Salagubang
Sitsiritsit, alibangbang, salaginto’t salagubang…
Yan, yan ang kanta ng mga bata. Kinakanta iyan lalo na sa panahon na maraming mga salaginto at salagubang.
Sa totoo lang, nung bata ako, mas gusto ko ang tutubi kesa sa salaginto’t salagubang kasi natatakot ako sa mga ito.
Ngii! Isipin ko lang na gumagapang ito sa braso ko, talaga namang nakakapangilabot.
Minsan ako ay may nakitang salagubang at naisipang kunan ito ng larawan. Laking gulat ko nang makita ko ang aking nakunan. Talagang nakapangingilabot! (please click photo to see a bigger version)
At siyempre, hindi ako satisfied kaya ang ginawa ko, binaliktad ko ang kaawa-awang salagubang at ito naman ang aking nakunang larawan:
Aba, di ko sukat akalain mabuhok pala ang salagubang.
Hay, tindig balahibo!
Maligayang Huwebes po!
9 comments greenbucks | Environment, Interesting Topics, Litratong Pinoy, Photos


Ang tagal ko ng hindi nakakita nito. Lumilipad ito, di ba?
ewwwww. ayoko din nyan!!!!
Di ako takot diyan. Nilalagyan ko pa nga ng tali at paliliparin. Hahaha! Ganyan ang gawi naming magpipinsan sa probinsya noong araw kapag bakasyon!
Sinipag ako ngayong Hwebes kaya dalawa ang lahok ko. Sana’y mabisita mo pareho.
1. Spooky
2. Scary
nakakakiliti na nakakapanindig balahibo pag gumagapang ang salagubang sa iyong braso. Pero nun bata ako kahit ngayon, aliw pa rin ako sa salagubang. Hinuhuli namin ito at tinatalian ng sinulid at parang saranggola na aming pinapalipad
kawawang salagubang…
salamat sa pagdalaw.
alam mo ba na pagkain din ito sa ibang parte ng Pilipinas? yun ang nakakakilabot hehehe
Ewwww din. Pero mas takot ako sa ipis.
I was fresh out of college doing field work in a remote area in Isabela when I chanced upon a family preparing lunch. I cannot believe my eyes when I saw salagubang being stirred fry! They were cooking other stuff in their “kitchen” but the salagubang caught my attention and to this day I still remember it.
ekkkk tumayo balahibo ko sa batok pati na rin sa ilong!! he he
naku naalala ko tuloy na pinaglalaruan namin ito nung araw
nilalagay ko sa palad ko at tinatakluban para makatulog tapos gigisingin… pareho kami ni peachy, tinatali ng sinulid tapos pilit na pinapalipad hahahaha
kawawang salagubang talaga
hapi lp, julie!
Kinakain yan eh….masarap daw lasang chicken. Delicacy yan sa lugar na iyon. Nakalimutan ko kung anong province sya.