Remote Control Car

litratongpinoy

Hiling. Wish. Isinulat niya noong isang linggo: “I wish my father will give me a remote control car this Christmas.” Isinulat yan ni Kuya, ang aming unico hijo na mag-first Communion bukas, December 11,2009.

Julian reading

Bihira siyang humiling. Bihira silang humiling. Marahil nasanay sila na hindi humihingi kung hindi naman kailangan talaga.

Ang mga anak ko, kapag pupunta kami sa mall upang may bilhing kailangang gamit o kaya upang kumain, uuwi na walang bitbit na toy, kuntento na sa pahawak-hawak, patingin-tingin.

Alam ko gusto nila, mga bata kasi. Kaya lang kapag sasanayin na lang ibibigay palagi ang hiling, baka hindi maganda ang resulta sakaling hindi na maibigay ang hiling nila.

Sana ganun din ang iba.

Noong pagpasok ng taong ito, mayroon kaming wish candles. Naging isang humbling experience sa aming mag-asawa ang hiling ng aming anak na lalaki. Sa mga kandilang sumimbolo ng iba’t ibang kahilingan, siya ay humiling ng color blue kasi daw:

“I like blue because it means PEACE so that everyone is happy and no one is fighting each other. Its LOVE (pertaining to the candle that burned the fastest) because the first candle that melted was pink. Its love for us.”

9 Responses to “Remote Control Car”

  1. Ebie on 10 Dec 2009 at 10:01 am

    Teaacahaer J, ang bait naman ng mga anak mo, hanggang tingin lang at hawak. Sana matupad nag hiniling sa unio hijo mo…

    Happy LP!

  2. upto6only on 10 Dec 2009 at 11:31 am

    wow proad na proad ka siguro sa anak. bihira sa mga bata ang hindi humihiling pag nag mall.

    advance merry xmas.

    Happy LP

  3. Luna Miranda on 10 Dec 2009 at 12:01 pm

    sa tingin ko din, mas OK na hindi pinagbibigyan lahat ng hiling ng mga bata. at kung ano man ang matatanggap nila, bibigyan nila ng value. you and your husband must be so proud.

  4. Marites on 10 Dec 2009 at 1:09 pm

    oo nga, maganday rin iyong hindi masyado spoiled ang bata. ambait naman ng mga anak mo :)

  5. bang on 10 Dec 2009 at 5:16 pm

    Ang bait naman ng mga anak mo! Sana lahat ng wishes mo ay matupad Julie!


  6. [...] about Christmas wishes made me think about what I really want this Christmas and [...]

  7. Mirage on 11 Dec 2009 at 5:19 pm

    Sabi nga ng bibliya; let your no be no and your yes be yes…ehehe. Mababait ang mga anak mo…patuloy lang teach… ;)

  8. Iris on 11 Dec 2009 at 7:13 pm

    aww. you taught him well, julie. don’t worry about granting his wishes sometimes. i think, he knows better =)

    i also like your shot. have a great weekend!

  9. Jay - Agent112778 on 12 Dec 2009 at 1:06 am

    ako rin gusto ko ng remote control car na may GI joe

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment