Naalala ko nung bata pa ako, kasama ko ang aking Mama sa aming tindahan ng may dumating na Amerikano. Matangkad, guwapo (para sa akin ha), matangos ang ilong, maputi, light brown ang buhok at kulay gray ang mga mata. Pero ang unang mapapansin sa kanya, siya ay balbas-sarado. Nang makita ko siya, madali akong tumalikod at sinabi sa aking Mama “Ma, nakakatakot naman si Joe (ang tawag sa mga lalaking puti noong araw), balbas sarado kasi, di man lang nag-aahit.”
Nagulat ako nung siya ay sumagot ng “Nene, bakit ka matatakot sa akin dahil sa aking balbas? Wala kasi akong oras para magshave kasi nasa bundok kami ng mga kasama ko at nagtuturo sa mga Ita.”
Hiyang-hiya naman ako at kaagad nag-sorry sa kanya. Nahiya ako hindi dahil sa sinabi kung nakakatakot siya kundi dahil naintindihan pala niya ang aking di magandang sinabi tungkol sa kanya Nakakatawang nakakahiya, hindi ba?