Halika, Pasyal Tayo

Masarap maglakad habang namamasyal di ba? Lalo na kapag maaliwalas ang lugar, mahangin at tunay na nakaka-aliw.

sunday morning walk

Talaga namang hindi ka mapapagod, lalo na kapag kasama mo ang iyong mga mahal.

Pero hindi lahat ng paglalakad ay katulad nito.

Merong lakad na hindi man kaiga-igaya ang sitwasyon eh kailangang gawin lalo na kung walang alternatibo upang makapunta mula sa isang punto patungo sa ibang punto.

tanay

Hindi alintana ang panganib, sila ay sandaling napangiti nung sabihin kong kukunan ko sila ng larawan.

Sabagay, kung tutuusin, mukhang maayos naman ang kanilang nilalakaran, kumpara sa ibang batang ilang kilometro ang nilalakad makarating lamang sa kanilang paaralan. Ang iba nga kundi sira ang ang kanilang tsinelas, ay nakayapak pa.

17 Responses to “Halika, Pasyal Tayo”

  1. Mitch on 03 Sep 2009 at 12:30 am

    Sipag nilang maglakad, pamilya namin tamad maglakad puro kasi may arthritis hehe!

  2. Nortehanon on 03 Sep 2009 at 12:48 am

    Ang sarap naman, hindi pa ako nakarating sa Tanay pero dahil sa mga larawan mo dito ay parang nakarating na rin ako ;)

    Happy LP po!

  3. emarene on 03 Sep 2009 at 1:32 am

    napa ka relaxing naman ng lakad ninyo. Happy LP!

  4. an2nette on 03 Sep 2009 at 3:03 am

    Masarap talaga maglakad kasama ang mga mahal sa buhay, nice shot, happy LP

  5. luna miranda on 03 Sep 2009 at 3:05 am

    masarap talaga maglakad lalo na kung maganda ang tanawin, at di mainit.:P

  6. Gizelle on 03 Sep 2009 at 4:10 am

    saan ito teach ang galing ng mga puno parang painting. Mukhang presko ng hangin! Happy LP!

  7. upto6only on 03 Sep 2009 at 7:08 am

    wow hindi ba delikado yung nasa pangatlong larawan?

    sarap ng lakad nyo. happy LP

  8. Marites on 03 Sep 2009 at 8:49 am

    Oo nga, naaawa ako sa mga batang naglalakad ng kung ilang kilometro sa daan makapunta lang sa paaralan. Natatakot din ako sa kanila dahil mapanganib sa daan. Ang ganda ng kuha mo. maligayang LP!

  9. sassy mom on 03 Sep 2009 at 10:51 am

    ang paglalakad kasama ang mga mahal mo sa buhay ay talagang masaya… lalo’t magaganda ang tanawin. Happy LP!

  10. Mauie on 03 Sep 2009 at 11:15 am

    Diyan nga sa lugar na yan, marami rin kaming batang nakitang naglalakad sa gilid ng kalsada at may bitbit pang panggatong.

    Eto naman ang lakad namin nitong nakaraang long weekend: http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html

  11. Willa on 03 Sep 2009 at 11:55 am

    ako rin,kung maaari lang eh laging naglalakad,kaya ako ay nagpapasalamat at dito sa lugar namin, halos lahat eh pwedeng lakarin lang.

  12. yeye on 03 Sep 2009 at 12:00 pm

    hay. kaya pasalamat tayo may transportasyon ngayon :)

    pero ayus lang naman lumakad ng malayo…basta may kasamang kwentuhan :)

    eto naman po ung akin :D

    Lakad. Lakad :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

  13. Lynn on 03 Sep 2009 at 12:46 pm

    Ang ganda ng effect sa mga halaman. Ang lambot tingnan. At si ate ba ‘yan? Dalaga na talaga.

  14. Cookie on 03 Sep 2009 at 1:57 pm

    ang ganda talaga dyan sa tanay…gusto ko na talagang pumunta dyan :)

  15. Thess on 03 Sep 2009 at 3:46 pm

    Ang ganda ng 1st shot…napaka striking nung green background. Yung 2nd medyo nga nakakatakot ah!

  16. iris on 03 Sep 2009 at 5:20 pm

    naku yan ang pinaka ayaw ko, mapa-driver man ako o pedestrian. delikado kasi, lalo sa mga bata..

  17. Chairman Vanidosa on 04 Sep 2009 at 12:49 am

    Masarap talagang maglakad lakad sa maganda at maaliwalas na lugar….very relaxing.

    Heto naman ang isang KONTROBERSYAL NA LAKAD
    http://vanidosa.blogspot.com/

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment