Mahusay Nga Ba ang Pinoy?
![]()
Ang Pinoy ay mahusay, walang kaduda-duda dun.
Heto nga o, bag na gawa sa newspaper. Ganda no? Panalo ang bonggang Vigan street scene na painting. Isa lamang iyan sa napakaraming angking kahusayan ng mga Pilipino.
Sa isang banda, mahusay din ang Pinoy sa mga kalokohan.
San ka pa, kapwa Pilipino lolokohin, o kaya mga kasambahay binubugbog, ang ibang magagandang lugar ay sinusulatan ng kung anu-ano o kaya dinudumihan.
Sabagay, sa bilis ng pagdami natin, talagang hindi mapipigilan ang pagsulpot ng mga pasaway, na bata pa lang eh kita mo na na parang tila ba walang patutunguhan ang buhay. Madalas, ibang tao ang tutulong sa kanila at hindi ang pamilya nila.
Kulang na nga lang ibenta ang bansa natin sa mga Koreanong banyagang nagsusulputan na parang kabute sa dami at parang paputok sa ingay.
Ikaw, proud ka ba na maging Pinoy?
16 comments greenbucks | For Information, Interesting Topics, Litratong Pinoy, Me, Philippines, Photos, Visualizations, social consciousness, thoughts

Arigatou Sensei! (as in literal teacher!) hehe.
Ang galing ng post mo, ironic pero straight sa cherry! Two edged sword ang kahusayan ng pinoy weeeh!
Sa totoo lang, sa dami ng masamang nangyayari sa ating bayan, napapaisip tuloy ako kung proud pa nga ba akong maging Pinoy…
I am proud to be a Pinoy, too! Ang bag na yan Teacher J, very creative at maganda, para na ring save the earth at mag recycle.
Hahaha… ayan na naman ang frustration mo TJ.
you really cant have it all no? pero let’s not dwell on the negative things of our race but on the positive na lang and pray na mabago ang mga pangit.
Mahuhusay talaga tayong mga pinoy sa maraming bagay, kaso ang ibang tao, ginagamit ito sa hindi mabuting paraan.
ganda nga ng bag na yan – maipagmalaki! ang hindi maipagmalaki yung mga lokong kababayan
nakakatuwa! ang galing naman. di lang creative ang painting, pati ang canvas niya pa!
proud Pinoy pa rin ako…di talaga perfect ang buhay dito sa atin, pero saan ba ang perfect? kahit sa mga pinakamayamang bansa, marami din pasaway. ang kulang nga yata sa atin ay national pride.
wow! ang ganda naman ng bag na yun! Pano pag nabasa
Really proud Pinoy ako… Kahit may darker sides ang pinoy, lamang pa rin ang kagandahan ng puso.Maligayang Huwebes Julie!
sadyang likas ang husay ng pinoy sa paglikha. syang nga lamang at ang iba ay hindi marunong magpahalaga
eto naman ang Husay ng aking anak.
I’m with Ronnie there.
I was ashamed to be known as Pinoy before dahil na rin sa ibang naturan mo TJ, pero nang tumira ako sa bansang Holland sus! taas ko bandera natin dito.
yay to PinoyS! galing!
Gnada naman nito..
bilib ako julie! galing! if you didn’t say it, di ko maiisip gawa sa dyaryo yun. proud ako to be Pinoy, basta wag lang ako tatanungin tungkol sa mga corrupt at mapagsamantala sa gobyerno. kasi sila talagang ikinahihiya ko.
[...] nga ba yung mga lumang dyaryo ay naging bag? Heto naman, mga plastik na bote ng inumin, ginawang taniman (nga lang walang tanim ang nakuhanan [...]