Litratong Pinoy: Proteksiyon
Proteksiyon.
Aaminin ko, iba ang naisip kong proteksiyon, ito ay ang laban dito pero dahil wala akong ganun, hindi ako makakakuha ng larawan nito, lol!
Tayong mga Pinoy, mapamahiin. Oo nga at naniniwala tayo sa Diyos pero sa kabilang banda, naniniwala din tayo sa mga pamahiin.
Nagdadasal sa Diyos. Naniniwala sa mga anghel at santo pero naniniwala sa mga kababalaghang sadyang hindi kasama sa turo at paniniwala ng simbahan at naghahanap ng proteksiyon laban sa mga ito.
Isang napakalaking kontradiksyon, hindi nga ba?
Anu-ano nga ba ang mga paniniwalang ito?
- ang pagsusuot ng mga medalya ng santo para proteksiyon sa masasamang espiritu
- ang paglalagay ng palaspas sa may pinto para maging proteksiyon sa mga masasamang espiritu
Napakarami pang samu’t saring proteksiyon laban sa mga enkanto at iba pang kababalaghan, meron ka bang maidadagdag pa?
19 comments greenbucks | Interesting Topics, Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Urban Living, family

ha ha ha,pareho tayo ng unang naisip,kaso baka i censor ako ni admin at hindi maging wholesome ang dating kapag iyon ang pinost ko lalo na kung may mga dalaga pa, lol!,anywho,
yeah..kilala tayong mga pinoy na isang madasaling bansa at naniniwala sa lahat ng bagay na pwedeng magbigay sa atin ng proteksyon.
Tama ka, di ba nga daming mga nagbebenta ng anting-anting at kung anu-ano pa.
Magandang araw ka-LP!
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html
naniniwala ako na ang Panginoon ang nagbibigay sa atin ng araw araw na proteksyon, magandang larawan, happy LP!
Maliit ba ito, T. Julie?
Wala akong masyadong alam na sa mga paniniwalang pangproteksyon..pero ang lola ko, yun! Sagrado katoliko kasi.
sa panahon ngayon dasal lang talaga ang pinakamabisang proteksyon
Ay, ang ganda ng kuha! Oo nga, diyan din ako nagtataka sa Pinoy pero kahit anupaman, nasa Diyos ang pinakamahusay na proteksyon.
Siguro po, dahil lang ito sa nakagisnan nang tradisyon.
Happy LP po.
nakakatawang isipin minsan na ang dami-daming nagbebenta ng mga bagay na maaring maging proteksyon natin sa pang araw-araw na gawin. hehehe sa quiapo nga madaming nagkalat. Pero kanya kanya naman tayo ng paniniwala kung sino at ano ang magbibigay sa atin ng proteksyon.
Happy LP
Hmmm… mukhang alam ko ang iniisip mo. Ako din kasi ganun, wala nga lang litrato, LOL!
Ako man maraming tradisyon ang sinasaway ko, kaya nakagagalitan ako ng aking ina. Sa akin kasi ang importante ay ang paniniwala at pagdadasal.
Noong una rin ganun isasali ko, kaso feeling wholesome ako sa LP so iba na lang :p. Maligayang araw ka-LP!
yun din ang una kong naisip na proteksyon, balak ko nga nun una eh kuhanan ng larawan ang mga billboards ng ganitong produkto kasi nakakatawa ang mga ads dito sa Dhaka. Kaso baka nga macensor:-)
madami ngang pamahiin na taliwas sa turo ng simbahan. Tulad ng “sukob”, napagalitan tuloy ako sa tito kong pari dahil hindi madamot ang Diyos sa kanyang biyaya.
ito naman ang akin proteksyon
magandang araw ng huwebes kaibigan!
Hi! ako ulit, nag sign ng waiver ang husband ko sa hospital kaya wala kaming proteksyon, sama mo naman name ko sa list mo sa LP, thanks a lot
ang grotto ba sa bahay kasama din sa pamahiin?:P
ako naman di lumaki sa mga medalya at palaspas, mga pamangkin ko rin, pero ayos naman.:P maraming Pinoy ang handang maniwala sa kahit ano basta mapapagaan lang ang kanilang buhay.
oo nga ano…sana malaman ang katotohanan na proteksyon! ito sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html
ang ganda!
Ang Panginoon nga ang ating pinaka-proteksyon sa lahat ng bagay at lahat ng oras! Tayo lang naman minsan ang nakakalimot na tumawag sa Kanya, di ba? Yung tiyahin ko sa Naga City ay deboto ng Virgen de Penafrancia, at natatandaan ko pa na kapag siya ay bumibisita sa amin, sangkatutak na scapular at prayer books na benditado ang dala niya. Hanggang ngayon nga ay nandito pa ang Cross Prayer na bigay niya sa akin
from condom to imahe ng santo? hi hi hi.
pero tama ka, meron talagang kaguluhan ang ating faith
eto naman ang aking proteksyon
hehehe….
wala na rin namang tatalo sa proteksyon na ito…kahit na ba minsan nagkukulang tayo, siya, namromroteksyon parin.
late po ako this week! http://www.yapatoots.com/2009/07/panlaban-kay-mr-sun-protection-from-mr.html
[...] Oh, by the way, I have written another kind of protection in this post here. [...]