sa sarili ko, alam ko naka-comment na ako dito sa mangga at suman combo mo. pero nung hinahanap ko ang aking comment, wala. hmmm, tsaka ko naalala yung dati may kasamang tsokolate-e, haha! :)

    ok fine, nagc-crave pa rin ako sa suman at mangga. :)

  23. ces on 24 Jan 2009 at 5:22 am

    parang kilala ko itng larawan na ito..hehehe! naputol! lol! sarap!

  24. teys on 24 Jan 2009 at 11:48 pm

    ang ganda naman ng presentation ng suman at mangga – ngayon ko lang nakita syang ganyan… miss ko na tuloy kumain nyan.

    Happy LP, Julie! salamat din sa pagbisita :)

  25. mama zen on 25 Jan 2009 at 1:01 pm

    Type ko yan na almusal…healthy and masarap ha. At may tsokolate pa.. Sarrappp!

  26. Clicking Away on 25 Jan 2009 at 3:52 pm

    Wow, what a combination. It is the first time I’ve heard of suman with mangga… pero, honestly, mukhang masarap…

  27. ian on 26 Jan 2009 at 11:07 pm

    salamat sa nakakagutom na lahok hehe bakit mo ayaw sa pink at orange bilang kulay ng mga gamit? =]

  28. Munchkin Mommy on 28 Jan 2009 at 10:19 am

    tama ba namang mantakam?! hahaha! biro lang…gawain ko din yun. :D miss na miss ko na ang suman lalo na ang mangga sa atin na walang kasing tamis. :) dapat magkalakas loob na rin akong gumawa ng sarili kong suman. :D

  29. greenbucks on 05 Feb 2009 at 8:32 am

    Thanks :)

  30. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:13 am

    Salamat din sa dalaw, Leah :)

  31. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:31 am

    Ginaya ko lang yan sa isang resto sa Serendra :D Pareho ng presentation pero di hamak na mas mura :D

  32. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:42 am

    Try it Sidney :) Or you can skip the chocolate but the suman and mango combination taste good together :)

  33. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:45 am

    Binili ko lang sa market, 12peos/5 pieces :)

  34. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:46 am

    Masarap nga :)

  35. greenbucks on 05 Feb 2009 at 10:48 am

    Panahon na naman ng mangga ngayon :)

  36. greenbucks on 05 Feb 2009 at 11:38 am

    Hehehe :)

  37. greenbucks on 05 Feb 2009 at 11:46 am

    Try mo ito Jenn :) Hindi makalat.

  38. greenbucks on 05 Feb 2009 at 11:49 am

    Pining, oo, masarap ang kombinasyong ito :)

  39. greenbucks on 05 Feb 2009 at 11:53 am

    Iba talaga ang mangga dito sa atin, lalo na yung galing Zambales (i-promote siyempre) :)

  40. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:07 pm

    Fuss-free ika nga. Mahal ang ganyan setup sa resto :D

  41. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:09 pm

    Jay, na-try nyo na ba yung ganitong setup? Sige na tapos i-blog mo :)

  42. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:27 pm

    Oo nga ano? Parang maki na ito :D Ginaya ko yan sa isang resto kaya ganyan ang presentation.

  43. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:31 pm

    Talaga? Ang mga bata dito (pati na din ako), mango fiend :D

  44. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:35 pm

    Dito naman panahon na ng mangga. Mga March PhP30/kilo na (sana) siguro :D

  45. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:36 pm

    Ay, oo, puwede din yun, matamis na bao (tama ba) or coco jam. Susme, hindi na yata alamyan ng mga bata ngayon. Dati me kendi pang ganun, ambaho kaya nun, hihihi.

  46. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:38 pm

    Iba talaga ang manggang galing dito, lalo na yung galnig sa Zambales (siyempre, ipromote ang galing sa amin) :D

  47. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:40 pm

    G, ginaya ko lang yan sa isang resto sa Serendra, hehe…

    Dun me kamahalan, dito sa amin, mura lang :D

  48. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:42 pm

    Walang malapit dito sa amin na me ganyan eh. Tsaka kung meron man, dito na din sa house para tipid :D

  49. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:46 pm

    Try nyo sa bahay nyo para maiba naman :)

  50. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:48 pm

    Sa LaPiS entry yung me tsokolate Meeya :D

  51. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:50 pm

    hindi yan naputol :D Iba din yung me kasamang tsokolate :D

  52. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:51 pm

    Teys, ginaya ko lang yan sa isang resto sa Serendra. Ito yung mas mura o mas tipid sa bayad pero pareho lang naman din na version :D

  53. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:52 pm

    Tamang-tama din ito kapag malamig ang panahon :)

  54. greenbucks on 05 Feb 2009 at 12:53 pm

    Masarap po ito, its a “classic” ika nga kaya maraming hindi na ito gaano pamilyar sa kanila.

  55. greenbucks on 05 Feb 2009 at 1:02 pm

    Very loud kasi ang orange at fuschia for me. Kapag natural yung color, ok lang.

  56. greenbucks on 05 Feb 2009 at 1:03 pm

    Mahirap yata gumawa ng suman, kasi yung pagbabalot pa lang parang toxic na :D


  57. [...] were made to wear a fuchsia pink dress. I am not particularly attracted to this color,along with the color [...]