Kung tayo ay maging likas na masipag lamang, madali lang naman magpatubo ng mga halamang mapagkukunan ng pagkain.
Katulad nitong aking tanim na ampalaya:
Madali lang naman pala makapagpatubo, di na kelangan ng mga cheche-bureche, basta me kapiranggot na lupa at gagapangan, tsaka konting dilig, ayos na.
Yun nga lang, di ko maintindihan bakit nahinog agad ang mga iyan, naging orange 😀
Siguro dapat di ko na pinatagal at nagharvest agad ako. Ang naging problema ko lang dito, gumapang ng mataas at hindi na maabot.
Nagsimula na naman kong muli magtanim. Wala pa ulit ampalaya, mukhang kelangan ko ng “cage” para dun at nang hindi ito ulit gumapang ng napakataas sa bakod namin 😀
Pingback: Plants Love the Rains | GreenBucks