Tahimik

Tahimik

Tahimik na pamumuhay,

aking inaasam.

Walang kaguluhan, gutom at giyera,

nguni’t sa mga pangyayari, imposible nga ba?

Doon sa kakahuyan, tahimik at payapa

sa umaga maririnig ang huni ang ibon,

sa araw naglalaro ang mga paru-paro,

at sa gabi naman, mahimbing ang tulog.

Gugustuhin ko ba ang ganitong buhay?

Bakit hindi, kung ako ay magiging masaya

Walang maingay, mabaho at magulo,

basta kasama ang pamilya at

may internet ako.

Bow.

Larawan ay kuha ni Lucky Charms, ang aking panganay na anak.

7 Responses to Tahimik

  1. haha. internet ang kicker dun eh =)

  2. isa pa sa mga lugar na gusto kong may wi-fi

    eto ang aking LP entry

  3. ang ganda ng kuha! may talento sa paglilitrato ang anak mo ah..maligayang LP!

  4. ang galing naman ng kuhang ito ng anak mo. malamig sa mata, ganda ng composition.

  5. ang green green sarap sa mata. at ang sarap humiga sa damuhan 🙂

    happy LP

  6. Wow, katahimikan with matching tula. Parang ang tema yata ngayon ay nananawag sa ating inner creativity. Naks! Seriously, beautiful photo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *