Sagot Sa Kagutuman

litratongpinoy

Tamad daw ang karamihan sa mga Pilipino. Maaaring totoo, maaari din namang hindi para sa ilan.

Isa ang labis na kahirapan sa problemang kinakaharap ng bansa. Hindi ko na lang hihimayin ang mga dahilan dahil baka abutin ako ng gabi di pa ako tapos magsulat dito.

Dala ng problemang ito ang isa pang problema: kagutuman.

Pero ang kasabihan natin, kung gusto magagawan ng paraan.

Anu-ano nga ba ang mga paraan na puwede maging sagot upang maibsan ang kagutuman?

Ang pagtatanim sa bakuran.

Walang espasyong lupa? Maging malikhain at gumamit ng ibang paraan kagaya nito:

pechay

Medyo mukhang ginutom din ang aking pechay dito at tila bagang ako naman ang tinamad magdilig :D

Pero hindi ba mas mainam ang ganito, magtanim sa bakuran dahil isa ito sa sagot sa gutom, huwag lang tatamaring gumawa ng paraan para sa kasagutan nito.

At isa pa, nagamit muli ang dapat ay itinapon nang mga lalagyan ng inumin.

Huwag na pong tanungin bakit marami kaming mga ganyang lalagyan ng inumin, alam nyo na yun, hehehe.

Magandang araw ng Huwebes :)

10 Responses to “Sagot Sa Kagutuman”

  1. lady cess on 08 Oct 2009 at 7:12 am

    baka rin kelangan mo na ilipat sa mas malaking paso – o mas malaking plastic cup, hehehe!

  2. karmi on 08 Oct 2009 at 7:34 am

    alam na kung saan kayo pumupunta para kumain ate. hehehe.

  3. Ebie on 08 Oct 2009 at 8:42 am

    Tama ka Teacher J. think green, save the earth. mamamatay yan pag uhaw na sa tubig. hehehe, Happy LP.

  4. fortuitous faery on 08 Oct 2009 at 10:59 am

    magaling na pagmaximize ng space at pagrecycle!

  5. an2nette on 08 Oct 2009 at 1:25 pm

    korek ka jan teacher julie, kung gusto talagang di magutom maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan isa na ron ang katamaran, hapi LP

  6. Marites on 08 Oct 2009 at 1:33 pm

    ganyan din ang nanay ko, mahilig magtanim ng mga gulay sa mga maliliit na lalagyan kasi nga walang espasyo. Basta lang magsisipag, talagang makakakain.

  7. Sassy Mom on 08 Oct 2009 at 1:49 pm

    Naiyak naman ako bigla at naalala ko ang mga tanim kong pechay na kinalkal ng mga lagalag na pusa dito sa amin.

    But nice take for the theme, Juls!

  8. bertN on 08 Oct 2009 at 8:32 pm

    Hindi ako naniniwala na tamad ang karamihan sa Pinoy dahil iyan ang nakikita nating madalas sa Pinas. Matagal na ako sa ibang bansa at halos lahat ng Pinoy na alam ko ay masipag magtrabaho, double or triple jobs pa nga ang iba. I think it is a matter of opportunity and incentive, both are lacking for them in Pinas

  9. jay -agent112778 on 10 Oct 2009 at 2:27 am

    ay korek ka jan ate

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  10. Gizelle on 11 Oct 2009 at 1:29 am

    Nung bata ako marami kaming tanim na gulay sa bakuran…ngayon halaman na lang :D

    Ganyan din gawain ko teach, kasi wala talaga kaming lupa na pagtataniman, sa paso lang :D

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment