Brown Waters
Matamis. Sweet.
Yan ang unang pumapasok sa isipan natin kung tsokolate ang pag-uusapan. That is the first thing that comes to mind when one is talking about chocolates.
Me in-edit na nga akong larawan para dito, isang chocolate fountain. Kaya lang nagbago ang isip ko. Heto na lang: I have already edited a photo for this theme, a chocolate fountain. But I changed my mind and decided on this instead:
Bucao River, Botolan, Zambales
Ang Ilog ng Bucao na dumadaloy mula sa Bulkang Pinatubuan Pinatubo. May pagka-kulay tsokolate ang tubig. Marahil dahil ang mga bundok sa may di kalayuan ay kulay tsokolate din kasi kalbo na. Lalo na sa tag-init, litaw ang kulay tsokolate sa mga kinalbong bundok.
Bucao River which runs from Mount Punatubo. The water is brownish, like chocolate. Maybe because the mountains in the background are also brown because there are no more trees. The brown color is apparent during summer.
45 comments greenbucks | Environment, Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, social consciousness, travel

malamang mga inanod na lupa ang dahilan nga. sayang naman at kalbo na ang bundok. kaya may mga sakuna tulad ng landslide at pagbaha
Kawawa naman ang ilog at mga bundok no? Pero maganda pa din siyang tignan, at least walang mga basurang nakalutang. Happy LP!
kakaiba ang naisip nyong kuha sa tema ah, di ko na isip to
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
tsokolate ay brown ahahah galing!!! salamat sa pagdalaw kanina….oo nga cnu b nmn ang d sasaya sa tsokolate!!! hehee =)
ang galing mo, very creative ang idea, kakaibang chocolate yan, hindi nakakasawa at hindi nakakasakit ng ipin.
Yan ang nakakalungkot na tsokolate – dahil ibig sabihin e eroded na ang kabundukan…
Itoi ang tsokolate na ayaw ko makita. Sana mataniman ulit ang mga kalbong kabundukan.
malamang walang gaanong isda ang nabubuhay dyan, nakakalungkot
aaaaw, sayang sana pareho tayo! nice interpretation, though! pero sad…
Ayyyy haha, di ko naisip to ah! Pero ok din ang interpretasyon mo teach…kalungkot man hintay na lang natin na kahit paano mag-hilom (?–for heal) ang sugat sa kalikasan….
malamang walang puedeng mabuhay na lamang-ilog dyan dahil di na malinaw ang dumadaloy na tubig.:(
Yun nga marahil ang dahilan kasi malinis naman ang tubig. Dati malinaw ito pero hindi malalim kasi papaunta sa dagat.
Totoo yan Buge, malinis ang tubig na umaagos. Brown lang kasi nga brown din ang bundok.
Thanks, Jay
Salamat sa dalaw Jes
Tama, hindi nakakasawa at hindi nakakasira ng ngipin
Tama ka. At least yung tubig umaagos at walang basura.
Totoo yan. Naku lalo na sa summer, grabeng kulay brown, bare na bare. Medyo green pa nga ngayon kasi malamig eh. In fernes, malinis yung ilog, brown nga lang ang kulay.
malinis pero brown? hmm siguro makagaling yan ng mga sakit…just like at River Jordan when the king dipped in 7 times and his skin disease gone.
happy LP day, t Julie! Very unique photo for the theme.
Pining,wala gaano kasi medyo mababaw yung tubig at diretso sa daga ito. Malinis naman yun lang brown kasi brown din yung bundok.
Opps, I mean diretso sa DAGAT
hindi sa daga
Baka kasi matukso ako at bumili nun sa kiosk me me tindang ganun
Wag muna. (pero kumain ako ng Kisses while doing the blog hopping kagabi)
Totoo yan, isang redeeming factor eh kahit brown ang tubig dahil nga galing sa bundok, malinis naman ito at dumadaloy. Wala (pang) basura.
Linnor baka ganun nga, mababaw din kasi ito, tsaka lumawak mula ng dito dumaan ang lahar noon. Malinis naman, brown lang dahil galing sa bundok na walang puno.
Oo Arlene, kasi walang basura at yung tubig galing sa bundok na brown kaya dalaang mga lupa dun. Sa me bandang Subic ganun din ang DAGAT kulay brown kapag tag-ulan kasi nasa tabing bundok ang dagat.
ang lahok ko naman eh ang tsokolate hills sa bohol. happy huwebes kaLP!
http://paulalaflower.blogspot.com/2009/02/lp-02052009-tsokolate.html
Ang unique naman ng lahok mo, Teacher!
Ang aking tsokolate ay naka-post dito, at ang sa aking kapatid naman ay nandito. Happy Huwebes, ka-LP!
Haay, pero patuloy pa rin ang pagputol sa mga punong kahoy, alang ala sa pera. Hay naku talaga.
sayang naman… happy huwebes…
kakaiba ang larawan na naisip mo ha. pasalamat naman ako at hindi mo ako tinakam sa pagkakataong ito, hehehe.
Maligayang araw ka-LP. Eto po ang aking lahok sa linggong ito:
http://www.maureenflores.com/2009/02/litratong-pinoy-tsokolate.html
oo nga, kakalungkot kapag nakakakita ako ng brown na ilog kasi ibig sabihin nun inaanod ang lupa galing sa bundok dahil sa pagputol ng mga punong kahoy…. tsk tsk… salamat sa pagbahagi ng iyong larawan, julie!
happy lp!
http://teystirol.com/2009/02/05/mahilig-ka-ba-sa-twilight/
nakakalungkot naman na ganyan na ang kulay ng tubig. di bale sana kung nasa Chocolate Factory tayo ni Willy Wonka
nice choice…maiba naman. pwede pa din bang liguan kung ganyan ang kulay ng tubig…kulay lang ba o talagang maputik? senya na matanong itong ka-LP mo
my chocolate posts here:
Reflexes
Living In Australia
magandang tingnan pero nakakalungkot isipin na kalbo na ang mga bundok sa paligid nito.
brown nga ang river kung maraming run-offs galing sa mga bundok etc. ito yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp44-tsokolate-chocolate.html
Hi friend.. Nice and interesting post.. Do visit my blog and post your comments.. Take care mate.. cool.. Cheers!!!
hmmm para na ring chocolate hills sa Bohol dba? Or maybe resulta na ito when Mt. Pinatubo erupted…it is one of the biggest eruptions in the 90s
hehehe buti naman itong tsokolate mo, di nakataba!:D
ay bakit nga naman kulay tsokolate ang tubig na dumadaloy, di kaya yung lupa sa paligid inaanod na?
baka dahil din sa naiwan ng lahar kaya ganun ang kulay.
Unique ang entry mo sister Julie.
Sana ay singtamis din yan ng tsokolate hehe.
yan ba yung ilog na lumaki dahil sa pagsabog ng pinatubo? nakarating kami dyan nung pagkatapos ng pagsabog dahil nagkaron kami ng volunteer works, alam mo bang iba ang dating sa aking nung tubig na yan nung nakita ko sya?
parang hindi ok mag-swimming diyan ah..
[...] our way to my parents home last Sunday, I ask my hubby to stop the car near a river so that I could take photos of the bridge for it is this bridge which makes me feel closer to home. But since we were on the [...]