Tawilis

Isang platitong tawilis

tawilis

Ito ay isang platito ng maliliit na isda na pilit na pagsasaluhan ng isang pamilyang hikahos sa buhay. Mabuti kung may ganitong pantawid gutom, ang iba kasi kuntento na sa noodles na lalagyan ng maraming tubig para masabaw.

Ganyan, ganyan kahirap ang buhay sa maraming mga Pilipino.

Hindi ko mawari kung bakit hindi gawan ng paraan ang napakalaking suliranin sa gutom. Ang mga pagkaing tulad ng talbos ng kamote, malunggay at iba pang dahon ay napakadaling patubuin at napakasustansiya. Mura pa kung ito ay bibilhin o kaya libre kung ito ay itatanim sa bakuran.

Sabagay, kung sa usaping numero o dami ng tao ang pag-uusapan, PANALO tayo sa bilis ng pagdami ng mga Pinoy na animo mga (huwag ko na nga lang ituloy ang sasabihin ko). Pero dahil dito TALO tayo sa kalidad ng pamumuhay.

Maiba ako, ilang toneladang tawilis kaya ang kayang bilhin ng $20,000 perang ipinambayad sa isang magarbong hapunan?

P.S. gusto ko ito kung me sukang me sili. Ikaw?

17 Responses to “Tawilis”

  1. lady cess on 27 Aug 2009 at 7:12 am

    gusto ko yan! penge! masarap sa fried rice!

  2. Willa on 27 Aug 2009 at 7:13 am

    Ewan ko ba at ang iba sa atin ay mas gusto pa ang bumili ng gulay kaysa sa magtanim at hindi din pwede na idahilan na walang pagtataniman,dahil kahit sa lata lang ng gatas eh tumutubo ang madaming klase ng gulay sa atin.

  3. Mauie on 27 Aug 2009 at 8:04 am

    Yun na nga eh, $20,000 na hapunan kayang kaya nang bumili ng buong palaisdaan ng tawilis di ba? Hay naku, nag-iinit nanaman ang ulo ko. Penge nga nyan para matanggal ang asar ko. Hahaha!

    Eto naman ang hapunan ko: http://www.the24hourmommy.com/2009/08/litratong-pinoy-hapunan-dinner.html

  4. CES on 27 Aug 2009 at 8:23 am

    we’re having steak tonight but i’d rather have tawilis for dinner!:( naghanap ako sa asian store a while ago..they sell something like this…sarado naaaaa!!!!:(

  5. emarene on 27 Aug 2009 at 9:48 am

    mapadami na naman kain ko ‘dyan! parang amoy ko hanggang dito, at salamat sa dalaw.

  6. yami on 27 Aug 2009 at 11:16 am

    Para sa akin lang isang paraan para matugunan ang gutom ng nakakaraming Pinoy ay ang pagbibigay sa kanila ng hanapbuhay.

    May point si Willa dapat talaga isulong ang programa o drum up ang backyard gardening or farming (tama ba?) kasi kahit anong oras pwede kang magharvest ng sariwang gulay na walang pesticide.

  7. luna miranda on 27 Aug 2009 at 12:11 pm

    may supplier ako dati na laging yan ang pasalubong sa akin pag galing s’ya sa Taal. ang sarap sa almusal with fried rice at kape.:P

    oo nga, kahit sa paso man lang sana magtanim ng gulay. malabong ma-resolve ang gutom dito sa atin. kasi ang ating mga leaders, mahilig mag-dinner ng mamahal—nakalimutan nila ang mga gutom dito.

  8. upto6only on 27 Aug 2009 at 1:03 pm

    hehehe kakakain ko lang ng tawilis ngayon tanghalian.

    happy LP

  9. yeye on 27 Aug 2009 at 2:47 pm

    yeah.perfect with suka na may sili. mmmmm ;p
    eto naman po ung akin :D

    Hapunan by the Bay :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

  10. Thess on 27 Aug 2009 at 3:11 pm

    Kahit pa ‘mabaho’ daw iprito ang ating mga dried goods like tuyo , dilis at tawilis..mas gusto ko yan keysa european food!

    gusto ko na sawsawan ay kamatis na may asin, siling labuyo at konting paminta…tapos magkakamay..ayayay!!

  11. iska on 27 Aug 2009 at 3:55 pm

    isda iyang walang tapon. dahil lahat dyan ay kinakain ko :-)
    mahilig kami dito lalo na sa lugar ng ina kong batanguena.

  12. Lynn on 27 Aug 2009 at 7:57 pm

    Ito ang laging kasama sa order namin sa Leslie’s sa Tagaytay. Ang sarap nga sa sukang may sili. Walang tinik or malambot ang tinik kaya no worries, subo lang ng subo. :)

  13. Gizelle on 27 Aug 2009 at 11:51 pm

    “I see the kids in the street
    With not enough to eat
    Who am I to be blind
    Pretending not to see their needs”

    -Man in the Mirror, Michael Jackson

    P.S. love ko din yan, sa kanin at me kasamang kape! ;)

  14. bertN on 28 Aug 2009 at 7:18 pm

    How is tawilis different from tuyo?

  15. fortuitous faery on 29 Aug 2009 at 2:08 pm

    masarap na ulam ito!

  16. greenbucks on 31 Aug 2009 at 7:49 am

    Not sure BertN but tawilis kasi comes from Taal though there have been reports of overfishing of the said specie.

  17. Lei on 08 Sep 2009 at 3:54 pm

    Masarap na parang sardinas na preserved sa olive oil. Nakita ko sa Tagaytay. Sana nagdala ako ng marami.

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment