Tuyot na Tag-Init

Tuyo, dry.

Ang summer o tag-araw ay panahon ng tagtuyo. Ang tagtuyo ay ramdam hindi lamang sa pagkawala o kakulangan ng tubig sa ating mga tahanan.

Ito ay nakikita sa tuyong kabukiran na dapat sana ay pangunahing pinagkukunan ng pagkain. Dahil sa pagkatuyot, karamihan ng mga bukirin ay tila ba mga walang silbing nakatiwangwang na lupain animo inabuso at inubusan ng lakas.

zambales

Hindi lang ang ating mga bukirin ang dumaranas ng tagtuyo. Lalo na ang ating mga kabundukan, tila ba ang mga ito ay dumaan sa napakaraming abuso at wala ng buhay at luntiang kulay na maibigay.

Ang pondong para sana sa irigasyon o patubig ay hindi umaabot para sa mga dapat makinabang nito.

Dumaan ang napakaraming bagyong nagdulot ng pagbaba at pagguho ng lupa na ikinasawi ng libo-libo nating mga kababayan.

Sayang na buhay, sila ay walang kalaban-laban sa hagupit at lupit ng kalamidad na dapat sana ay naiwasan kung hindi sa kasakiman ng ilang mga indibidwal.

Ang bundok ay kalbo, ang maitim na bahagi ay hindi mga puno kundi anino ng ulap sa nasa langit. Ang bukirin ay walang tanim dahil walang senyales na meron patubig dito.

21 Responses to Tuyot na Tag-Init

  1. kalaban talaga ng mga magsasaka at ng kabukiran ang pagiging “tuyo”.

  2. nakakahinayang…ganda sana pero naaabuso…

  3. sayang naman ang bukid, mistulang nakatiwawang na lupa.
    ito ang aking lahok
    happy thursday!

  4. Tuwing summer, that is a common scene in the bukirin. Kawawa talaga tingnan ang mga tuyo na bundok…at meron pa mga payat na baka grasing the brown grass.

    Perfect shot for the theme, T Julie!

  5. Parang Chocolate Hills lang kapag summer.

    Ang aking lahok sa LP ay naka-post DITO. Isang maulang Huwebes sa iyo, kapatid!

  6. Ang ganda nga ng kuha pero nalungkot ako sa kwento ninyo. Pero totoo naman diba. Matagal-tagal na rin akong di nakakakita ng berdeng bundok.

  7. Ganda ng contrast ng berde against the dry land – perfect composition! Galing!

  8. Palibhasa kasi, itong mga nangurakot ng pondong pang patubig, hindi direktang tinatamaan kapag may flash flood.

    Eto naman ang aking tuyong lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-tuyo-dry.html

  9. Pareho kami ni Jeanny, akala ko FT. Hehehe.

    Heto naman ang lahok ko

  10. nabanggit pa naman na may el nino daw ngayong taon. lalong titindi ang pagiging tuyo ng kabukiran nyan.

  11. sa walang pakundangang pagputol ng mga puno sa kabundukan, yan ang napapala natin. sobrang tagtuyot at katakot-takot na pagbaha. Mukha nga siya farm town :)

  12. nature ang dating, kaya lang di magandang tingnan ang mga napapabayaang kalikasan, nice shot

  13. i love the shot Miss J…and yeah it’s sooo sad na kalbo na ang mga mountains natin… tsk tsk tsk

    Happy LP!

    found the perfect photo na :D

  14. Nakakalungkot naman talagang makita ang kalagayan ng mga inabusong lupain at kabundukan…paano na kaya ang ang susunod na henerasyon?

  15. kakalungkot tingnan ang mga kalbo nating bundok at mga lupain na walang tanim. masipag man ang ating mga farmers kung wala naman puhunan, bitin ang irrigation, mas lalong bitin ang farm to market roads…hay!

  16. wow real life ‘farm town’ :) parang mas madali lang sa farm town at hindi nagddry. buti at tagulan na ngayon.

  17. Malungkot nga po ito.

    Good photo, btw. Happy LP! :-)

  18. Ang mga ganitong larawan ng tagtuyot ang nakakatakot pagmasdan kapag umuulan, prone kasi ang mga ganitong kalbong kagubatan sa pagguho. Naalala ko bigla ang Guinsaugon sa Leyte.

  19. kawawa ang ating mga likas na yaman, pero hindi naman tag tuyo lang ang kanilang kalaban eh, kundi ang mga tao na rin na hindi marunong mag-pahalaga sa kanila.

  20. FArm Town ba ito hehehehe?

    Great shot Ma’am J. :)

    Happy LP!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>