Tag Archives: pagbabalik

Balik Eskwela

Pagbabalik eskwela ang akmang tema ngayong Hunyo.

Narito si Bunso, not exactly nagbabalik eskwela dahil pers taym niya pumasok sa isang pisikal na paaralan pero sa konteksto ng balik-eskwela, ganun na din yun 😀

back to school

Aga namin no? Sarado pa mga classrooms, hehehe. Hindi dahil sa sobrang excitement yan kundi coding kasi kami kaya dapat maaga para hindi mapara ng mamang pulis. Tsaka ang travel time papunta sa paaralan at pauwi, nadagdagan sa sobrang sikip ng trapiko.

Maaga din ang dating ng mga anak ko sa paaralan, siguro 6:30 nandun na sila para sa 7:30 na pasok. First trip kasi sila kaya 5:30am, nandiyan na ang service. Kakapagod, pero mukhang enjoy naman sila kaya ayan, ang aga pa tulog na sila.