Phase 2 Project: Segment 8.1 Connecting Mindanao Avenue to NLEX

Simula pa lang ng paggawa ng malaking kalye malapit sa amin.

Noong Lunes ay isinarado na ang daan na dinadaanan namin kaya iikot na kami sa matrapik na palengke. Pero sige lang, pagkatapos naman nito (kung matatapos agad) ay magiging mas maaliwalas ang aming pag-uwi. Wala naman sana problema kung hindi nagsasara ng gate yung katabing subdibisyon mula 10am  – 5pm at 10pm – 6am para hindi na kaya naipilitan kami umiikot ng malayo. Hmph.

Importante ang daan na ito kasi mismo si PGMA (S)cares ay dumalo sa groundbreaking ceremonies noong nakaraang buwan (kung tama ang pagkakatanda ko).

c5-nlex

Pasensiya na po, malabo, umaandar kasi kami at may tint pa ang salamin.

Anyway… (pakibasa po hanggang bago magdulo, nandun ang climax)

Ang major road na ito ay mag-uugnay ng Mindanao Avenue sa NLEX or North Luzon Expressway. Heto ang isa pang link tungkol sa project.

Alam nyo ba kung magkano ang 2.8 kilometer na daang ito? 1.5 billion pesos lang naman.

Kung ito ay idi-divide sa 2.8 kilometers, pumapatak na 535 million++ pesoses for less than a kilometer ang presyo ng daan na yan. Sosyal di ba?

Twing! Twing! (Tunog ng cash register yan, lol!)

Siyempre, merong mga apektado sa ngalan ng progreso pero pasasaan din at para naman sa nakararami ang progresong ito at isa na kami doon na dumadaan sa NLEX pauwi sa bahay ng aking mga magulang.

Yun lang, mas marami nang sasakyan ang medyo malapit sa amin baka lalong hikain ang anak ko :(

25 Responses to “Phase 2 Project: Segment 8.1 Connecting Mindanao Avenue to NLEX”

  1. Thess on 07 May 2009 at 12:23 am

    Sa kasamaang-palad, minsan kasama talaga ang ‘malas’ (mas maraming sakakayan ang dadaan sa sa inyo at sana naman ay huwag mag-grabe hika ng anak mo) sa pag-usad.

    Hmm, at least may kinapuntahan ang pera ano?
    Happy LP!

  2. Jeanny on 07 May 2009 at 12:35 am

    sana mapabilis ang pag gawa nyan kaso napapansin ko madalas sa tag ulan inuumpisan ang road projects…why kaya hehhehe!!!!

    Happy LP sistah :)

  3. greenbucks on 07 May 2009 at 12:40 am

    Yun lang, pero dahil di naman talagang malapit na malapit, sana mahangin pa din kasi medyo open air naman ang lugar :)

  4. ces on 07 May 2009 at 12:40 am

    aba, si PGMA scares na naman ang topic dito! haha! hindi ko ma-figure out kung saan ito…pero alam ko malapit ito sa amin kung Mindanao Av. at C-5 kamo:) very DEAR nga! ang kalyeng ito!:(

  5. greenbucks on 07 May 2009 at 12:41 am

    Jeanny, baka arawan ang rate :D

  6. greenbucks on 07 May 2009 at 12:44 am

    Ces, aba, eh dun nga, este dito nga yun. Lampas pa ng HBC compound, kung alam mo kung saan yun :D

  7. gmirage on 07 May 2009 at 3:47 am

    Lapit kami jan! Nasabi ko sayo yata teach sa may Cherry Foodarama…eh ang traffic nga dun, luluwag kaya?

  8. komski on 07 May 2009 at 7:20 am

    Napansin ko nga yung sign sa may north ave na pwedeng dumaan ng mindanao papuntang NLEX. Pinagtalunan nga namin nung nanay ko tsaka pinsan ko (drayber namin) kasi nagtataka ako kung totoo ba un (ngayon ko lang kasi nakita). Sabi ba naman ng pinsan ko, ibang NLEX daw yun, NLEX.. NovaLiches Expressway. Naasar lang ako:P Buti sa post mo, naliwanagan tuloy ako, hehehe:D

  9. mommy jes on 07 May 2009 at 8:41 am

    hay andmi n nmng ginagawng kalsada ngyun….ito b ang matatwag n recession hehehe =0 nweis, gnun tlga ang buhay =) sana po ay masilip nyo po ang aking lahok – http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html

  10. purplesea on 07 May 2009 at 10:00 am

    dyan din nakatira sa mindanao ave. ang aking pinsan ha. Sana naman matapos agad yan. Siguro napaka-traffic na naman sa gawing yan.

  11. Rico on 07 May 2009 at 10:53 am

    Ganun po talaga ang presyo ng mga proyekto ng gobyerno. City engineer ng Maynila ang kuya ng kaibigan ko. Sabi nya, marami daw kasing dapat “bigyan” (pati na rin sya) para matuloy ang proyekto ng walang aangal.
    Maligayang LP!

  12. sassy mom on 07 May 2009 at 11:02 am

    Naku, malaking tulong ito kung matatapos. Nadadaanan ko yan palagi pagpunta ko sa mga in-laws.
    Magandang Huwebes!

    Eto naman ang aking lahok.

  13. maver on 07 May 2009 at 11:39 am

    naku, nawa’y hindi yan abutan ng election ban at tigil-construction bigla. nyiii!!!

    eto po ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/05/lp-53-simula-pa-lamang.html

  14. yeye on 07 May 2009 at 4:59 pm

    hahaha. PGMA (S)cares. astig :D

    magandang simula yan :)

    eto naman po ung akin :D

    officially unemployed

    HAPPY HUWEBES KA-LP :D

  15. Arlene on 07 May 2009 at 8:51 pm

    Sana t Juls, mabilis ang pagawa nyan para mahusay na ang traffic dyan. :)

    Happy LP!

  16. Mauie on 07 May 2009 at 9:51 pm

    LOL! Natawa naman ako sa PGMA (S)Cares! Bisitahin mo na lang ang lahok ko dito para di ka na ma-high blood diyan. :)

    http://www.maureenflores.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lang.html

  17. Jay - Agent112778 on 07 May 2009 at 10:34 pm

    =)) amoy 2010 na talaga

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  18. Jesz - lekultisziefamilie on 07 May 2009 at 10:36 pm

    lalong tatrafik sa C5/Quirino :( (

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  19. Meeya on 07 May 2009 at 11:27 pm

    pusta ko pag-uwi ko diyan hindi pa rin yan tapos, hehe! hindi kaya kasama sa budget yung binayad for eminent domain kaya ganyan kalaki? i’m sure meron silang na-displace na mga bahay sa paggawa niyan. magkano naman kaya ang toll diyan kapag natapos?

    haay, tj, simula na ito ng kalbaryo niyo ng traffic. :D

  20. beybigurl on 08 May 2009 at 4:19 am

    mahirap talaga pag simula pa lang ng progreso

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-56-simula-pa-lamang.html

  21. Ria on 09 May 2009 at 11:33 am

    kamahal naman ng kalyeng yan….chi-ching! tunog din yan ng cash register haha.

    kita kits teacher julie!

  22. teys on 11 May 2009 at 1:07 am

    naku sana naman ay di maapektuhan ang iyong anak ng todo-todo… any anak ko rin ay may hika paminsan minsan at napakahirap pag sya’y nagkakasakit… (S)Care-y nga talaga yan… :)

    hapi lp and hapi mother’s day na din!

  23. myepinoy on 12 May 2009 at 10:44 pm

    Ang laki yata ng tongpats.

    The 88.5-kilometer, four-lane expressway from La Paz, Tarlac to Rosario, La Union costs P15.2 billion only.

    Kung kukwentahin, lumalabas na ang expressway (88.5km) ay nagkakahalaga lang ng P171.75m kada kilometro samantalang ang proyektong ito ay nasa P535m/km.

    samakatwid, mahigit isang bilyong piso o P363 milyones kada km ang patong.

    Grabe!

  24. Ebie on 14 May 2009 at 8:33 pm

    Hehe, ano na naman yang PGMA scare (s). Pagkaperahan natin ito…maglathala (tama ba ito, publish) magsanay ako sa Tagalog, na lang kaya pareho sa mga jokes ni Erap.


  25. [...] Noong isang taon ay naging larawan at post ko sa temang simula ang ginagawang Phase 2 Project Segment 8.1 connecting Mindanao Avenue to NLEX. [...]

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment