Modernong Pagtuturo

Reading comprehension drills ang isa sa mga pinaka-importanteng objective ko sa aking pagtuturo. Hindi lang libro ang binabasa namin ng mga estudyante ko, pati mga print ads, newspaper articles at kung anu-ano (pang maisipan ko) pa. May mga pagkakataong gumagamit ako ng teknolohiya sa aking pagtuturo, tulad ng larawan sa ibaba:

reading comprehension

Ok ang teknolohiya sa pagtuturo, kung minsan nanonood kami ng short films sa YouTube tapos ina-analyze namin o kaya naman, naglalaro kami ng online games kasi interactive at talaga namang maraming matututunan ang mga bata.

Pero siyempre, iba din ang mayroong binubuklat na aklat di ba? O kaya kinukulayang larawan gamit ang krayons, hindi ang paintbrush na ginagalaw sa pamamagitan lang ng mouse.

Meron na din palang paraan para mahanap ang nawawalang latop o kaya naman para sa mga natatakot mawala ang mga laptop, pakibasa na lang dito.

Isa pang dapat malaman lalo na ng mga bata ay ang security pagdating sa teknolohiya pero siyempre, hindi ko na tatalakayin yun :)

Happy Huwebes at oo nga pala, Mabuhay ang ating bagong Pangulong NoyNoy! :)

3 Responses to “Modernong Pagtuturo”

  1. Willa on 01 Jul 2010 at 7:13 am

    Hindi lang naman talaga dapat sa libro i depend ang pagbabasa, yung anak kong kinder,minsan pinagdala sila ng label ng mga kung ano anong nakikita nila sa loob ng bahay or kahit mga larawan sa magazin at iyon ang binasa nila sa school.

  2. ShutterHappyJenn on 01 Jul 2010 at 9:35 am

    Mas effective talaga ang pagtuturo kung may interaction ang teacher sa estudyante, at kung ginagamitan ng ibang gimik gaya ng mga Audio-visual presentations.

    Ang aking LP ay nakapost DITO. Happy Huwebes!

  3. bang on 01 Jul 2010 at 2:12 pm

    Iba na talaga ngayon Teacher Julie! :)
    May mga advantages and disadvantages din. :)

    eto naman ang sa akin: http://sweetbitesbybang.com/2010/07/lp-teknolohiya/

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment