Kung Likas na Masipag

Kung tayo ay maging likas na masipag lamang, madali lang naman magpatubo ng mga halamang mapagkukunan ng pagkain.

Katulad nitong aking tanim na ampalaya:

ampalaya

Madali lang naman pala makapagpatubo, di na kelangan ng mga cheche-bureche, basta me kapiranggot na lupa at gagapangan, tsaka konting dilig, ayos na.

Yun nga lang, di ko maintindihan bakit nahinog agad ang mga iyan, naging orange :D

Siguro dapat di ko na pinatagal at nagharvest agad ako. Ang naging problema ko lang dito, gumapang ng mataas at hindi na maabot.

Nagsimula na naman kong muli magtanim. Wala pa ulit ampalaya, mukhang kelangan ko ng “cage” para dun at nang hindi ito ulit gumapang ng napakataas sa bakod namin :D

13 Responses to “Kung Likas na Masipag”

  1. emarene on 11 Mar 2010 at 8:43 am

    sarap nyan gisahin with hipon. Hhhmmm…

  2. Ebie on 11 Mar 2010 at 10:00 am

    Hi Teacher J, ang dami mong tanim na gulay, kahit na yung nasa lata! Hehehe, paborito ko ang ampalayang guinisa may hipon at itlog!

    P,S. Oo natanggap ko ang email sa FB, wala lang time mag comment, si Zee na lang ang pina comment ko. Babalik kami sa first week of April, dala na ang telescope na pang b-day gift ko sa kanya. Maganda ang sky watch sa desierto. Padalhan kita uli ng postcards. Si Arlene din natanggap din niya ang postcards at stamps.

  3. Arlene on 11 Mar 2010 at 1:08 pm

    they turned orange, T Juls? Tama ka siguro medyo natagalan ka mag harvest. Harvest them while they are crispy green. Ma feel mo yon sa balat kasi parang juicy ang skin when u try to prick it with your nails.

    Happy LP Day!

  4. Willa on 11 Mar 2010 at 1:20 pm

    Iyan nga ang kadalasang sinasabi sa atin ng mga matatanda, na sa Pilipinas, hindi ka magugutom,basta magsisipag ka lang. :)

  5. Sassy Mom on 11 Mar 2010 at 2:45 pm

    Naku, kung mayroon lamang ang bakuran ay siguro panay gulay din ang tanim ko. Galing mo talaga juls!

  6. Thess on 11 Mar 2010 at 4:39 pm

    Ay oo nga TJ, huwag mo patagalin…may tanim din tatay ko nyan, kapag almost a foot long na, pinipitas na nya. Or depende kasi sa puno, iba-iba ang sizes ma binibigay na bunga.
    Sarap nyan igisa o kaya stuffed with ground beef sa soup..yumm!

    Happy LP!

  7. Mirage on 11 Mar 2010 at 5:36 pm

    kakainggit naman teach, green and blue! kami ay gray lol. totoo naman, sipag at tiyaga=nilaga! (tamang tama ulam namin ngayon! ;)

  8. bertN on 12 Mar 2010 at 11:45 am

    What does “cheche-bureche” mean?

  9. greenbucks on 12 Mar 2010 at 11:47 am

    term for “kaartehan” in short, no frills, very easy :)

  10. annk on 12 Mar 2010 at 2:36 pm

    julie, san ka kumukuha ng mga gulay na tinatanim? kami malunggay lang meron!

  11. 2nette on 12 Mar 2010 at 7:15 pm

    korek ka diyan, kapag masipag ang tao hindi magugutom, may green thumb ka pala, minsan kasi makikita mo green ang ampalaya pero sa loob pala hinog na

  12. greenbucks on 17 Mar 2010 at 6:43 am

    bumili ako ng seed packets sa flower shop (sa mega). try mo sa hardware store o kaya buy baby plants sa Manila Seedling :)

  13. annk on 18 Mar 2010 at 4:07 pm

    hindi ba sila masyadong mahal bilin? hahaha umiiral kakuriputan ko!

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment