Paskong Pinoy
![]()
Winter Cafe, sa loob nga lang ng mall.
Ang snow? Peke.
Ang Winter Inn? Hindi pwede pasukin.
Ganyan talaga ang mga Pinoy, mahilig sa scenery na hango sa ibang bansa: snow, Santa, pine trees, sled at kung anu-ano pa. Understandable naman dahil wala ang mga ito dito.
Pero sa isang banda, hindi naman masama ang ating parol, Misa de gallo, puto bumbong at Panunuluyan.
Paulit-ulit nating naririnig at nakikita, masaya talaga ang Paskong Pinoy dahil pagpatak ng -ber months, umpisa na ng paghahanda para sa araw ng Pasko.
Katulad ng mga nagdaang taon, ang obserbasyon ay pahirap ng pahirap ang buhay at iyon ay narireflect sa pagdiriwang ng Pasko: mas konting pailaw, konting regalo, konting handa, konting “bago” na gamit at maabilidad na pagtitipid.
Pero kung tutuusin, secondary naman lahat ito, hindi ba? Dapat ang pokus natin ay ang kapanganakan ni Hesus na ating tagapagligtas.
Sabi nga ng isang kanta ng APO, “Kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari, sapat nang si Hesus ang kasama mo, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko”
7 comments greenbucks | Litratong Pinoy, Philippines, Photos, Urban Living, family, thoughts

Ganon naman yata talaga, kung ano yung wala, iyon ang mas gustong gusto natin, tulad ng 2 kong anak, lalo na si Patrick, sobrang na enjoy nya ang pangangaroling noong nagpasko kami sa ‘pinas, kahit na wala pang limang piso ang kinita nya,pero ang kasiyahan nya sa mukha eh parang kumita sya ng limang milyon.
Wala nang kokorek pa sa lahat ng iyong mga sinulat. Ramdam ko talaga na mas tipid ngayong taon.
Sana’y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.the24hourmommy.com/2009/12/litratong-pinoy-paskong-pinoy.html
bigla ko naalala, sabi ng anak ko wala daw syang pamasko ngayong taong ito
Noong isang taon pala yung background nya e paskong pinoy talaga, kubo at parol, sa Robinson Mall yata yun kinuha.
Korek, Teacher J. Ganoon din ako noon, pa dreaming of a white xmas, hehehe!
Gusto ko sanang umuwi sa Pasko, pero mahal ang panasahe.
korek ka jan. ako, mas gusto ko ang tema ng Paskong Pinoy kesa iyong mga niyebe epek na yan:) maligayang LP!
oo nga naman, kung anong wala tayo, yun ang dinedecorate. mas gusto ko nga kung pano tayo magcelebrate, mas magarbo =)
Tumpak, Teacher Julie!
Agree ako sa iyong mga sinabi – as always… Advanced Merry Christmas sa iyo at Happy LP!