Magic Tree House Series

Ito ang aking unico hijo, nagbabasa ng isa sa mga aklat ng Magic Tree House series. Gustung-gusto niya ang mga aklat na ito at katunayan, isang araw niya lang binabasa ang isang aklat. Me konting problema nga lang, dahil mahilig siya sa numero, gusto niya dapat sunud-sunod ang mga book na babasahin niya 😉

Magic Tree House

Meron ding siyang ilang series na kinahiligan kagaya ng Geronimo Stilton at Top Gear (hehe, iba na to) na dapat sunud-sunod din ang pagbasa at pagpanood sa season.

Ang mga numero tungkol sa Formula One: standing, scores, speed, haba ng race tracks, at number of turns nito  (dinikta niya itong mga ito) ay kanyang gino-Google. Dati ang hilig niya ay size ng smallest at biggest countries at mga population nito 😀

Numero, bow. Yan ang hilig ng anak kong lalaki.

9 Responses to Magic Tree House Series

  1. love the photo. Magaling ang anak mo. Ako I hate math!

  2. Aba yan ang dapat suportahan, maraming boys sa ngayon nakahiligan ang games sa computer violence pa. Kaya saludo ako sa anak mo, high 5!!

    LP~Numero

  3. Hilig ko din ang numero..lalo na kapag madami ang issue ni sheriff he he

    ka-galing naman ng hilig ng anak mo TJ! ayos!

  4. Hilig din ng anak ko ang Magic Tree House!

    Magandang araw ka-LP! Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/05/lp-bilang-numbers.html

  5. naniniwala ako na ang mga taong magaling sa numero ay tunay na matatalino. logical thinkers sila. ang galing ng hilig ng anak mo. never akong nailig sa numero except sa pagsilip sa balance ko sa bangko (lol).

  6. siguradong matalino ang anak mo. kakatuwa ang ganyan at interesado siya sa mga ganyang bagay. maligayangLP!

  7. Ako rin ganon… dapat number 1 muna, then 2… ang ganda ng mood ng litratong ito, teacher.

    Nakapost ang aking LP DITO. Happy Huwebes sa iyo, ka-LP!

  8. Teacher, J pareho pala kaming hilig ng unico hijo mo, fun with numbers.

    Bow talaga ako!

  9. Paborito din ng anak ko yang Geronimo Stilton na yan 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *