Impossible Nga Ba?

Imposible ba ito? Alin sa mga ito ang imposible?

Ang magkaroon ng lugar upang malayang makapagalaro ang mga bata?

Ang maging ligtas ang mga bata sa kapahamakan?

Ang mga bata ay makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang matuto silang mamuhay para sa sarili at pamilya?

Imposible na bang mawala ang katiwalaan sa pamahalaan?

Imposible na bang maging mas masikap ang mga tao?

Imposible na bang ituluy-tuloy na paglaganap ng kapayapaan?

Kahit hindi kaya ng mga me sinumpaang tungkulin at ng mga nasa posisyon at may kakayahan nang pagpapatupad ng batas, magiging posible ito.

Paano?

kangkungan

Hindi bilang isang himala kungdi…

pagbabago na sisimulan natin sa ating sarili, kahit na sabihin pang gasgas na ang linyang ito.

Sinasabi ng iba na tila daw tayo ay pupulutin na sa kangkungan, dahil isang basket case na ang ating bansa. Pero, kung titingnan mabuti ang larawan, kahit pala sa kangkungan, me kakaibang ganda pa din basta pagsisikapang lilinisin, hindi ba?

(wala pong photoshop na nangyari kundi crop, resize, blur para sa text at text lang)

16 Responses to “Impossible Nga Ba?”

  1. Buge on 18 Jun 2009 at 1:13 am

    Sana lahat ng sinabi mo ay posible no? :D

    Very nice shot! I love the ray of light! Galeng ng timing! Happy LP!

  2. Thess on 18 Jun 2009 at 2:36 am

    Kaaya-ayang kangkungan ito, mukhang napakalinis! Kakakaiba sa mga kangkungan na nakita ko nuon. Pwede naman palang linisin basta gustuhin lang. So, OO ang sagot sa mga tanong mo T. Julie…basta gugustuhin at pagsisikapan ;)

    Happy LP!

  3. fortuitous faery on 18 Jun 2009 at 7:21 am

    ayan tuloy…gusto ko ng kangkong at bagoong…. :P

  4. teacherjulie.com » How Time Flies on 18 Jun 2009 at 7:54 am

    [...] I believe that even if a person has difficulties which hinder achieving some successes that others can easily achieve, with the proper attitude and preparation nothing is impossible. [...]

  5. Mauie on 18 Jun 2009 at 8:06 am

    Totoo. Hindi pwedeng iasa sa iba ang pagbabago.

    Ito ang aking “imposibleng” larawan ngayong linggo: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-imposible-ba-ito.html

  6. yeye on 18 Jun 2009 at 8:33 am

    nice shot :)

    nakakatuwa naman mga entries ngayon. very inspiring :)

    eto naman po ung akin :D

    Imposible ba ito?

    HAPPY HUWEBES KA-LP :D

  7. Marites on 18 Jun 2009 at 9:02 am

    Hindi ako naniniwalang imposibleng maayos ang kalagayan ng ating bansa..tulung-tulong lang ang kailangan. Dapat lang talagang parusahan ang mga may kasalanan para magtanda at umayos sa pagpapalakad ng ating bayan at tumigil sa pag-aabuso. maligayang LP!

  8. emarene on 18 Jun 2009 at 9:42 am

    parang alagang-alaga ang mga kangkong dito, lalo na’t naarawan! Nice shot!

  9. Rico on 18 Jun 2009 at 10:28 am

    Galing ng timing sa pagkuha.
    Tama! Kahit sa isang maliit na paraan, maaari tayong makatulong. Ang maliliit na gawaing ito, kapag pinagsama sama, lumalaki rin.

  10. kg on 18 Jun 2009 at 10:53 am

    sana nga maging posible yan…para sa mga anak natin…magiging anak pa…at magiging anak ng mga anak natin!

    happy huwebes!

  11. luna miranda on 18 Jun 2009 at 12:44 pm

    walang impossible! sa sipag at galing ng Pinoy, kahit bulok ang sistema natin, nakakaraos pa rin tayo. para tayong kawayan…kaya lagi akong hopeful.:D

  12. carnation on 19 Jun 2009 at 12:10 am

    oo nga naman, kaya natin … ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-imposible-ba-ito.html

  13. Zee on 19 Jun 2009 at 3:05 pm

    in a perfect world Miss Julie POSSIBLE and lahat pero hindi perfect and mundo natin… and even though we want to change the world, the people who are directly affected by it are apathetic…. :(

  14. ian on 20 Jun 2009 at 10:21 am

    mabuhay ka! mawawala lang ng pag-asa kung wala nang aasa. sa pag-asa na may katambal na pagkilos at panalangin, walang imposible!


  15. [...] we say we want changes and reforms (electoral reforms in this matter) parang walang nangyayari. Ganun na ba kalala ang kalagayang ito at ng mga sumangang sitwasyong kaakibat ng isyung [...]

  16. randa on 29 Jun 2009 at 3:23 pm

    pano natin maiiwasan ang virus na ito