Dito Lang sa Pilipinas
Dito lang sa Pilipinas. Kanta yan ni Gary Granada, isa sa mga paborito kong kompositor at mang-aawit. Sana pakinggan nyo ang awit at ito ay tamang-tama sa panahong ito kahit matagal na yata itong naisulat.
But come to think of it, kahit matagal nang isyu itong vote buying, flying voters, dagdag-bawas, ballot box snatching at murder (ayon sa kanta), siyempre, hindi mawawala diyan ang kandidatong hindi natalo kundi dinaya, pati na din ang kandidatong nandaya kaya nanalo, hindi pa din ito naluluma.
Para bang parte na ito ng kultura natin and no matter how much we say we want changes and reforms (electoral reforms in this matter) parang walang nangyayari. Ganun na ba kalala ang kalagayang ito at ng mga sumangang sitwasyong kaakibat ng isyung ito?
Anyway, wag lang sana umabot sa ganito kapag sukdulang galit na ang mga tao:
Hindi, hindi ko po pinababalik si Gat Andres upang mamuno ng isang pag-aalsa
Bakit kelangan pang mangyari yun kung aayusin na lang sana ang prosesong suntok sa buwan na maituturing?
pasensiya na po, medyo blurred, umaandar kasi nung ako ay kumuha ng larawan
17 comments greenbucks | Current Events, Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, social consciousness, thoughts
17 Responses to “Dito Lang sa Pilipinas”

hay naku! hanggat may mga pulitikong corrupt, walang mangyayari sa ating bansa.
Happy LP!
sana makonsensya naman sila sa pinaggagawa nila.
hmmmmmm….at eleksyon na naman next year…
sana matauhan na ang mga corrupt na politoko na yan..hmmm kelan kaya yun ;(
Happy Thurs pala Ma’am J.
Ganyan talaga dito.onli in da pilipins lang kasi bumoboto ang mga patay…hahaha
Patuloy pa rin po akong umaasa at nagdarasal para sa isang makabuluhang pagbabago sa umiiral na sistema sa ating bansa…
Maligayang Huwebes po!
hindi ko pa narinig ang kanta na yan. mahanap nga sa internet. grabe ang sitwasyon din sa pinas. pero sana wag naman maging iran … ito akin:
http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-dito-lang-only-here.html
ang style ng politika talaga natin, nag iisa. Totoong onli in the Philippines!
Magandang araw!
Hindi natin makakamit ang pagbabago kung hindi tayo magsisimula sa ating sarili at kapamilya. Hindi natin dapat kasi iasa sa gobyerno lahat2 dahl alam naman nating hindi nila kayang gawin iyon. Sana nga, hindi tayo umabot sa sukdulan.
Hi! only in the Pilipinas ang lahat ng iyan, temang napapanahon at dapat pag ukulan ng pansin ng gobyerno, happy LP
Pangarap kong malinis ang ating gobyerno… Hay! Unti unti…
botante na ako. inspired ako bumoto. for a change. kahit iisang boto lang..alam ko makakatulong
eto naman po ung akin
Dito lang
HAPPY HUWEBEST KA-LP
A very important sentiment well written. i still can’t vote here in Pinas dahil sa absentee voting.
My entry is now up.
kailangan nga siguro ang isa pang revolution para mabago ang bulok nating systema.:P
our heroes must be turning in their graves dahil sa mga pinaggagawa ng mga leaders natin.
T. Julie, ang nakakalungkot nito ay hindi lang sa bansa natin nangyayari ang ganito…hay naku, hangga’t may mga taong sukdulan ang kasakiman (lalim ba? he he) at malalagay sa posisyon ay talagang mahihirapan magkaroon ng pagbabago.
Kaya nga dapat sa susunod na election eh mas maging maingat at mapili tayo. At sa ating maliliit na paraan, subukan natin ang pagbabago.
[...] country went through many challenges and at present, we still are undergoing a lot of political turmoil [...]