Tulay Para sa Kaunlaran

Meron kong tulay dito at dito, ang tulay na nagdadala sa akin palapit sa tahanan ng aking mga magulang. Parehong tulay it pero magkaiba ang perspective sa pagkakakuha at interpretasyon :) I have two different perspectives and interpretations of the same bridge which brings me closer to home in the two links I have made.

Ang tulay sa ibaba ay isa sa mga bagong gawang tulay. Ito ay bago, malinis pa at may nakasulat na GMA SCARES, este, CARES pala  na hindi ko na isinama sa larawan. The bridge in the photo below is an almost newly-built bridge. This is new, its clean and has GMA SCARES, errr, CARES written on it.

bridge

Bakit nga may bagong tulay dito? Hindi pa naman mukhang sira ang dating tulay, sa katunayan, ang bagsik ng Pinatubo (nandun sa cluster ng mga bundok) at mga lindol ay nakayanan nito. Hindi kasi nahukay ang mga buhangin kaya ang tubig sa ilog ay nawala at nagmukhang disyerto mula sa buhanging galing sa lahar.

Imbes na hukayin, nagtayo na lang ng bagong tulay. Galing no?

Ano nga ang sabi ng mga pulitiko?

“Kapag ako ay iboboto ninyo ipagagawa ko ang mga kalsada. Kahit walang mga ilog, magpapatayo tayo ng mga tulay!”

Yan po ang tulay ng kaunlaran.

Bow.

11 Responses to Tulay Para sa Kaunlaran

  1. Pingback: GreenBucks » Blog Archive » Phase 2 Project: Segment 8.1 Connecting Mindanao Avenue to NLEX

  2. hahaha! hala! in fairness, mukha ngang malinis at maganda ang tulay:)

  3. parang nadaan na ako sa bridge na yan.

  4. original talaga ang mga TraPo jan sa atin, isama mo na rin pati ang dialogue na “lahat ng bako-bako, papatagin ko”, pwera lang yung mga bako-bakong mukha! :)

  5. daming ganyan dito sa pinas…kahit hindi kailngan ginagawa tapos sisingil ng sobra sobra…tsk…

    Anyway, happy LP ma’am J :)

  6. Hello Ms. Julie.
    Natawa din ako sa post mo — GMA SCARES ba? Naalala ko tuloy yung joke sa isang gag show — THE SCAREGIVER naman yun, mula sa pelikula ni Mega na Caregiver.

  7. Ahaha…ganun pala yun. Dapat pala every 2 years ang eleksyon para laging me pinapagawa para sa kampanya haha.naku lapit ng nga 2010….kagulo na naman :D

  8. natawa ako sa post mo. napangiti mo ko. salamat. magandang slogan yang gma scares. salamat sa bisita.

  9. Bwahaha… okay yang GMA scares…ang anak ko nga sinasabing scary and pics niya pag nadadaanan namin. Bakit kasi kailangang may mukha nila eh hindi naman nila pero iyon. Malapit na 2010. LOL!

  10. LOL! bagay iyong GMA scares hehehe! ay naku, malapit na kasing eleksyon maski nga dito sa amin, biglang nag-ayusan ng mga kalsada. Kaya ayan, para sabing may mga nagawa sa sambayanan. bow!! maligayang LP!

  11. Hahaha… Oo nga, pansin ko rin yan. O kaya naman ipapabakbak ang maayos pang kalsada para lang masabing may ginagawa.

    Ang aking tulay ay nakapost dito. Gandang araw!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>