Pulang Polo
Huwebes na naman, Litratong Pinoy ulit na me temang BLUSA/POLO. Dahil hindi ako mahilig sa blusa, polo na lang ang ilalagay kong tema. Its Thursday once again and its time for Litratong Pinoy with the theme BLOUSE/POLO. Since I am not fond of wearing blouses, I decided to use polo instead.
Heto pong mamang naka-polong pula o pulang polo
ay ang aking kabiyak na nakasakay sa bisikletang me training wheels. The man wearing red polo is my husband who is riding on a bicycle with training wheels.
Marunong naman po siyang magbisikleta ng para sa mga matatanda, katunayan, nandito siya sa isang collage ng isa pang photo meme na sinasalihan ko. Napag-”tripan” lang niya patawanin ang mga bata. Ayun, siyempre, tawa kaming tawa kasi hinahabol siya ni bunso sabay sigaw ng “Hey, come back, give me that!”
He can ride a bicycle and as a matter of fact, he can be seen in this collage that I made for another photo meme that I participate in. He just wanted to make the children laugh and have fun. We were in stitches when this was happening because our youngest child was running after him shouting “Hey, come back, give me that!”
Para sa akin, importanteng gawin ito ng mga ama, para lalong mapalapit sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagtawa. At mabuti na lang, may kamera na nakakakuha ng larawan para me souvenir. For me, this is important, that fathers try to have fun whle bonding with their children. And I am glad that these moments are captured as photographs and memories.
31 comments greenbucks | Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, family, thoughts

haha! katuwa naman ang iyong kabiyak, pag ang kabiyak ko ang gumawa nyan, m-f-flat ang gulong!:)
he he he,ayos ang trip ah!
Ha ha ha! Kengkoy pala sya! Masarap kasama sa buhay at bahay ang tulad ng kabiyak mo T. Julie. Yang pagtawa minsan ay mas higit na nakakatulong para gumaan ang ‘magibat’ na buhay di ba?
Happy LP!
(T.Julie, may account ka ba sa Facebook?)
mabigat po yun at hindi magibat..sensha na he he
Game na game! haha para pa namang antangkad ng iyong kabiyak Teach…buti nde na-flat
Happy LP! (Tumatawa pa din ako dito buti wala ang kabiyak ko magtataka na naman yun!)
Korek ka diyan. Nakakatuwa pag sila ang nakikipag bonding sa kids di ba? Happy LP!
di ako marunong magbisikleta. tsk. di ako nahilig. hehehe.
hehehe. nakakatuwa naman po ung litrato.
parang nage-enjoy po sya ah.. buti po di nya nasira ung bike. hehehe
hehe, asyos ah…. happy huwebes…
nice nice!
angkulet naman ni daddy hahaha. at tamang nakapolo pa siya niyan hahahaha
happy huwebes po
na-test tuloy ang tibay ng bisekleta ng anak mo.:D
kwela naman pala si tekkonsult eh
sister, di ba nag-blouse ka naman nung isang labas natin..bagay nga sa iyo eh
sinubukan lang siguro niya kung kakasya siya sa bisekleta hehehe!
natawa talaga ako nung nakita ko ang litrato
Pareho pala tayo ng mga asawa – great fathers with a playful nature and sense of humor! Mahal tayo ng Diyos, Julie!
Nakakatuwa naman ang kaibyak mo. Ako din ganyan, willing maging katawa-tawa para lang matuwa ang mga pamangkin ko
Mapa-flat? bakit?
Oo nga
Totoo yan, altho mepagka-seryoso din ang aking esposo pero kapag sa mga bata, sige lang
Ahahaha, basta para sa mga bata gagawin ng ating mga esposo
oo, mas relax ang mga tatay ngayon kesa nung araw
Di naman nasira, buti na lang
Di din ako marunong mag-bike, dapat yata ako ang nandun
Salamat Lino
Salamat Kathy
Oo, nakapolo pa eh ano?
Korek ka diyan
Naku, iilan lang ang blouse ko
Malamang, o kaya pang-asar lang talaga
Kaya yan ang nilagay ko para di naman ako palagi seryoso
Yes, I guess so, Pinky. Tsaka mas relax na mga tatay ngayon unlike before
Ahahaha, pang-asar eh no?