Mindanao Avenue

Maluwag, pwera kung sobrang trapik at maraming sasakyan lalo kapag weekend ( o kaya kapag may sale sa TriNoma o SM North EDSA). Maaliwalas dahil sa mga puno. Madaling makasakay o accessible. Yan ang Mindanao Avenue.

Ito ay kuha mula sa isang parte ng TriNoma. Madalas ito ang aming binabaybay papunta sa ilang piling lugar at ito rin ang kalsada pauwi sa aming tahanan.

Mindanao Avenue

Ito ay kalsada para sa mga sasakyan at mga tao.

Para sa akin, ang kalsada ay para sa mga tao at sasakyan kaya ako ay nagulat sa aking nasaksihang ito minsan sa aking paglalakad:

walking birds

Isa ito sa series ng mga larawang kinunan ko ng mga ibong naglalakad na nakapila kahit maluwag ang lugar. Animo paparazzi, sila ay sinundan  ko ng mga ilang metro din, sa kalagitnaan ng init ng araw.

Kakatuwa sila. Sana ganyan din ang mga tao sa kalsada, hindi nag-uunahan kundi nakapila. Hindi naggi-gitgitan kundi nagbibigayan. Ang saya sana ano?

Asa pa, lol!

17 Responses to “Mindanao Avenue”

  1. emarene on 10 Sep 2009 at 12:33 am

    Sa una mong litrato ay parang wala sa Manila. Traffic kasi ang palagi kong na imagine pag sinabing Manila. At may ligaw na ibon pa. Happy LP!

  2. CES on 10 Sep 2009 at 12:40 am

    parang nanibago ako…pero im sure yan ung mcd sa kanto! hehe! salamat at nasulyapan kong muli ang kassadang ito na madalas ko ring baybayin noon:)

  3. jeanny on 10 Sep 2009 at 12:41 am

    Sana ganyan hindi traffic mas masarap magbyahe :)

    Happy LP Julz

  4. yeye on 10 Sep 2009 at 1:11 am

    naranasan ko na mastuck sa trapik jan mismo sa daan na yan.isang oras ata kami nastuck??grabe..kasi uwian na nun eh tas magpapasko pa.grabehan sa trapik

    eto naman po ung akin :D

    Lansangan :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

  5. an2nette on 10 Sep 2009 at 2:15 am

    medyo maluwag ang road diyan sa mindanao avenue pero pagdating ng EDSA ayan na ang traffic, nice post and hapi LP

  6. Sassy Mom on 10 Sep 2009 at 5:51 am

    Madalas kung daanan iyan tuwing weekend at madalas umiinit ang ulo ng asawa ko dahil sa trapik (hehehe).

    Heto naman ang aking lahok

  7. lady cess on 10 Sep 2009 at 6:37 am

    uy, wala pang trapik, wala ring gitgitan. sana nga laging ganyan :)

  8. Willa on 10 Sep 2009 at 6:52 am

    Mukhang walang Sale sa SM ng araw na kinunan mo iyan,kaya siguro mukhang maluwag ang traffic.

  9. Linnor on 10 Sep 2009 at 7:17 am

    nakakapanibago kapag di trapik ang kalye sa manila :)

  10. Rico on 10 Sep 2009 at 8:33 am

    Maganda rin ang Maynila kung hindi masyadong trapik, kaso lang parang pansin pa rin na medyo polluted na ang hangin.
    Magandang araw sa iyo ka-LP!

  11. Cookie on 10 Sep 2009 at 9:01 am

    buti na lang malapit tayo dyan kaya kahit trapik pwedeng pwede pa rin nating puntahan kung may sale..LOL :D

  12. luna miranda on 10 Sep 2009 at 10:31 am

    kapag hindi mabagal at masikip ang traffic, masarap magmaneho. kakatuwa naman, marami ka palang kapitbahay na ibon.:P

  13. pehpot on 10 Sep 2009 at 11:36 am

    sa angulong iyan ang gandang tingnan ng Mindana Ave pero pag nasa baba ka at kasalukuyang nakikisiksik sa trapiko.. naku ewan hehe

    Eto naman ang lansangan ko

  14. Marites on 10 Sep 2009 at 12:03 pm

    anong klaseng ibon ba sila? ganun din siguro ang gagawin ko, mag-ala paparazzi sa knila:) maligayang LP!

  15. alpha on 10 Sep 2009 at 12:13 pm

    ako ay taga-south at madalang makarating dyan sa lugar na yan. buti nakuhanan mo ng pic ang ibon at di lumipad.

  16. Dinah on 10 Sep 2009 at 4:01 pm

    buti pa ang ibon, payapa pag nasa lansangan. ang mga driver naman natin, nakupo!

    heto naman ang aking lansangan


  17. [...] Una: pasaway talaga at akalang walang makakakita sa kanya sa likod ng karatula. Mali, nahuli siya ng aking kamera na kumuha din ng larawan ng Mindanao Avenue. [...]

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment