Ang Pagtatapos, Bow!
Isang malaking karangalan ang makapagtapos sa isang lebel ng pag-aaral, ito man ay preschool, mababang paaralan, mataas na paaralan, kolehiyo o graduate school. It is a great honor to finish a level of schooling, be it preschool, elementary school, high school or graduate school.
Pero ang aking ipinagtataka ay ang kalabisan ng ilang mga paaralan sa lebel ng pag-aaral ng mga bata. Paano ba naman, yung iba, kapag nagtapos ng Prep sa preschool, kung hindi ika-dalawang taon ng nag-aral (Kinder at Prep), ito ay ikatlong taon kaya (Nursery, Kinder at Prep) o kaya, ito ay ika-apat na taon na niyang pag-aaral (Pre-Nursery, Nursery, Kinder at Prep). One thing that really baffles me is that schools want to earn so much that by the time a student finishes preschool, he or she has already been studying for what, 2, 3 or 4 years already?
Wala naman akong nakikitang masama kung nag-e-enjoy naman ang bata pero naman, kung ganito, pagdating ng unang baitang, ilang taon na siyang nag-aaral. Kung ako man yung batang yun,magrereklamo ako. I don’t see anything wrong if the children are enjoying but then again, by the time a child who went through all these levels reaches first grade, he or she has been studying for a number of years already.
Grabe talaga. Dito sa ating bansa, ang makapagtapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo ay tila ba isang karangyaan at hindi karapatan. This is really dreadful. In this country, it seems that to be an educated person is a prvilege, not a right.
Paano ba naman, ang ibinabayad sa pribadong paaralan, mababa na ang 30 mil. Ang iba, mahigit isang daang libo. Preschool pa lang yan ha. How so? Tuition fees run from the “lowly” PhP30,000 to over a hundred thousand. And that is for the prechool level alone.
Ok, me school dito, over half a milion ang tuition pero di ko na lang babanggitin ang pangalan.
Gaano na kaya kataas na tuiton pagdating sa kolehiyo? How much more would the tuition be in college?
28 comments greenbucks | Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Visualizations, World Watch, blogging101

nakakagulat nga ang mga tuition diyan sa atin! yikes.
dito naman sa amin, ang required lang ay K (or kindergarten) bago mag-first grade. pero may option pa rin ipasok ang anak sa pre-school at pre-K bago mag-K. so ganun din 3 years bago mag-grade one. pero, yun nga lang, yung preschool to K puro laro lang talaga. walang mabibigat na subjects or homework na binibigay. walang pressure sa bata (at bulsa ng matanda dahil yung pre-K at K halos libre, hehehe!)
pero minsan, nag-iisip din ako kasi kapag naman ni-compare mo yung schooling diyan at schooling dito, lubhang advanced ang mga bata riyan, at ang ganda ng disiplina sa pag-aaral.
ps. oo nga, patapos na summer niyo, kami pasimula pa lang hehe!
I totally agree that education now seems more a privilege than a right in our country… very sad but true. Bilang isang magulang pa naman, ito lang talaga ang tanging maipapamana sa mga anak – pero pahirap na ng pahirap gawin ito…
my god…ang mahal na pala magpa-aral ng bata…eh wala pa akong asawa’t anak! haha. public school na lang!
totoo, kung di ka mayaman, sa mababang paaralan ng kuli-kuli na lang ang anak mo. pag sinasabing “education is an investment”—di na dunong ang pinag-uusapan, kundi investment na pera na dapat mababawi kapag nagtatrabaho na.
Tsk tsk, nakakalula ang mahal magpa-aral pala ngayon?!! Naalala ko bigla ang tuition fee ko sa kolehiyo nuon…juice meh, namamahalan na magulang ko nuon kasi apat kaming sabay-sabay nag-aaral..eh kung ngayon ka magpa-aral ng 4 na anak? Kuba ka na, kayod kalabaw ka pa rin talaga!
oonga naman pala! ito ang swak na swak sa tema!:) galing!
Ang mahal talaga mag-paaral ng bata ngayon sa pribadong paaralan. Kung sa public school naman, siksikan ang mga estudyante.
kaya dapat na mag-ipon ang mga wala pang anak! he! he! mahal na talaga magpa aral ngayon!
napakasarap na pakiramdam magtapos ng pag-aaral. pero para sa akin, di din dapat idisriminate ang mga taong di nakapagtapos. minsan, ang buhay ay nakukuha sa tyaga.
maligayang huwebes!
Ay korek ka diyan, sis!
Samantalang nung bata ako alam ko nursery tapos prep. Ngayon nursery Kinder 1, Kinder2 atbp. Ewan!
…at ilang linggo na lang ay simula na naman ng pasukan.
Alam mo ba sa school namin 5 years ang pre-elemtary schooling? Junior Casa, Senior Casa, Nursery, Kinder tapos Prep! Grabe! Sobrang nakakapagod mag aral! Ako nga noon kinder lang tapos Grade 1 na agad.
Don’t all those levels early in school stress the poor kid out?
Minsan naaawa ako sa mga bata na napaka-aga gumising para lang pumasok sa eskwela samantalang para sa akin eh hindi pa naman dapat lalo na at napakabata pa, dapat eh ma enjoy nila ang pag tulog at ang paglalaro, pero sa napakabatang edad eh obligado na sila na gumising ng maaga.
Grabe no? minsan iniisip ko nga,paano ko kaya pag-aaralin ang baby ko??
you’re right, talagang minsan waste of money nalang. kaya ako for my kid, dapat marunong na siya magbasa at magsulat bago pumasok para 1 preparatory level lang ng school pwede na!
grabe no! kaya nga even though i am a preschool teacher, napapaisip ako kung anong age ko ipapasok kids ko when the time comes.
Hi, sa panahon ng krisis problema ng mga magulang pag enrollment time na, may 2 college pa ako at 2 ang nasa kindergarten, haaay di matapos tapos, pag tapos na ang anak, mga apo naman
ewan ko ba kung bakit ginagawang parang luxury ang pagaaral dito sa bansa natin. nakakalungkot.
paano pa ngayon at ang panganay ko pa lang ang nasa pre school, may 2 pa akong paaralin sa mga darating na taon…
feel ko yan, may 3 bugoys ako. 1 in kinder, 1 in 1st year and 1 in 4th year high school
super kayod tuloy para makaipon ng pangtuition.
ako nga di na nagnursery eh hahaha. kinder 1 at 2 as grade one na!
eto naman po ung akin
nang matapos na
HAPPY HUWEBES KA-LP
Tama ka Teacher J. Dapat ba e oversee ng DECS ito? This has become now a money making industry. Those poor (rich) parents, kayod talaga.
julie, alam mo nag-iwan ako ng comment kahapon pero hindi yata lumabas
sabi ng maraming tao, ako daw ay pumupunta sa spam, haha!
nice shot saan yaan?
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Sa naalala ko nagstart lang ako sa kindergarten ng 1 year tapos grade 1 na hehe.
Ang gusto ko sana gaya dito Montessori approach, sa kindergarten kasi as early as 2 (minsan 1) pwede magkindergarten pero hindi nag-aaral (halo halo ages), naglalaro lang, nature appreciation, baking, music and arts etc…walang classroom setup…pagdating ng 5 yrs doon pa lang mejo hinahasa mga bata para maready for school (6 years) at sa school na tinuturuan magbasa at sulat pero ok lang kung natuto na sa bahay. Tapos 4-5 hours lang sa school…ayun napahaba tuloy hehe.
Sana ang focus ng government eh sa teachers, ok na sweldo, motivated at higit sa lahat me concern, gaya mo Teach!
Half a million!! Grabe naman. Parang sobra naman ang taas ng tuition na yan. Pero tama ka, talagang napakalaking pressure na ngayon ang pag-aral.
Medyo mahal nga ang 1/2 Mil. Ginto ba ang kanilang lapis? Tanong rin lang. Gourmet ba ang kanilang pagkain sa kantina. ay nakupo aatakihin ako sa alta presyon sa pagkakamahal mahal.
tumpak ka dyan..kaya sa isang summer workshop ko muna pinasok ang baby ko..hehehe
eto oh:
http://www.thesilentprincess.com/?p=362
Jay, sa Benitez Hall sa UP Diliman