Backyard Gardening Ulit

litratongpinoy

Balak ko simulan muli ang aking nasirang backyard garden.

rusty trowel

Bakit ika nyo? kasi naghihinayang ako bumili ng tanglad (lemongrass) tuwing magluluto kami ng tinola at tahong na may sabaw. Pati na ring tuwing iinum kami ng pinakuluang tubig na may dahon nito, tipong tsaa, lalagyan na lang ng honey at mint leaves (may tanim din ako nito pero namatay din) para manamis-namis.

Ang basil na mabango ihalo sa ulam at masarap din sa pasta, wala na.

Miss ko na din ang aking mga okra at ampalaya.

Kelan kaya magkakatotoo ang balak ko na ito? Sana malapit na, kahit na tagtuyo pa naman o El Nino ang darating na summer.

11 Responses to “Backyard Gardening Ulit”

  1. Sassy Mom on 28 Jan 2010 at 8:30 am

    Hay, saka na ako magbabalak ulit nyan pag may sarili na akong bahay….

  2. Willa on 28 Jan 2010 at 9:42 am

    Sayang naman ang garden mo, sige good luck sa plano mo, ok na ok yan kasi bukod sa may fresh veggies ka na, makakatipid pa sa gastusin.

  3. Marites on 28 Jan 2010 at 9:52 am

    napakagandang plano yan..lalo na’t lalong nagmamahal ang mga bilihin ngayon. maligayang LP!

  4. Luna Miranda on 28 Jan 2010 at 10:11 am

    naku, tanglad—ito ang kinukulit ng nanay ko. kailangan ko daw balikan ang paso nya ng tanglad sa old apartment. sana nga makuha ko na this weekend.:p

    gusto ko rin sana magtanin ng basil at iba pang herbs na laging ginagamit kaso wala akong backyard.:(

  5. Arlene on 28 Jan 2010 at 12:06 pm

    ay goodluck to that, Te Julie! Satisfying ang feeling when your garden grows na. :)

    Happy LP day!

  6. Ebie on 28 Jan 2010 at 1:11 pm

    Gusto ko rin ang basil. Sana matupad ang mga balak mo (hehehehe, sisipagin kaya?)

    P.S. Hindi pa namin narating ang Death Valley, yun sana ang balak namin noong Christmas holidays. Maraming magandang tanawin dito, kung lang sa tiempo at $$$.

  7. Mirage on 28 Jan 2010 at 3:05 pm

    Lam mo ba teach hindi ko kilala ang hitsura ng tanglad :D kilala ko sha na hiwahiwa na o kaya ay powder lol. masarap din yan sa manok, secret ng andok’s! ;) MAsarap talaga pag me backyard n maraming tanim! Happy LP!

  8. Thess on 28 Jan 2010 at 3:50 pm

    Sana nga matuloy na…yan ang gustong gusto ko sana sa likod bahay kaso hindi pwede sa weather namin :(

  9. Janette Toral on 30 Jan 2010 at 11:28 am

    Maybe we need a gardening eyeball where we can buy these stuff and be taught how to best take care of them. Gusto ko rin niyan.

  10. ces on 31 Jan 2010 at 2:33 am

    matagal tagal ko na ring balak yan TJ, hanggang balak nalang hahaha! now i want tinowla!:)


  11. [...] have talked about wanting to go back to backyard gardening here. This has been fueled more when we recently went on a field trip to a nearby ecology center and the [...]

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment