Coco Jam and Peanut Butter

litratongpinoy

Matagal-tagal ko ding hinanap ito kaya laking tuwa ko nung matagpuan ko at matikmang muli: coco jam. Sa totoo lang, noong ako ay batang paslit, ayoko nito kasi mabaho, lalo na yung kending makunat na nakabalot sa puting papel, Yuck talaga! Amoy langis ng niyog.

Sige na nga, heto na ang paboritong almusal namin: tinapay na may manipis na palamang coco jam at/o peanut butter. Kelangan yung me buo-buong mani at mamantikang peanut butter ha (argh!)

Coco Jam, Peanut Butter and Bread for Breakfast

Bakit nga ba manipis? Kasi matamis ang coco jam at dapat manipis lang para di magsawa agad.

Siyempre di pwedeng walang kape.

Ayan, kumpleto na ang araw naming mag-asawa :)   Tsalap!

Coco jam, peanut butter and wheat bread are all from Pan de Manila. No, this is not a paid ad though a big white paper bag full of pandesal is very much welcome, lol.

9 Responses to “Coco Jam and Peanut Butter”

  1. Thess on 14 Jan 2010 at 1:29 am

    latik ang tawag ng lolo ko sa coco jam, Julie naman, bigla tuloy akong natakam!! hayyy , ikain mo ako ;)

    Happy LP!

  2. Willa on 14 Jan 2010 at 6:22 am

    coco jam at peanut butter, bago sa pandinig ko, dapat nga manipis lang ang lagay sa tinapay para hindi masyado matamis. :)

  3. Joy on 14 Jan 2010 at 7:24 am

    Hindi naman pinagsasabay ang coco jam at peanut butter kaya? Di ko maimagine ang lasa kung ganun.

    Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-manipis-thin.html
    Magandang araw!

  4. Iris on 14 Jan 2010 at 7:57 am

    wow, favorite ko rin yan! nagugutom na tuloy ako. breakfast na eh =)

  5. Dinah on 14 Jan 2010 at 9:18 am

    wow, favorite ko yang cocojam. at peanutbutter. at kahit na anong matamis na palaman :-) at lalo na ang kondensada. sa mainit na pandesal at kape! panalo!

    pero ayoko ng manipis na palaman, gusto ko yung makapal, na tumutulo pa sa side. he he.

    heto naman ang aking lahok: manipis

  6. upto6only on 14 Jan 2010 at 9:18 am

    sarap sa agahan nga yan. tama lang na manipis ang pahid para makadami pa ng kain hehehe.

    happy LP

  7. Marites on 14 Jan 2010 at 9:49 am

    huwaw! ang sarap naman niyan. nagutom tuloy ako:) maligayang LP!

  8. Ebie on 14 Jan 2010 at 11:36 am

    Wow, miss na miss ko na ang coco jam. Tsalap talaga!

  9. Luna Miranda on 14 Jan 2010 at 12:23 pm

    hehehe sana nga padalhan ka ng Pan de Manila.:p favorite ko rin ang peanut butter pero creamy naman type ko, walang chunky peanuts. masarap din pala ang coco jam sa Pan de Manila, di masyadong matamis.:p

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment