Namaalam na ang isang blag na aking binabalik-balikan at pinupuntahan ng halos linggu-linggo mula pa noong 2008: LITRATONG PINOY
Katulad ng iba, sa ibang konteksto ng buhay, na nagsisisi dahil nagkaroon ng konting kapabayaan sa pagdaan ng mga panahon, ako’y “guilty” sa hindi pagsali sa ilang tema sa kadahilanang marami-rami akong gawaing-bahay lalo na kapag may pasok ang mga bata.
Anyway, salamat Litratong Pinoy, sa iyong mga tema, ako ay nakapagsulat ng mga artikulong salamin ng aking damdamin, kaisipan at mga saloobin.
Salamat Litratong Pinoy, nagkaroon ako ng mga kaibigan sa pagba-blog, kaibigang nakilala ko sa totoong buhay at mga kaibigan na sa hanggang ngayon ay sa virtual world ko lang nakakahalubilo.
Salamat Litratong Pinoy dahil ako ay napatawa, napaiyak, napamangha at nagkaroon ng mas maraming kaalaman at kamalayan sa iba’t ibang aspeto ng buhay Pilipino. Yan, ang mga Pinoy bloggers, nagsusulat ng mga kuro-kuro, mga karanasang makikinabang ang iba at mga sulating may katuturan.
One Response to Paalam Litratong Pinoy