Ano Kaya ang Pangarap Nila?

Ano nga ba ang pangarap ko? Noon, marami akong pangarap para sa aking sarili. Makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na hanapbuhay, masayang pamilya, mabait na asawa at mga anak. Natupad naman yun. Hindi man kami mayaman, ayos lang, magsisikap na lang ng todo para sa pamilya, at yan ang pangarap ko sa ngayon.

Masarap mangarap.

Ito ang nagiging basehan ng lahat ng mga ginagawa at gagawin para sa katuparan nito. Maaaring kung minsan pinagtatawanan tayo ng iba dahil mataas daw ang lipad ng ating pangarap at baka bumagsak mula sa tore ng panaginip. Hindi na lang ito dapat alintana dahil dapat alam mo kung ano ang iyong kakayahan at kahinaan.

Pero sila, ano kaya ang pangarap nila?

streetchildren

Ang makahanap ng makakain bago matapos ang araw?

Ang makahiga sa malambot na kutson?

Ang magkaroon ng tsinelas o salawal?

Ano kaya ang pangarap nila?

Ikaw, may kasama bang ibang tao na hindi mo kapamilya sa mga pangarap mo?

10 Responses to “Ano Kaya ang Pangarap Nila?”

  1. Thess on 11 Jun 2009 at 3:36 am

    Sumisikip dibdib ko tuwing nakakakita ng mga batang gaya nito, kung maaari nga lang paginhawain ko ang mga buhay nila ay gagawin ko. They deserve a good future too.

  2. Zee on 11 Jun 2009 at 3:50 am

    i love your post Miss J… ano kaya ang pangarap nila ano? A few bad things run through my mind right now… pero baka naman one of those kids would become the a President of the Philippines…dibah?

  3. Mauie on 11 Jun 2009 at 8:51 am

    Sana kahit paano ma-enjoy rin nila ang pagiging bata kahit na mahirap ang buhay.

    Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

  4. fortuitous faery on 11 Jun 2009 at 1:02 pm

    minsan, mas kahanga-hanga pa ang motivation ng mga kapus-palad nating kababayan para umahon sa kahirapan. alam nila kung paano lasapin ang tagumpay na pinagsikapan.

  5. luna miranda on 11 Jun 2009 at 2:37 pm

    i’m sure makakain sa Jollibee ang isa sa mga pangarap nila.:D

    masarap ang pakiramdam makatulong matupad ang pangarap ng di mo kaanu-ano. it’s not so much that you’ve helped another person, i guess it’s more of a need to feel good about yourself. pero kahit na for selfish reasons, kung maganda naman ang resulta, ayos pa rin.:D

  6. yami on 11 Jun 2009 at 3:42 pm

    Alam mo ‘yung pakiramdam na kumakain sa fastfood tapos may mga batang naka-abang sa labas. Nakakaawa pero wala ka namang magawa kasi limitado rin ang resources mo.

  7. Linnor on 11 Jun 2009 at 5:38 pm

    malamang sa simpleng bagay na maiabot sa kanila, malaking katuwaan na ang dulot nito…

  8. peachy on 11 Jun 2009 at 8:03 pm

    libre ang mangarap kaya sige lang sa paghabi ng pangarap, positive thinking at mapapasaiyo din yan, yun daw ang secret. Salamat sa pagbisita.

  9. annamanila on 13 Jun 2009 at 2:41 am

    Aba, kay galing mo palang mag-blog sa ating sariling wika. Nakakakurot ng damdamin.

    Libre and mangarap. But even that is a luxury not everyone can afford — especially those who lack the basic things in life.

    How do we change things? Just reach out to those who are close to us. Sabi nga: let’s just do the best we can.

  10. Marites on 13 Jun 2009 at 1:38 pm

    Sana naman ang mga batang ito’y may mga pangarap na makakatulong sa kanilang mag-isip at magsikap para umasenso kahit paano. maligayang LP!

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment